Napailing na lang din ako habang natatawa na rin.

Nang matapos kami sa Jollibee, we went to an ice cream store. He's craving for ice cream daw. Jusko! Para na talaga siyang bata.

Was he like this when he's with Clara?

Mabilis akong umiling. Bakit ko ba iniisip 'yon?

"What flavor do you want?" lingon niya at tanong sa akin. Pero ako, sa tindera lang nakatingin na nakakunot na ang noo. Lumapit ako sa tenga ni Haze at bumulong.

"Vanilla lang sa akin. At isa pa, huwag ka pahalata. Para ka ng baliw."

He just smirked and ordered two different flavors of ice cream. Choco naman ang in-order niya for himself.

Umupo kami sa isang mesa malapit sa glass wall. Pagkaupo, sinandal ko kaagad ang sarili sa wall.

I replicate the food so I can eat it. Iyon lang magagawa ko, e. To replicate it so I can eat it.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya na kita mo talaga ang kasiyahan sa mukha. It's really too evident in his face.

Sobrang saya rin naman ng pakiramdam ko. Kasi, nandito siya, kasama ko. And I'm more than just happy with this.

After eating ice cream, sinundan ko lang siya hanggang sa mapadpad kami sa third floor, sa arcade area.

Mabilis agad siyang bumili ng coins at una niyang tinungo ang basketball. Habang ako ay nakangiti lang na pinagmamasdan siyang naglalaro.

Kung buhay pa sana ako, I'd be the most happy person to exist.

Kasi kasama ko ang taong mahal ko.

Ang taong mahal ako.

At ang maganda pa, I'm breathing. I'm living. Not like this na isang kaluluwa. Na nakikita lang niya kasi suot niya ang kuwintas na bigay ni Clara. Kasi kung hindi dahil kay Clara, he won't be able to see me. He won't be able to talk to me. This, ito, hindi ito mangyayari kung hindi ko nakilala si Clara at kung hindi ko siya sinundan. And I'm so thankful of her.

After all what we did, nagpasya na rin siya na umuwi na kami. Pagkarating sa bahay nila ay nagpaalam ako sa'yo.

"Magpapaalam sana ako, Haze," panimula ko.

Lumingon siya at kumurap-kurap.

"A—Aalis ka? Iiwan mo na ako?"

Natawa naman akong makita ang mukha niyang parang walang oras ay iiyak na.

"Hindi. Kakausapin ko lang si Clara." Tila parang nabunutan naman siya ng tinik sa narinig. Matapos nang pag-uusap, dumeretso na agad ako sa bahay nila.

Sa paglalakad paakyat, kinakabahan ako. Pero I need to do this. I have to talk to her. Say thank you and say sorry.

Pagkapasok sa kwarto niya, nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya. I sighed. Ang lungkot ng hangin sa kwarto niya.

"C—Clar..." I called.

Dahan-dahan akong humakbang para mas mapalapit sa kama niya.

Hindi siya gumalaw.

"Clar..." I called again. This time, gumalaw na siya at gumawi sa akin. When she saw me, dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard.

Pansin ko ang namamaga niyang mata. Napabuntong ako.

"Bakit ka nandito?" walang emosyong tanong niya.

Lumunok ako. "I..." napahinto ako. "I just want to say s—sorry."

Tumitig siya sa akin. Eyes screaming of sadness and pain. Umiwas ako.

"Sorry for what?" kalmado niya lang tanong pero punung-puno iyon ng sakit.

"For everything... For coming to your life. For making you cry. For inflicting you pain. For ruining everything..." I smiled weakly. Pero this is life right? Lalong-lalo na sa pag-ibig. Minsan, may isa na masasaktan talaga.

There's just a part of me that wanted to do this. To apologize. To say sorry.

"I also want to say thank you. For helping me. For everything. I'm thankful for that."

Instead of answering me back, she just nodded. Will she not say anything to me?

Nanatili akong tahimik for a minute before deciding to ask her. "Wala kang sasabihin?"

I heard her let out a heavy sigh. "A—Anong gusto mong sabihin ko?" kalmado pa rin ang boses niya but it's in the verge of breaking down.

Hindi ako nakasagot at napayuko na lang. I stressfully played my hands.

"It's hard for me, Bright. It's hard for me. Ito lahat. Ang hirap. Nangyari na ang nangyari. I don't have a control of it. Kung pwede ko lang sana ibalik ang lahat kaso hindi na, e. It's just so sad for me kasi, before I am the only person na tinitigan niya. Na dinadapuan niya ng tingin niyang puno ng pagmamahal. But now, I was just that person kasi dumating ka..." she paused and smiled.  A sad smile.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasambit niya ang hinanakit niya.

"Masakit sa akin. That he fell out of love. That somebody took his heart from me. Ako dapat 'yon, e..." umiiyak na siya. "Ako dapat 'yon, e!"

Naiintindihan ko siya. Siguro, kung ako siguro, I would do the same. Pero nangyari ang nangyari. Maybe, this is how her love story should turn out. Not with Haze.

"Alam mo no'ng binasa kita the last time? No'ng desperado na tayong may malaman at sinabi ko lang na wala akong nakita, kahit sa totoo, may nakita naman talaga ako..." her voice cracked. "I just don't want Haze to know it kasi baka iwan niya ako. And this happened. Iniwan niya ako. Iniwan niya pa rin ako kahit hindi ko sinabi. Sana 'no hindi na lang niya nalaman ang lahat. Sana hindi na lang."

"Maybe, you just have to accept everything. Acceptance," sabi ko.

She laughed. "Ang daling sabihin pero mahirap 'yang gawin, Bright. It's hard to accept that he was once yours, then you wake up the next morning, he was never yours anymore..."

Napakagat labi ako at napayuko. I felt so sorry.

"Sorry..." iyon lang talaga ang masasabi ko.

"Are you h—happy?" tanong niya na nagpatunghay sa akin. I stared at her for moment before I slowly nodded my head to answer her question.

"Oo. Masaya ako."

She nodded. "Don't ever leave him, Bright. Iyan lang ang gusto kong gawin mo. Huwag mo siyang iwan."

Tila natigilan ako sa sinabi niya. Napakurap ako.

Tumikhim ako. "O—Of course, I won't leave him! Sobra ko siyang mahal for me to leave him."

She smiled. "That's good. But promise me that, Bright."

I nodded and sighed before leaving her room. Tahimik naman akong lumabas ng kwatrto at pabalik sa bahay nina Haze. When I enter his room, nakita ko siya sa labas ng veranda. I slowly walked my way until I was beside him.

"Oh, nakabalik ka na pala? Tara sa tree house!" ayaw niya agad. Tumango naman ako at sumunod sa kanya sa labas at hanggang sa umakyat na siya ng tree house. Umakyat din ako roon at pagkarating sa ibabaw, napangiti akong humiga sa higaan. Tumabi naman si Haze sa akin.

The leaves outside were dancing through the wind. Pinapakinggan ko lang din ang ingay nito.

"Kung buhay ka pa, Bright, ganito kaya tayo?" breaking the lingering silence, Haze asked.

Ngumiti ako.

"Of course!" I closed my eyes.

"Bright..." tawag niya.

"Hmm.." nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Huwag mo akong iiwan, ah," he said.

My smile faded but I smiled again.

Of course. I won't leave you.

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now