Chapter 27

3.9K 180 20
                                    

***

BRIGHT

Makalipas ang tatlong araw, sa wakas ay nakalabas na rin si Haze at sobrang tuwang-tuwa ako. Sabi naman ng doctor ay okay na siya, so, pwede na siyang lumabas.

Nakatingin lang ako kay Tita at Tito na inaayos ang mga gamit. Natawa pa ako no'ng isang araw kasi nagtaka sila kung sino raw kausap ni Haze.

Buti na lang at na-explain ni Haze sa kanila ang tungkol sa akin. Tito was so confused pero napaliwanag naman ni Tita sa kanya. Tita told us also that Clara told her about me.

Napabaling ako kay Haze na nakaupo sa nakaayos na niyang higaan. He's really ready to go home.

"Excited?" nakangiti kong tanong.

Mabilis agad siyang tumango. Hindi naman talaga halatang excited siya sobra. But I'm so happy. I'm happy na lalabas na rin siya.

"Haze, papuntahin mo rin sa bahay si Clara. Hindi ko macontact, e. Tapos, hindi na rin nakabisita 'yon dito. Okay lang ba siya?"

Napalingon ako kay Tita nang magsalita bago binalik kay Haze na tipid lang na tumango sa kanyang Mommy.

Pero oo. Si Clara. She didn't visit Haze after that day. I myself want to talk to her. Siguro, mamaya kapag makakapunta siya. Gusto ko lang magpasalamat at mag-sorry. That's the  least thing I can do for her.

When his gaze met mine, nagtatanong ito. Nagtaas naman ako ng kilay. "Is it okay to you?"

Natawa naman ako. "Of course! It's fine to me. You can invite her," sabi ko.

Tumango siya na nakangiti.

When everything was ready, lumabas na rin kami ng kwarto. Naunang naglalakad ang mga magulang ni Haze while kami, nakasunod lang sa kanila.

"Gusto mo mamasyal?" tanong ni Haze sa akin. Matagal akong napatitig sa kanya bago tumango.

Nagpaalam din agad siya sa parents niya. No'ng una, ayaw pang pumayag ni Tita pero kalaunan ay um-oo na rin. And now, we're heading to the mall.

Sabi ni Haze ay ipapasyal niya raw ako roon. I pursed my lips to hide my smile.

"Date ba 'to?" I asked playfully.

He stopped and looked at me before chuckling. "Yes. Parang date na nga."

I just beamed and we continued walking. Una agad naming pinuntahan sa mall ay ang isang fast food restaurant. Haze is craving for fried chicken kaya nandito kami ngayon sa Jollibee. He's eating happily. Pero parang sobrang saya ko na rin just by watching him eat.

He surely missed to eat that fried chicken.

Dinama ko ang dibdib kong nakaramdam nang sobrang kasiyahan. This all felt so overwhelming. Ako, siya, kami, masaya lang. That's what I really want for myself. To be happy. To be the most happy person to exist.

"Gusto mo subuan kita?" alok niya habang nakalapit sa akin ang kamay niyang may hawak na isang buong fried chicken.

Napatingin ako sa paligid at buti na lang busy ang iba. Mapagkamalan pang baliw 'tong isang 'to.

Umiling ako. "Huwag na. Kumain ka na. Baka ano pa isipin nang makakakita sa 'yo." I chuckled.

He pouted. "Sige na!" maktol niya.

I sighed at ngumanga.

Mabilis naman niyang dinala iyon sa bibig at kumagat ako roon pero wala man lang nangyari sa fried chicken. He then laughed kaya napalingon na ang iba sa kanya na naweweirduhan.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now