[49.1] Training Camp

Magsimula sa umpisa
                                    

“Gusto ko lang ako ang una mong makita pagising mo. Bakit?! May problema?!” Namula naman ako.

Lagi na lang siya ganito. Babanat ng kung ano ano pero ang inosente niya sabihin na parang hindi naman siya nagpapakilig at talagang normal lang na lumalabas sa bibig niya yon.

Pagdating namin sa may field, oh bakit ang daming tao—

At pagtingin ko sa kanan ko may malaking banner na nakalagay "Training Camp January 27-31, 2014"

Kaya pala nagmamadali! Ngayon pala yung alis nila papunta sa training camp! Naglakad lang kami papunta sa may field. Nakita at lumapit kami kina Miks, Venice at Bryle. Mawawala sila ng 1 week kasi magkakaroon ng Training Camp lahat ng varsity at cheerleader. Hindi ko naman alam na ngayon yun. Kaya pala ako sinundo ng ungas na 'to sa bahay.

"Hope, mawawala ako ng 1 week. Nakakainis naman. Magaral ka ah? Hindi porket wala ako hindi ka na magrereview." Sabi sa akin ni Mico. Aalis na nga nagpapakatutor pa rin!

"Naks, ang sweet naman!" Comment agad ni Chelsea.

"Ako Love hindi mo ako mamimiss?" Tanong ni Bryle.

"Kasama mo naman si Venice, baka ako ang hindi mo mamiss." Tapos tumingin si Bryle kay Venice, kumindat at niyakap si Venice sabay ginulo ang buhok. Nakakainis, ang perfect nila. ❤️

"Ako ba mamimiss mo?" Tanong ni Mico. Pero hindi ko siya pinansin kasi lumapit ako kay Miks!

"Miks! Galingan mo ah? Naks vumavarsity ka na talaga bakla. I mean... Boy. Anyway, galingan mo doon ha. Susulat ka. Magpapadala ka. Baka mamiss kita!" Tapos niyakap ko siya.

"Ang OA naman natin sa sulat ano nga po? Pero sige magpapadala ako ng ibon para sa mensahe ko sa'yo araw araw, abangan mo sa may garahe niyo ng mga bandang 6:00 PM darating yun." Sagot niya. Sira talaga 'to!

"Aba, ang sarap ng yakapan natin diyan ah." Sabat naman ni Mico.

"Sali ka? 😏" Asar ni Miks.

"Ayoko nga, baka magenjoy ka pa.😏" Asar pabalik ni Mico. Nasabi ko bang ang layo na ng evolution ng relationship nila?! Mula kay Miks na head over heels kay Mico, hanggang sa maging magkaribal sila sa akin at halos araw araw nagaaway, at ngayon na palaging nagaasaran pero alam mong close sila. Naks! Palibhasa magkasama sa Football varsity naging close na. ⚽️

"Hoy Hope!!" 😯 Sigaw ni Mico!

"Ano?!" Sigaw ko pabalik.

"Wag mo kong pagpapalit ha. 1 week lang ako mawawala. Hintayin mo ko." 😳 Ano ulit yun?! Kakainis bumabanat na naman. Si Bryle binatukan siya. Si Venice naman kinikiliti kiliti ako. Nangasar pa sila hanggang sa kinailangan na nilang umakyat sa bus kasi paalis na sila.

Noong makaalis sila biglang tumahimik ang paligid. Wow, ibang iba agad ang aura.

Babalik na sana ako sa classroom para sa morning class ng biglang may humarang sa akin.

Aba't...

"Abby?!" Oo. Si Abby. Yung nameet namin ni Enzo sa may palengke before. Yung nagtitinda ng isda. Kasama ang mga alalay niyang mga babaeng halos magkakamukha na sa kapal ng kilay at lipstick. Anong say mo Betty La Fea!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon