Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ganyan naman palagi simula nung highschool palang kami ni kuya, palaging Center of attraction.

" Okay sis. Pasok nako , take care! " sabi nya tska nya ginulo buhok ko

Aish! Mukha ba akong aso?

Nagpaalam na din ako sakanya at naglakad na.

Nang makarating ako sa room wala pa naman yung prof. Sabi ni kuya late na kami?

Habang nananahimik ako sa upuan ko, biglang nag vibrate phone ko

1 Text Message

Fr. Alien Xyla

Cassy! Lets meet later sa cafeteria.
May importante akong sasabihin sayo!

Ano naman kaya yun?

Maya maya pa dumatingng na yung prof.

Wala naman kaming masyadong ginwa dahil first day palang.

Mabilis ang oras at mabilis ding natapos ang klase ko.

Puntahan ko kaya si Xyla? Tinatamad ako e.

Calling.... Alien xyla

" Hello? "

[ "Bessy! Asan kana? Kanina pa ko naghihintay dto. Nahahaggard nako"]

" Oo na papunta nako. Ano ba kasing sasabihin mo sakin? "

[ "Pagdating mo dito tska ko sasabihin. Dalian mo na! " ]

" Sige na pupunta nako dyan "

Pwede naman kasing sabihin nalang sa phone , gusto pa sa personal. Baka naman natotomboy na sya saken?

Naglakad nako papunta sa Cafeteria.
Medyo malayu- layo yun sa Building namin, ang haba pa ng lalakarin ko.

" Ouch! " Langya! Ang sakit. Lagot sakin kung sino man tong  bumangga sakin.

" How dare you! Duling kaba? "

"S-sorry Miss. Diko sinasadya "

" Bakit ba dika tumitingin sa dinadaanan mo?! " inis na sabi ko sakanya

" Tinetext ko kasi yung mga kasama ko, okay? Sorry ulit "

" K fine! " sagot ko sabay irap

" Saan pala yung office dito miss? Bago lang kasi ako dito. " kaya naman pala e. Kaya pala di ako kilala neto.

" Tanungan bako? Pero sige na nga! Dahil bago ka dito ituturo ko sayo. Pupunta ako ng cafeteria, malapit lang dun yung office. Sunod ka nalang " sabi ko tska nagsimula ng maglakad.

Naramdaman ko namang sumusunod sya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Dalian mo nga sa paglalakad! Sabay tayo para di ka magmukhang asong sunod ng sunod sa kanyang amo!"

" Yes Boss! " sabi nya at naglakad papalapit saken

Maya maya pa nagsimula na kaming maglakad.

" A-ah. Ano pala pangalan mo miss? " bigla akong napatingin sakanya.

" Bakit mo tinatanong ? " masungit na tanong ko

" Sungit mo naman " Malungkot na sabi nya "Di mo bagay"

" Iniinis mo ba 'ko? " Bakit ba kase ang layo ng office sa building namen?

" Tinatanong ko lang kase pangalan mo "

" Cassandra Perez "

" Ikaw si Cassandra Perez? " Gulat na tanong nya.

" Baket? May kapangalan bako? "

" IKAW SI MS HEARTBREAKER?! "

" Y-yah? Why? "

" W-wala. Ako nga pala si Kyle Andrada " sabay abot ng kamay nya sakin.

" Whats that for? " tanong ko sakanya. Imbes na sumagot inabot nya lang yung kamay ko . "Bitawan mo nga ako!"

"Shake hands" sabi nya at nag smile.
He's cute! His eye's are smiling too.

"Okay bitawan mo na 'ko." Binitawan nya naman ako at nagsimula na kaming naglakad ulit.

Maya maya pa, nakarating din kami.

"Diretso kalang dyan" turo ko

" Sige thankyou Ms. HB "

" Yah! Dont call me like that " galit na saway ko sakanya

"Okay okay. Thankyou again Cassandra. See you around! " masiglang sabi nya tska na sya umalis.

Okay time to look for xyla.

"Cassandra!" Sigaw ng boses ng isang babaeng kumakaway dun sa may dulo.

Agad ko syang pinuntahan

" Bakit ngayon kalang?! "sigaw nya saken pagkaupong- pakaupo ko palang sa upuan.

" Sorry may inasikaso lang kasi ako. Ano ba kasi yung sasabihin mo? "
bigla namang nagliwanag ang mukha nya

" Eh kasi naman " simula nya . Teka? Kinikilig ba sya? "May mga transferee! "

" Yun lang sasabihin mo?! pinagod pagod moko para sa wala "

" Di pako tapos bes! " sabi nya sabay hampas saken " Ang g gwapo nila! " sigaw nya.

Psh. Pake ko?

" I dont care kung ilan mang lalaking gwapo ang magtransfer dto. "

" Edi you dont care kase! Hindi naman ako yung tatandang dalaga e. Move on girl! "

Sasagutin ko sana sya nang biglang magtilian ang mga babae sa loob ng caf.

" Bessy! Ayan na yung mga transferee" kinikilig na sabi ni xyla
Habang may tinuturo sa may bandang pinto ng caf.

Paglingon ko i saw a group of boys.

Napalingon sa gawi ko yung nasa dulong lalaki at nung maitsurahan ko

Eh? Whats his name again?

Is that kyle? The boy earlier ago?

--

AN: this chapter is editted.
I will edit all the chapters one by one.

Sorry for the typo errors.
Thankyou for reading!

Mr. Casanova meets Ms. HeartbreakerWhere stories live. Discover now