Chapter 25

3.8K 193 32
                                    

***

BRIGHT

Kinabukasan ay sumama ako kay Clara para pumunta sa hospital. On our way there, sobrang tahimik ko lang.

Pagkarating sa hospital, napahinto naman si Clara nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon matapos tignan kung sino ang tumawag.

"Hello, Gwen?"

Tumingala ako sa building. Nagsimula naman ulit na maglakad si Clara kaya sumunod lang ulit ako.

"Bakit?" tanong ni Clara.

I pursed my lips while listening at them. Hanggang sa makarating na kami sa elevator. Clara pressed the floor button at hinayaan kaming dalhin nito sa ikatlong palapag.

"Punta na lang kayo rito mamaya," ang huling sinabi ni Clara bago binaba ang hawak na cellphone at lumingon sa akin.

Sakto namang bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami.

"Did you visit him yesterday?" pagtatanong niya. Naalala ko naman 'yong kagabi and I nodded at her.

"Oo. Binisita ko lang siya saglit. Tinignan ko kalagayan niya," sagot ko at naalala ko naman ang pagdadrama ko kagabi.

When we reach the door of Haze's room, Clara made a heavy sigh before she opened the door and entered.

When it was my turn to enter, bumalik rin agad ako sa labas nang makita kong gising na siya. Gising na pala siya. It's a relief to seeing him smile again.

Will he be okay seeing me?

Kaya ang ginawa ko ay tumingin muna sa may pinto. Nakita kong mahigpit na niyakap ni Clara si Haze. It's good to see him smile after waking up from sleeping for days.

Bumuntong naman ako at nagpasyang umupo muna sa bench sa tabi ng pinto. Dito na lang siguro muna ako. Natatakot ako at kinakabahan kung papasok ba ako o hindi. Baka kasi galit sa akin si Haze sa biglaan kong pagkawala.

I'll just wait for Clara to call me if ever gusto akong makausap ni Haze o baka tinatawag niya ako. Gano'n. Ewan.

Habang tulalang nakaupo sa labas, napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Tita. Siguro may bibilhin si Tita sa baba.

Pagkaalis ni Tita ay siya namang pagdating nina Gwen, Peir, at Luis. Napansin ko naman agad ang magkahawak na kamay ni Luis at Peir. It's good to know na nagkamabutihan na sila. Based on that gesture, we can say na baka sila na rin.

Napadako ang tingin ko sa mukha ni Luis. Will I ever get the courage he has? Kasi sa pagkakaalam ko, si Luis talaga ang halatang may gusto kay Peir. It's good that he worked on it.

"Hindi naman si Clara ang nahospital, e!" biglang sambit ni Peir matapos mabasa ang pangalang nakadikit sa pinto.

Tinignan din naman 'yon ni Luis at Gwen bago silang tatlo nagkatinginan.  Bubuksan na rin sana ni Peir ang pinto pero pinigil na muna siya ni Gwen. Nakita kong kumunot ang noo ni Gwen habang nakatingin sa salamin. Hindi ko na lang pinansin.

Mga ilang minuto rin silang nanatili sa labas bago pinasyang pumasok na.

Tahimik akong naiwan at napangiti na lang nang makarinig nang malakas na tawanan galing sa loob ng kwarto.

Napatingin naman ako sa suot kong bracelet. It's slowly fading.

I should get done all the things that I should do, right?

And it's a good thing. He's awake already.

CLARA

Nang buksan ko ang pinto, nagulat agad ako nang makitang gising na si Haze. Napakurap-kurap ako.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now