"Thorn! Anong trip ito??! Hindi pa ako nakapalit ng damit! Damuhog ka!!!"


Pero hindi man lang siya sumagot, bagkus hinila niya ako to God knows where. Hays, hindi na ako natutuwa sa nangyayari ah. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Pwede naman niya kasing sabihin kung ano ang nangyayari. Mahirap ba iyon?


"Kanina kidnapper ka, ngayon pipi ka na. Ano susunod? Bulag naman? " sabi ko. "Kanina pa ako may nababangga eh. Umayos ka nga."


 Pero as always, tinawanan niya lang ako. Kunti na lang makukurot ko na siya sa pinag-gagawa niya saakin.

Basta ang alam ko lang ay naglalakad ako ngayon na hindi pa nakabihis dahil naka-pajama pa, hindi alam ang nangyayari at kunting-kunti na lang ang pasensiya kay Thorn.


"ARAY KO!! THORN TAE KA!! NABUBUNGGO AKO!!BE CAREFUL NAMAN BWESIT ITO!"


Dahil every maglalakad ako ay may nabubunggo ako buti na lang hindi babasagin dahil wala pa naman akong naririnig na nabasag. At mabuti nga hawak-hawak niya ako, kung hindi kanina pa ako natumba.


"I'm so sorry Van. I'll be careful na." Tignan niyo nagiging conyo na rin din. Yan sabi niya pero hanggang ngayon ay rinig ko ang maliliit na tunog ng kaniyang tawa na animo'y nag-eenjoy siya sa ginagawa niya saakin. Kaya pambawi ay siniko ko siya at saktong iyong tiyan niya ang natamaan ko.

"OOUCCH! VANILLA!" daing niya at ngayon ako naman ang tumatawa sa aming dalawa.


"Serve you right, Tawa tawa ka pa diyan. Anong trip ba ito? Kanina mo pa iniiwasan ang tanong na iyon." naiinip ko nang sabi sakaniya dahil kanina pa kami naglalakad sa bahay o ewan ko kung asa bahay pa kami ngayon.


"Just trust me okay?"


"Paano?! Hindi mo nga sinasabi kung saan mo ko dadalhin!"


Sa pagkakataon na ganito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kokote ng lalaking ito. May paganito-ganito pa siyang nalalaman sa buhay eh pwede naman niyang sabihin na lang. Hindi pa siya mahihirapan kapag nagkataon.


" It's a surprise duh..." sabi niya. " May surprise bang sinasabi?" Sarkastikong sabi niya. O diba, napakamoody din ng lalaking ito? Talo pa ako sa pagkamasungit niya.


"Ewan ko sayo!" yan na lang ang nasabi ko at nanahimik. What is the use of whining kung alam mo namang hindi niya sasabihin di ba? We just need to shut our mouth and not waste all of our saliva dahil useless din lang. Patience Vanilla.....


At iyon nga sa wakas ay tumigil na din kami sa kalalakad. Tinanggal niya ang blindfold na natakip sa aking mata. Pakunti- kunti kung minulat ang mga mata ko dahil masiyadong maliwanag ang napuntahan namin. 


Nang okay na ang patingin ko ay nakita ko ang maraming ilaw o mas tinatawag nilang ring light.  Nakapalibot sa buong silid. Nasa loob pala ako ng guest room namin na pinakamalaki. At nang ilibot ko ang mata ko ay nakita ko ang Glam Team na tumulong at nag-ayos saakin noong pageant. Bakit sila andito?

Stuck Between Two HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora