[49.1] Training Camp

Start from the beginning
                                    

Sinamaan ko lang siya ng tingin at ang mga alipores niya at sinubukang maglakad sa may gitna nila pero hinarang nila ako. Aba't!

"Wow naman. Ang lakas na ng loob niyang magwalk out sa atin. Bakit? Feeling mo maganda ka na? Feeling mo popular ka na? Ha? Bakit?! Dahil barkada mo na ang Tres Gwapitos?! Ang kapal din naman ng mukha mo. Niloko ka lang ni Enzo, at ngayon si Mico naman ang nilalandi mo?! Hindi ko alam kung ahas o tilas. Sa sobrang kati mo!"

Aba't!!! 😡 Lalapit sana ako sa kanya para sabunutan siya pero tinulak ako ng mga alipores niya. Sa sobrang dami nila napabagsak nila ako sa damuhan. Madaya! Sampu sila isa lang ako!

"Lalaban ka pa ha. Wala na si Mico na kakampi sa'yo kaya habang wala siya, gagawin kong impyerno ang buhay mo. Kasi nanagana ka na eh. Pakiramdam mo reyna ka? Pwes... Iuuntog lang kita. Pabor pa nga 'to eh. Para di ka na umasa." Tapos tumawa siya. Nakakainis, pinipilit niyang magtawa ng parang sa kontrabida. Trying hard talaga 'tong malditang 'to kahit kailan!

"Papaalal ko lang sa'yo na si Hope Yazon ka. Bobo ka! Section F ka! Mahiya ka naman at lumugar ka! Kung pakiramdam mo sobrang ganda mo eh nagkakamali ka! Okay ka lang?! Si Enzo nga niloko ka eh, si Mico pa kaya?! Si Enzo na super bait si Mico pa kaya na bully?! Pinaglalaruan ka lang nila. Umasa ka pa. Bakit ano ba sa tingin mo ang meron ka?! Eh ang makapasa nga sa subjects mo hirap na hirap ka na."

Naiinis na ako. Everytime tatayo ako, itutumba, itutulak o aapakan ako ng alipores niya. Ang dumi na tuloy ng damit ko. Bakit ba ganito 'tong mga 'to?! Di ba nila alam na bullying 'to?! At bakit ngayon lang?! Dahil alam nilang umalis ang Tres Gwapitos?!

At bakit nasasaktan ako sa mga pinagsasasabi niya ha?! Hindi dapat ako nagpapaapekto pero kasi ang sakit niyang magsalita! Akala mo naman kung sinong maganda...

"Ang kapal ng mukha mong malandi ka kasi si Enzo, at si Mico nilalandi mo. Si Bryle siguro kung hindi sila ni Venice lalandiin mo din eh ano?! Ahas! Tilas! Makati! Salot!" Tapos binato niya ako ng bag niya. Aray!!!

Tatayo na talaga sana ako para ipakain sa kanya ang bag niya pero--

"I'm sorry, but what's happening here?"

Napalingon kami lahat, halos kami napanganga 😮 (kahit ako) noong makita namin si Enzo na nakatayo doon sa may gilid, naka all white, at kakaalis lang ng earphones na suot suot niya. ✨

"Ha? Wala. Si Hope kasi nadapa." Pacute at Pagsisinungaling ni Abby. Ako?! Nadapa?! Kapal ng mukha... 😤

"Really now? Then ano yung narinig ko na malandi si Hope because Mico and I liked her?" Noong sinabi ni Enzo yun nagiba yung itsura ng mukha ni Abby. Kung hindi lang ako inis na inis malamang sa malamang gumulong na ako sa kakatawa. 😂

"I guess it's really not her fault that Mico and I fell for her, I mean... She's not that hard to like. And besides, you can't choose who will fall in love with you. So it's wrong to accuse her of being a flirt when she totally is not. And I hope you guys leave her alone because if not..."

Tapos naging seryoso ang mukha niya, na fierce na nakakatakot pero medyo hot. 😍

"...I might totally forget that you are girls, and you wouldn't want to know what might happen next. So, ladies if you must, go to your own class right now because it's 5 minutes before the time. And Hope... Stand up. It's not like you if you lose to them." Tapos nagwink siya 😉 sinuot ang earphones at lumakad papalayo.

Si Abby at ang mga alipores niya bago magwalkout nanakot pa "Hindi pa tayo tapos" sabi niya. Che! Pahiya ka lang eh. 😜 Pero habang naglalakad sila papalayo kilig na kilig kasi kinausap ni Enzo.

Naglakad ako papunta sa classroom. Kainis. English ang first subject namin! Pero baka malate pa ako kaya tumakbo na ako. Pagdating ko sa classroom hinanap ko agad si Chelsea. Nakita ko nasa may upuan niya siya.

"Chels! Omg di ka maniniwala sa nangyari sa akin kanina--" tapos kinwento ko sakanya yung nangyari pero.

"Ah? Talaga? Wow." Lang ang sagot niya. 😕

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Tapos napa 'Huh' siya tumingin sa akin at ngumiti.

"Ah. Oo okay lang. Puyat lang. Di ko pa kasi tapos yung paper na pinapagawa sa atin ni Miss Inigo. Yung English essay."

😦

😧

😟

😨

😱

Oh my goooosh! Oo nga pala! May essay pa! 

"Kelan ang deadline noon Chelsea?! Ngayon ba?"

"Bukas pa naman." At nakahinga ako ng maluwag. Bukas pa?! Ayon pwede ko pa gawin ngayon hanggang mamayang gabi! Shocks magagalit sa akin si Mico nito kapag nalaman niyang hindi ko pa nagagawa! Lagot! Aish, bahala na! Gagawin ko na lang yun paguwi ko. Ngayon, distracted na naman ako. Distracted sa ginawa at sinabi ni Enzo. Ano ba yan Enzo. Tigilan mo na nga yung mga ganoon. Ang hirap magmove-on sa’yo eh.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now