Mas naloloka ako sa ideya na hindi man lang ako niligawan bago ako pakasalan. Kung alam ko lang na ipinagkasundo ako ni Mama kung kanino, pumayag na sana ako magpaligaw kahit kanino. Pero malay natin hindi lang 'to basta ipinagkasundo. Sigurado na involve ang pera dito.

"Ano ba ang kailangan mo?" inis pero may mababang boses na turan ko habang nakatingin ako sa paanan ko.

"Ikaw..."

"Kinakausap kita ng maayos kaya sana naman sumagot ka rin ng maayos."

"Maayos ang sagot ko, Heaven. Pero ano ba ang gusto mong marinig?"

"Yung totoo,"

"Pagsinabi ko, iiwan mo ako."

"Sino ka ba sa buhay ko?"

"I'm your-"

Nagsisimula pa lang kami mag-drama nang biglang tumunog ang tiyan ko. Naiilang na tumingin ako kay Cosmer. Hindi naman siguro narinig pero tumigil siya sa pagsasalita. Kainis naman bakit ngayon pa?

Ang tagal naman kasi magising ni Joshua. Nahihiya naman ako na istorbohin ito dahil siguradong pagod ito sa byahe. Nahihiyang ngumiti ako kay Cosmer. Para sa pagkain walang hiya hiya.

"Um, nagugutom na kasi ako. Wala bang pagkain diyan?" parang maamong tupa na tanong ko.

Lumawak ang ngiti nito sabay iling. Kumunot naman ang noo ko dahil inasta niya. Para kasi siyang natatawa.

"Nung nakaraan lang galit na galit ka sa akin ngayon ang bait-bait mo." Nagpipigil nitong tawa habang nagsasalita.

"Bibigyan mo ba ako ng pagkain o hindi?" inis na sagot ko.

"Kapag gutom ka nagiging halimaw ka," pabulong nitong sabi.

"Hoy! Bawiin mo ang sinabi mo!" Tinuro ko siya habang inis at masamang nakatingin sa kaniya.

"Heaven, What's happening?" rinig kong inaantok na tanong ni Joshua.

Gulat na napalingon ako kay Joshua. Salamat naman na gising na siya. Bumangon ako at sumimangot sa kaniya. I don't want to wake him up intentionally but he woke up because of me unintentionally.

Marahan na lumapit si Joshua sa kama ko habang kinukusot ang kaliwang mata niya. Halata sa kaniya na inaantok pa siya, magulo ang buhok nito at mapupungay pa ang mga mata. Umupo ito sa tabi ko habang ang isang braso nito ay nasa likuran ko.

"Why? What's wrong? How are you?" kunot-noo na tanong nito.

"Nagugutom na ako." Nakasimangot na sagot ko.

Inaantok na tumawa ito. Nahinto nang humikab siya. Lalo tuloy akong napasimangot sa reaksyon niya.

"Tinatanong ko kung may masakit ba sayo, hindi kung nagugutom ka." Nakangising sabi nito.

"Bibigyan mo ba ako o hindi?"

Natatawang pinitik nito ang noo ko bago tumayo. Sinundan ko lang si Joshua nang tingin. Pumunta ito sa long table na nasa tapat ng kama ko. May mga plastik bag doon. Nakatingin lang ako kay Joshua habang inaayos niya ang mga pagkain sa harap ko.

Cosmor stay silent while watching me. Napa-isip tuloy ako kung bakit nga ba ako nandito at kung bakit nandito si Cosmor. Natapos si Joshua sa pag-ayos ng pagkain at sumabay na sa pagkain ko. Tahimik na tumulala lamang ako habang kumakain.

"Heaven... Kamusta ang pakiramdam mo?" panimula ni Joshua sa usapan.

Natauhan ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni Joshua. Ibinababa ko ang kutsara at napatitig sa kaniya. Ano nga ba ang nararamdaman ko?

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now