Am I not dreaming? Gising na talaga siya?

Naramdaman ko naman ang pagwawala ng puso ko. Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap and I bursted into tears while hugging him tightly.

"H—Haze..." tanging naibulong ko lang. I'm so glad that he's awake. Na gising na talaga siya this time. Akala ko ay matatagalan pa pero ang saya that I won't need to worry every day anymore.

Pagkakawala ko, umupo ako sa upuan na nakangiti lang while drying my tears and after, I held his hands.

"Okay lang ba ang pakiramdam mo? Wala bang masama? Okay ka na talaga?" sunud-sunod ko namang tanong, suot ang ngiti. Mabilis siyang umiling at ginulo ang buhok ko.

"I'm fine, Clar," sagot niya na nakangiti rin. It's good to hear that. Napansin ko namang parang may hinahanap siya kaya naglingun-lingon din ako sa paligid. Nagtaka naman ako nang hindi ko makita si Bright. Nagpaiwan ba 'yon sa labas?

Pagkabalik ko ng tingin sa kanya, bumagsak ang balikat niya disappointed that he was not able to see the person he's been looking for.

Tipid akong napangiti.

"Anong oras ka palang nagising?" tanong ko naman to avert his thinking of Bright.

Nag-isip siya saglit bago sumagot kaya pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute niya lang kasi, e. Napanguso naman ako nang maalala ko ang mga happy memories naming dalawa. Sana madagdagan pa.

"Four in the morning ata?" he answered and I nodded. Ang aga pala niyang nagising.

"Maiwan ko muna kayong dalawa diyan, Clar. May bibilhin lang ako sa baba." Napalingon ako kay Tita. "Sige po, Tita," masayang tugon ko. Nang makalabas na si Tita ay binalik ko kay Haze ang tingin. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa, nakatuon lang din ako sa kamay niya habang pinaglalaruan iyon. Masaya ako. Masaya ang puso ko.

"Si B—Bright?"

Napahinto ako sa ginagawa. Nawala naman ang ngiting suot ko at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Seryoso namang mukha ang sumalubong sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Yumuko ulit ako at muling pinaglaruan ang kamay niya.

"Hindi pa ba s—siya bumalik? Did he really l—leave us?" his voiced cracked.

Mariin akong napapikit upon hearing him in the verge of crying. May kumirot naman sa puso ko. Gusto kong huwag sabihing bumalik si Bright, gusto kong huwag ipaalam, pero ayoko namang maging selfish. Huminga ako nang malalim bago ko siya tinignan sa mata.

"Why do you ask, Haze? Bakit mo siya hinahanap?" pagtatanong ko. I was just curious. Bakit niya hinahanap si Bright?

"I missed him, Clar. Na-mimiss ko na siya..."

Napayuko ako. Hindi ako inasahan ang sagot na 'yon. A tear fell from my eyes kaya mabilis na pinunasan ko iyon bago muling nag-angat sa kanya. Bakit? Why would he miss him?

"B—Bakit?"

He smiled. "Naaalala ko na ang lahat..." he trailed off.

Umawang naman ang labi ko sa narinig. Alam ko namang mangyayari ito pero nagulat pa rin ako.

Mapakla akong napangiti at tangu-tango lang.

"I was the reason why h—he died, Clar..."

Tears start streaming down his face. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

"S—Sana hindi na lang din ako nabuhay... Remembering what happened, sana hindi na lang ako nagising..." sumamo niya.

Napakagat labi ako. Bakit niya sinasabi 'yan? Bakit niya sinisisi sarili niya? At bakit mas lalo niya lang akong sinasaktan?

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now