Chapter 28

3.7K 184 17
                                    

***

BRIGHT

"Sakay."

I followed him immediately at sumakay ako sa sasakyan. May dala si Haze na bulaklak at pagkain. Saan kami pupunta? Sa sementeryo? Sino naman dadalawin namin do'n?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nagmamaneho na si Haze.

He looked at me and smiled widely. "Basta."

Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw pang sabihin, e, mukhang alam ko rin naman. Ang tanong ko lang ay sino naman ang bibisatahin namin?

Long silence lingered inside the car. He was busy driving while I was busy looking outside the window. Minamasdan ang paligid.

"What if..."

Napagawi ako kay Haze when he started talking. Kumunot ang noo ko and waited for him to finish his sentence.

"Nabuhay ka Bright? What if hindi tayo naaksidente?"

Natawa ako sa mga tanong niya. Ang random kasi. Pero siguro, kung nabuhay ako, iba ang mangyayari. Siguro, kami pa rin. Siguro, we wouldn't meet in this kind of moment kung saan multo ako at tao siya.

Kung hindi kami naaksidente, siguro ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Kasi buhay kaming pareho. Walang na-damage sa amin. Siguro, we would be celebrating already our anniversary, ganoon.

"It would've been better. Kung nabuhay ako o kung sana hindi tayo naaksidente. It would've been always better," tugon ko.

He nodded his head while his eyes are glued on the road. Marahan akong humugot nang hininga.

Pero siguro, nangyari ang mga bagay na ito kasi ito talaga ang nakatakdang mangyari sa akin. Sa amin. Na sa ganitong paraan kami magkikitang muli.

I smiled bitterly. I really don't like this setup. Ayoko sa ganitong setup namin. Na siya lang ang nakakakita sa akin. Gusto ko 'yong nakikita rin ako ng iba. Nang hindi kaunting tao lang. Pero syempre, I can only wish for that kasi ganito na talaga ako ngayon. This is my reality.

Hindi ko na namalayan na huminto na pala ang sasakyan kaya bumaba na ako. Hinintay ko naman na makuha niya ang dadalhin niya sa loob bago ako nagsimulang maglakad.

"Mukhang hindi ka na nagulat na rito ang punta natin, ah," sabi niya.

Tumawa ako nang bahagya. "Obvious naman kasi. Pero hindi ko lang alam kung sino bibisitahin natin dito."

He smiled at me at umuna sa akin. Aba! Inunahan pa talaga ako. Tumakbo ako para maging pantay ang paglalakad namin.

But when I noticed that we're going to my grave, huminto ako. Nang mapansin niyang hindi na nakasunod ang presensiya ko sa kanya, he looked back and met with my eyes.

"Hali ka na!" tawag niya.

I chinked my eyes. "Bakit tayo pupunta sa puntod ko?" tanong ko.

But he didn't answer me. Bumuntong ako at sumunod na lang ulit. Nang nasa tapat na kami ng puntod ko, nakamasid lang ako kay Haze. Mabilis niyang nilapag sa puntod ang bulaklak at pagkain.

Kumuha rin siya ng kandila at sinindihan iyon before looking at me.

"Thank you, Bright, for coming to my life. For making me smile genuinely. For making me feel love. For making me remember everything..." Gumawi siya sa akin. "Of us."

Umiwas ako at tumawa. Mabilis ko namang pinunasan ang nangingilid ko ng luha. Parang tanga naman nitong si Haze. He can directly tell me that. Bakit sa puntod ko pa?

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now