Chapter 3

8 1 0
                                    

"Sayang tong bulaklak na ito." panghihinayang nitong kasama ko ng hindi namin abutan si Shane sa kanilang room, paano namin nalaman kung ano ang section niya,well avid fan tong kasama ko eh.

"Pwede naman kasing thank you lang in person eh, bakit kasi may pabulaklak ka pang naiisip?" Wika ko sa kanya at sinimangutan ito.

"Uwi mo na yang bulaklak na yan Vonn, maloloka ang mama ko kapag nakitang may hawak ako nyan. Paranoid yun eh." Saad nito sabay abot ng bouquet sa akin habang naglalakad kami palabas ng school campus.

"Mag iingat ka pa-uwi." Paalam sa akin ni Jeh at sumakay na ng jeep pauwi sa kanila. Naglakad na ako papuntang sakayan ng tricycle dala dala ang bulaklak na hiningi pa namin kay ate Esther kanina.

Pagkatapos kong iligpit ang aming pinagkainan ay pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi nakita nila mama at papa ang bulaklak na inuwi ko dahil wala pa sila ng makauwi ako sa bahay. Inilagay ko ito sa  ay vase at inilagay malapit sa vanity table ko, rosas pa talaga ang napili ni Jeh na ibigay mukha tuloy akong nanliligaw eh.

Naupo ako dito sa upuan ng study table ko at nagsimulang gawin lahat ng mga assignment namin at nagbasabasa na din ako ng mga natitirang lessons namin para sa school year na ito. Ng matapos na akong magbasa at gumawa ng homework ay nahiga na ako sa kama ko at tinititigan ang kisame. Maya maya ay biglang umakyat si Mr.t sa aking kama at nahiga sa tabi ko.

"Mr.t, ang gulo ng mga nasa utak ko ngayon. Minsan sa sobrang gulo pinapasikip nito ang dibdib ko." Tinitigan niya lang ako saglit at saka niya pinikit ang kanyang mga mata. Maya maya ay nakatulog na din ako katabi ng aking pusa.

"Kasalanan ko lahat ng ito, hindi ka mamatay ng dahil sakin. Dapat ako ang nasa lugar mo." umiiyak ang isang babae habang nakaluhod sa isang libingan. Maya maya pa ay may lumapit na isang babae sa kanya.

"Kasalan mo itong lahat Vonn, kung hindi dahil sayo hindi ito mangyayari sa kanya. Dapat ikaw ang nasa puntod na yan at hindi siya!" galit na galit nitong wika at maya maya ay may inilabas itong baril.

Sinubukan kong sumigaw pero walang kahit anong salita ang lumabas sa aking bibig, maya maya pa ay pumutok ang baril kasabay nito ang paggising ko. May luha ang aking mga mata at pawis na pawis ako. Hinahabol ko rin ang aking paghinga dahil sa naging panaginip ko.

Sino ang nasa puntod na iyon? at sino ang taong may hawak ng baril? Sino sila at bakit ako nananaginip ng ganoong mga bagay?  Sa dami ng tanong sa ulo ko ay hindi na talaga ako nakatulog sa gabing ito.

"Kanina pa kita kinakausap, naririnig mo ba ako?" Sabay wagayway ni Jeh sa kanyang palad sa harapan ko.

"Ha? ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Tsk! Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi mo ako naririnig?"

"Jeh, minsan ba nanaginip ka ng mga bagay na nakakatakot o kaya naman ay nakikita mo ang sarili mo sa panaginip mo tapos parang totoo anf nangyayari doon?" Wala sa sarili kong tanong kaya napakunot ito.

"Ang gulo ng tanong mo, pero madalas nakakalimutan ko kung ano ang panaginip ko pagka gising ko eh." kibit balikat nitong wika sabay tawa. Kasalukuyan kaming nasa resto sa labas ng school para kumain ng lunch.

"Pero mabalik tayo di pa rin pumapasok ngayon si Shane mukhang absent eh. Di ko siya nakita kaninang umaga."

"Huh?"

"Well stalking skills. And kapag nasa campus yun aligaga na ang mga tao sa school which is hindi mo ramdam dahil wala kang pakialam sa nakapaligid sayo. Maski nga ang patitig sayo ni Andy ay hindi mo napapansin." Sabay turo niya sa likuran ko, nilingon ko ang tinutukoy niya at nakita ko si Andy na kumakain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChrysanthemumWhere stories live. Discover now