“Kaibigan mo ako,hindi kita iiwan kahit na ilang beses mo pa akong tarayan tandaan mo yan.”sabi sa akin ni Chaera na dahilan para mas mapaluha ako “Hindi kita iiwan.”sabi niya sa akin habang niyayakap ako ng mahigpit

“Salamat Chaera,maraming maraming salamat.”sabi ko sa kanya

“Shsss tama na,huwag ka ng umiyak.”sabi sa akin ni Chaera

Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa babaeng ito.Matapos ng mga ginawa ko sa kanya noong mga kasamaan,still nandito pa din siya at dinadamayan ako sa lahat ng mga problema ko.Totoo nga ang sabi nila,isa sa mga pinakamahalagang yaman na maaring magkaroon ka ay ang mga kaibigan.Simula ngayon I’ll treasure all of them.Pahahalagahan at mamahalin ko na sila na parang isang tunay na kapamilya.Kaya ikaw mahalin mo lahat ng mga kaibigan mo dahil sila lang yung mga taong maasahan at dadamay sayo sa tuwing may mga problema ka kahit na gaano pa kaliit o kalaki iyan.

---------------------

Nandito ako ngayon sa bahay ni Kim at katabi ko ngayon ang lumuluhang si lola.Nakakaawa siya,sobra siyang nasaktan ng malaman na ang kaisa-isa niyang apo ay namatay na.Niyakap ko siya ng napakahigpit para maramdaman niya na may kadamay siya sa mga problema niya,na nandito ako,na hindi siya nag-iisa.

“Lola tama na po,huwag na po kayong umiyak.”sabi ko kay lola habang yakap yakap siya

“Apo ano bang nangyari kay Kim?Bakit siya nabaril?”naluluhang tanong sa akin ni lola

“Lola matagal ko na po itong gustong sabihin sa inyo pero ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon kasi nag-aalangan po ako kung sasabihin ko pa sa inyo.”sabi ko kay lola saka huminga ng malalim “Lola kasangkot po ang apo niyo sa isang sindikato.”sabi ko kay lola

“Ano?Pa...paano?Bakit?”naguguluhang tanong sa akin ni lola

“Matapos niya pong mag-ospital,bigla siyang nawala.Hinahanap natin siya ngunit hindi natin siya makita.Pero isang araw,habang naglalakad po ako ay nakita ko siya,nakita ko siyang pumapatay ng isang babae.”naluluha kong sabi kay lola

“Ba..bakit?Bakit pumapatay ang apo ko?”tanong sa akin ni lola

“Kasi galit daw po siya sa sarili niya,galit siya kasi nawala sa kanya ang taong pinakamamahal niya.”naluluha kong sabi kay lola

“Si Misty na naman ba ito apo?”tanong sa akin ni lola

Umiling ako ng marahan saka sinabing “Lola ako po,ako po ang tinutukoy niyang mahal na mahal niya.”naluluha kong sabi kay lola

“Pero paano?Akala ko ba ay yung Misty ang mahal niya?”tanong sa akin ni lola

“Ginamit niya lang daw po si Misty para mawala ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi daw po yun nawala,mas lumala lang daw po ang nararamdaman niya sa akin.Hanggang sa nasaktan niya ako ng sobra na dahilan para iwanan ko siya.At nagsisi siya kasi nasaktan niya ako,nakahanap ako ng ibang lalaki na magmamahal talaga sa akin at iyun ang dahilan kaya siya pumapatay,kasi nagsisisi siya kasi naging duwag siya,kasi hindi niya naipakita at naiparamdam sa akin ang totoong nararamdaman niya.”sabi ko kay lola

Hindi nakaimik si lola matapos kong sabihin sa kanya ang dahilan “Lola sorry po.”naluluha kong sabi kay lola

Napatingin siya sa akin at sinabing “Bakit ka humihinga ng tawad apo?”tanong sa akin ni lola

“Kasi ako po ang dahilan kung bakit siya namatay,kung sana hindi ko siya iniwanan,hindi sana mangyayari ito sa kanya.”naluluha kong sabi kay lola

Bigla niya akong niyakap “Hindi mo kasalanan ang nangyari apo,hindi mo kasalanan kung nagsawa ka na lang talaga,hindi mo kasalanang mapagod na masaktan.”sabi sa akin ni lola na dahilan para mas mapaluha ako

Badidang(Gay Story)Where stories live. Discover now