Chapter 8

5.3K 259 34
                                    

***

BRIGHT

Nakatingin lang ako kina Haze at Clara na busy sa niluluto nilang pagkain. Sa narinig ko, ibabaon daw 'yan para may kakainin sa daan papunta sa university na nakita ni Clara nang basahin niya ako.

Isang linggo ulit ang nagdaan simula ng tignan ni Clara ang nakaraan ko. Busy din kasi sila sa acads nila na kailangan nilang mas pagtuunan. Pero masaya ako kasi nakikita ko ang kagustuhan nilang matulungan ako. Ngayon, sabado at ngayon nga 'yong plano naming pagpunta sa university.

Sa totoo lang, wala talaga akong maalala sa nakaraan ko kung napaano nga ba ako. Ang pangalan ko ay nalaman ko lang dahil iyon ang nakasulat sa lapida ng puntod ko.

Napahalakhak ako nang nakitang kumukunot ang noo ni Haze habang naghihiwa ng sibuyas. Masyado siyang seryoso sa ginagawa.

Nang matapos siya ay humugot siya nang malalim na hininga at umupo muna. Nakasandal lang ako sa hamba papasok sa kusina at nakahalukipkip at nakatanaw sa kanila. They would make a good couple, seriously. Bagay kasi sila masyado.

'Yong kapatid naman ni Clara ay nasa sala at nanonood ng palabas. Minsan nagtataka ako kung lumalabas ba 'yong isang 'yon o dito lang talaga siya sa loob at busy lang sa cellphone at panonood.

Nang matapos silang makapagluto ay kumuha si Haze ng dalawang tupperware. Tinulungan ni Haze si Clara sa pag-transfer ng niluto roon. Nakangiti lang din ako na nakatingin sa kanilang dalawa.

Nang mahagip ako ni Clara ay nagulat siya.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at saka naglakad lang ako palapit sa mesa. Napatitig naman si Haze kay Clara at sa sabay sa akin na tinitignan ni Clara.

"Nasaan si Bright?" Haze asked.

Tinuro ako ni Clara. Haze then smiled and waved his hands awkwardly. Natawa ako sa itsura niya at nag-wave pabalik.

"Kumaway siya pabalik, Haze," natutuwang sambit ni Clara. Haze just smiled after.

Umupo naman ako. Bigla namang nagpaalam si Clara para tawagin ang kapatid niya. Naiwan kaming dalawa ni Haze.

Pinagmamasdan ko lang siya na tahimik na nakaupo sa upuan kaharap ko. Habang mas matagal ko siyang tinititigan, parang may kakaiba. Parang nakita ko na ang mukha niya noon pa. Pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha niya pero wala akong maalala.

Pero gaya nga ng sabi ni Clara, Haze doesn't know or remember me. Pero ewan ko ba sa sarili ko. Kung bakit feeling ko kilala niya ako. Kung bakit feeling ko magkakilala kaming dalawa.

"Nandito ka ba, Bright?"

Pumangalumbaba ako habang nakatitig sa kanya. "Oo. Nandito ako," sagot ko kahit hindi naman niya ako naririnig.

"Huwag kang mag-alala. Masasagot din 'yang mga katanungan mo tungkol sa sarili mo and you will be at peace in no time," sabi niya.

Napangiti ako at tumango.

"Sana, Haze. Sana talaga."

Nang makabalik si Clara ay kasama na niya si Carl. Umupo si Carl sa upuan sa tabi ko. Naghain din agad si Clara habang si Haze ay naglagay ng plato sa mesa at pati sa akin, may nilagay rin na plato. Natuwa naman ako kasi sa galaw na 'to, parang hindi ako namatay at nag-e-exist pa ako.

Napalingon ako kay Carl na nakatingin sa plato ko. Nakakunot ang noo niya.

"Para kanino 'tong isang plato?" tanong niya.

Nagkatinginan si Clara at Haze. Si Clara ang sumagot sa tanong ni Carl.

"May nakikita kasi akong hindi mo nakikita. Hindi ba ay curious ka kung nakakakita ba ako ng multo, siguro naman ay nasagot na ngayon ang tanong mo?" ang sabi ni Clara.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now