"Ang saya ng araw na 'to, Bright."

Oo. Sobrang saya Haze. Memorable ang araw na 'to sobra.

"This is the best day for me!" he somehow shouted in happiness. It even create an echo.

Nanatili lang kami nang ilang minuto roon, nasa ganoon puwesto bago kami nagpasyang bumaba. Nagtext naman si Haze sa guide at sinabing pababa na kami.

Pinauna ako ni Haze sa hagdan bago siya sumunod. When we finally reached the ground, he held my hands tightly at hinintay lang namin ang guide.

Nang makita na namin ay nagsimula na kaming maglakad syempre nakasunod pa rin sa kanya.

Pansin ko naman na sa lakad namin, parang hindi na ata balak ni Haze na tanggalin ang hawak sa kamay ko sa sobrang higpit nito. Lihim na lang akong natawa sa ginawa niya.

Nang makababa na kami nang tuluyan, nagpasalamat lang kami kay kuya bago kami dumeretso sa sasakyan.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, sobrang laki ng ngisi ni Haze kaya natawa ako.

"Tuwang-tuwa ka, ah?" puna ko sa kanya.

Inabot naman niyang muli ang kamay ko at pinatakan iyon ng isang halik bago hinawakan nang sobrang higpit.

"Sobra, Bright. Sobra pa sa sobra akong masaya. Sa mga nangyayari ngayon, who wouldn't be happy?" saad niya, galak na galak.

Napabuntong na lang ako at binawi ang kamay ko dahilan para mapanguso siya.

"Ba't mo binawi?" tanong niya, nakanguso pa rin.

Humalakhak ako. "Magdrive ka na. Let's go home already! Tignan mo oh, wala ng araw. Gabing-gabi na."

"Oo na," ngiting tugon niya at pinaandar na ang sasakyan. Sa buong biyahe, sobrang tahimik ko lang pero malapad ang ngiti ko.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Lumabas na agad ako at papasok na sana nang pigilan niya ako sa paghila at this time, nasa mga bisig na naman niya ulit ako.

"Parang hindi ata ako magsasawang yakapin ka nang ganito, Bright" he chuckled.

Napailing ako. "Talaga?"

He chuckled again. "Oo"

Yumakap ako pabalik sa kanya and I closed my eyes feeling this moment. Feeling him embracing me so tight.

In the middle of hugging me, he started moving kaya sumabay ako sa mga galaw niya and we're swaying together while on each other's embrace.

Nag-humm naman siya ng isang kanta para maging musika namin. While we continue swaying, hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapaiyak. Mas niyakap ko pa si Haze at sinuksok ko ang mukha ko sa leeg niya and cried silently there.

Parang ayaw kong matapos ang pagkakataong ito. Parang ayaw kong umalis sa tabi niya. Mas hinigpitan ko lang lalo ang pagyakap ko sa kanya. I don't want to leave yet. I don't want to hurt him again. I don't want to hurt myself. I don't want to experience the pain anymore. Pwede bang ganito na lang kami palagi?

But... how? Paano? I can only wish for that to happen.

Nang dahan-dahan siyang kumawala, mabilis kong pinunasan ang basang pisngi at mga matang walang tigil sa paglalabas ng mga luha.

Tumawa na lang ako nang maramdaman ulit ang mga luha sa pisngi. Pero siya na agad ang nagpunas nang mga luha ko at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Tara na?" pag-aya niya sa akin so, I nodded.

Pagkapasok sa kwarto niya, humiga lang ako sa kama niya at tahimik na tumitig sa kisame.

Napansin ko naman si Haze na tinanggal ang suot na damit at tanging boxers na lang ang naiwan sa kanya. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa banyo.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now