He wiped his tears. Then the door suddenly opened at lumitaw agad sa paningin ko ang tatlo. Mabilis na pinunasan ko ang pisngi ko. Tumayo ako at ngumiti.

"Oh my god! What happened to you, Haze?" Sigaw ni Peir habang papalapit sa pwesto ko.

Lumapit din naman ang dalawa pa.

"Oo nga. Anong nangyari? Ba't ka nakahilata rito? Kaya ba laging absent 'tong si Clara? Sana sinabihan mo man lang kami, Clar!"

Napatakip ako sa tenga ko. Ba't ba ang lakas ng boses ng mga 'to?

"Ayan! Bumili kami ng prutas!" abot ni Peir sa amin ng binili nila. Nakangiting kinuha ko naman iyon at nagtungo ako sa mesa para ilagay ito. Napalingon ako sa tatlo na kinukumusta ngayon si Haze.

Bakas sa mukha ang pag-iyak niya pero hindi niya iyon pinansin. Mukhang wala namang pakialam ang tatlo.

Umupo ako sa sofa at pinagmamasdan lang sila na nakikipagkuwentuhan kay Haze.

Bigla namang sumagi sa akin ang sinabi ni Haze.

Bakit ba sinisisi ni Haze ang sarili sa nangyari noon? Aksidente naman 'yon, e. Hindi naman nila ginusto ang nangyari. Hindi naman niya ginustong mangyari 'yon.

And him saying na sana hindi na lang siya nabuhay hurts me the most. Na sana hindi na lang siya nagising, sobrang sakit. Kasi paano naman kami? Did he ever consider us na naghintay sa paggising niya? His parents! Did he ever think of us when he said that? Nandito rin naman kami, ah. Nandiyan pa sa kanya. Nagmamahal.

Bumuntong ako at kumuha ng apple sa dalang prutas nila Peir at saka ako kumagat doon.

Lumipas ang oras ay nagpaalam na rin ang tatlo kasi may pasok pa. Bago sila umalis ay kinausap pa muna nila ako.

"Dadaan ko mamaya ang notes sa bahay niyo. Pumasok ka na next week kung ayaw mong bumagsak," pangaral sa akin ni Gwen.

Ngumiti ako at tumango.

"Oo nga, Clar. Pumasok ka na. Some professor are asking for you na. Kaya dapat next week, makikita ka na namin, okay?" si Peir, nakangiti. Nagpasalamat lang din ako.

Muli akong tumango sa kanila bago ako nagpaalam muli. When the door closed, napabuntong ako at tumayo saka lumapit ulit kay Haze.

Umupo ako sa upuan at kinuha ko na ulit ang kamay niya.

"Clar..." tawag niya.

Kinabahan naman ako bigla sa pagtawag niya.

"Bakit?"

Mas lumala ang kabang nararamdaman ko.

"L—Let's break up..."

Parang bigla akong nabingi sa narinig. Mabilis akong tumunghay para tagpuin ang mga mata niya.

Ibinuka ko ang bibig ko pero I ended up closing it, walang masabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Sumisikip.

"Let's end this... us..." pag-ulit niya. At doon na. Doon na tuluy-tuloy na bumigay ang mga luha ko. Bakit?

Iyak lang ako nang iyak sa harapan niya.

"B—Bakit..."

I want to know. Naguguluhan ako. Why?

Hindi siya sumagot. Mas humagulhol lang ako.

"Dahil ba kay B—Bright?"

Hindi pa rin siya sumagot sa tinanong ko. Napayuko ako at humikbi lang ulit.

"M—Mahal kita, Haze... Huwag namang ganito, please?" I bit my lower lip.

"Will you choose him over me?" tanong ko sa kanya. I want an answer.

"Haze naman, e! Can you please answer my question?!" hindi ko na mapigilang mapasigaw. Nakatingin lang naman siya sa akin, seryoso. Na parang wala siyang pakialam na umiiyak na ako.

Humina ang boses ko.

"Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?"

I looked at his eyes. Those eyes are already telling me the answer but I want to hear it from his mouth.

"Yes..."

And my heart just left shattered on the ground.

"Mahal ko siya. And I will choose him over y—you..." nag-iwas siya.

Pinunasan ko ang pisngi ko at ang mga matang walang tigil sa pag-iyak. I smiled at him.

I stood up.

"S—Sige... "

The only thing I said before leaving the room. Bawat paghakbang ko, umaasa akong pipigilan niya ako at babawiin niya ang mga sinabi but I can only wish for that to happen.

Pagkalabas ko sa kwarto, napaluhod na lang ako sa grabeng iyak. Ang bigat-bigat. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Narinig ko ang boses ni Bright. Tumayo ako at mabilis na hinarap siya at saka siya malungkot na nginitian.

"Take care of him..."

Bago ako tumakbo paalis sa hospital. Paalis sa kanya. Sa buhay niya.

***


Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now