Chapter 17

4.3K 205 8
                                    

CLARA

Pagkalabas ko ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni Haze nang isang malawak na ngiti. I greeted him good morning and gave him a peck on the cheek.

Papasok na sana ako ng marinig ko ang tanong niya.

"Nasa'n si Bright?" ulit niya sa tanong.

Tuluyan na akong pumasok sa loob. "Papunta na 'yon dito," sabi ko.

Nagtaka naman ako nang nanatili pa siyang nakatayo sa labas. "Hindi ka pa papasok?" I asked.

"Hintayin muna natin si Bright," sabi niya. Mapakla akong napangiti at tumango.

"Tara na, Bright?" aya naman ni Haze, nakangiti, nang dumating na si Bright.

"Sige. Sorry, natagalan pa ako," pagpaumanhin ni Bright. Haze just smiled at him. Umikot na rin siya at pumasok sa driver's seat. He glanced at me and smiled.

Hindi ko magawang maging masaya. It just feels so weird na ganito siya kasaya all because of Bright.

"Ang saya mo ata?" hindi ko mapigilang tanungin. I want to hear kung bakit siya good mood na good mood.

He shrugged. "I'm just overwhelmed with what I'm seeing right now. Na nakikita ko na si Bright the way you can see him."

Umiwas ako at bahagyang tumango.

Si Bright. Si Bright ang rason kung bakit siya ganyan kasaya. And seeing him with that smile, hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, hindi sapat ang assurance na sinabi niyang hindi niya ako iiwan. Pakiramdam ko, unti-unti siyang nilalayo sa akin. Pakiramdam ko, anytime now, I will be left behind.

I kept my lips on thin line. Sa buong biyahe, hindi ako nagsasalita. Paminsan-minsan, napapalingon ako kay Haze na paminsan-minsan din ay kinakausap si Bright.

"Kanina ka pa tahimik, Clar. May problema ba?"

Napalingon ako kay Haze and smiled at him. Ayokong ipakita na malungkot ako. And I don't want to tell him about my reasons for being like this. Siguro, I have to mask what I truly feel inside. Alam ko kasing maaapektuhan ko sila pero I can't sure still of what I'll behave.

Hindi ko lang talaga mapigilang matakot. Matakot sa mga maaaring mangyari sa mga sumunod na araw.

We've been together for almost two years already. Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Tapos ang nakakatawa, sa isang kaluluwa pa talaga. Sa isang kaluluwang hindi matahimik. Sa kaluluwang hindi ko naman dapat katakutan. But I can't help myself.

Nang makarating sa university, nauna na agad akong lumabas. Hinatid ako ni Haze sa room ko. I knew he knew that there's something that's bothering me. Siguro dahil sa pagiging sobrang tahimik ko. But I will try to be as lively next time para hindi na siya magtanong. Ayoko rin naman na tanungin niya ako sa problema ko baka ano pa masabi ko.

Pagkaalis ni Haze ay lumabas ako at nagtungo sa banyo at umihi. When I got out the cubicle, naghugas agad ako at napahinto while looking at my reflection on the mirror.

"Kaya mo 'to, Clar. Kayang-kaya mo 'to!" pag-cheer ko sa sarili ko.

Pagkalabas ako ay nagulat ako nang makita si Bright.

"Kanina ka pa diyan?" I inquired.

"Alam kong may problema ka," sabi niya. "Anong problema mo? You can tell me."

Huminto ako at pinakita sa kanya ang ngiti ko. "Kita mo? I'm smiling! Don't worry, okay lang ako. Masakit lang puson ko," I reasoned.

Kailangan kong magsinungaling kahit kating-kati ako na sabihin. Pero hindi ko alam. I have mixed feelings. I felt bad for myself and at the same time, naaawa ako kay Bright.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now