"M—Mahahanap naman natin si Bright, 'di ba?" umaasang tanong niya. "O—Oo naman..." sabi ko kahit hindi sigurado sa sinasabi. Iyon lang ang alam ko para bawasan ang nararamdaman niya.

Pagkarating sa sementeryo, bumaba na agad siya at iniwan ako. Deretso ang lakad niya habang ako ay nakasunod, mabagal ang mga hakbang.

Nang malapit na ako sa puntod ni Bright, napakagat labi ako at nakatingin lang kay Haze na sigaw lang nang sigaw.

Bakit ba kasi bigla ka na lang umalis, Bright? Sana man lang nagpaalam ka sa amin, 'di ba? Hindi 'yong gan'to. You've been part of our lives. Ours was already part of yours as well. Sana inabisuhan mo man lang kami. It's hard na kasama ka pa namin tapos sa isang iglap, mawawala ka na lang.

Pinalis ko ang umaamba na namang mga luha.

Pagkalapit kay Bright, niyakap ko siya. Hinigpitan ko pa. Tumaas-baba naman ang kanyang balikat dahil sa paghagulhol. I stroked his back.

This is my first time seeing him cry this hard.

"Did he leave u—us?"

I continued what I'm doing while crying silently. What did you do to Haze, Bright? What did you do to his life? To my life?

"T—Tahan na..." I keep my voice not to crack.

"Baka... baka umalis na talaga siya..."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Nasasaktan na rin ako. Nasasaktan na rin ako na bakit nagkaganito ang lahat? Nasasaktan ako dahil nasasaktan rin siya. Sobrang sakit na.

Humiwalay siya at lumapit sa puntod ni Bright. Lumuhod siya at hinaplos iyon.

"Bakit? Bakit mo kami iniwan? Ba't hindi ka man lang nagpaalam? Bakit? Bakit, Bright..." pumiyok ang boses niya.

Dinaluhan ko siya at inalalayan para tumayo.

"Uwi na tayo, Bright. Maggagabi na."

Sobrang tagal ng araw ngayon. Sobrang daming nangyari. Mga katotohanang nabunyag. At ang pagkawala ni Bright.

My life before I met Bright, it was just normal. May nakakasalamuha akong kagaya niya but it was just normal. Hindi ko sila kinakausap at nilalampasan lang na parang hindi ko nakikita. Normal na iyon sa buhay ko.

Pero simula ng makilala ko siya, andaming nangyari sa buhay ko. Sobrang daming nangyari.

Pagod siyang sumandal sa upuan pagkapasok sa sasakyan. Tahimik ako at sobrang nalulungkot at nasasaktan sa nangyari ngayon. Sa kanya. He looked so stressed and messed.

He sighed at saka tumuwid at pinaandar na ang kotse.

The ride was so quiet. The sad atmosphere lingered around. I could feel it. Pinalilibutan ang buong loob ng sasakyan. Napapansin ko rin ang paminsan-minsang pagtingin ni Haze sa rearview, siguro umaasa na baka lumitaw si Bright. Umaasang baka nagbibiro lang.

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Pagkalabas ko, lumabas din si Haze.

Walang nagsasalita sa amin, nakasandal lang din siya sa pinto ng sasakyan. Hanggang sa binasag ko na.

"Will you be o—okay? Gusto mong ihatid k—kita?" suhestiyon ko. Lumingon siya at sobrang lungkot niya.

"Okay lang. I can handle myself. Sige na, pumasok ka na sa loob," pag-sabi niya sa akin at nasilayan ko ang sobrang tipid niyang ngiti na hindi ko nakita kanina pa. Tumango ako at naglakad na papasok sa loob.

Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko after all what happened.

When I enter the room, deretso lang ako sa kwarto ko. Nilibot ko pa ang buong sulok ng kwarto, nagbabaka sakaling makita ko siya, pati ang veranda, pinuntahan ko para hanapin siya.

Pagod akong napaupo sa kama. Binagsak ko ang katawan.

Today was just too much for me. Ipinikit ko ang mata ko, hoping once I open my eyes, everything's already alright. Na wala na akong poproblemahin. Na wala ng poproblemahin si Haze.

But I can only wish for that to happen.

HAZE

Pagkapasok sa sasakyan, napatungo ako sa manibela at muling nagtubig ang mata ko.

Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Kung kailan natanto ko na ang nararamdaman, saka naman siya naglaho na parang bula.

Sobrang bigat ng loob ko. Sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag ang sinisigaw ng puso ko.

Nag-ngat ako at pinunasan ang pisngi pero wala pa ring tigil sa pag-agos ang mga luha. Tila may buhay sila. Tumingala ako. Kinagat ko ang labi ko.

Tangina lang! Hindi ako palamurang tao, pero hindi ko lang talaga kaya, e.

Pinukpok ko ang dibdib ko. Hindi mawala ang bigat. Ayoko ng nararamdamang ito. Pero anong magagawa ko?

I sighed hard and started the engine and drove it till I reached home.

Pagkapasok ay tuluy-tuloy lang ako sa taas. Agad akong binagsak ang katawan sa malamig na kama. Nanuot kaagad ang lamig sa balat ko.

I closed my eyes. Pero mukha lang ni Bright ang lumitaw. Maamo niyang mukha.

Iminulat ko ang mga mata ko. Pagod na ako. Pagod na ako sa kaiiyak. Gusto kong magpahinga. Gusto kong matulog pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya agad ang lumilitaw. Idagdag pa na sobrang bigat ng puso ko.

Bumangon ako.

Naglakad ako palabas sa veranda. Umupo agad ako sa sahig at tahimik na nakatingala sa kalangitang punung-puno ng bituin.

When a shooting star pass through, agad kong ipinikit ang mga mata nang mariin at hiniling ang nais ng puso ko. Na kahit makasama ko man lang nang ilang araw, okay na sa akin. Okayng-okay na sa akin 'yon.

At isa na rin ay masabi ang nararamdaman ko. Masabi ko sa kanya na mahal ko na siya.

Wala na ang shooting star when I opened my eyes.

Tumayo na ako at naglakad pabalik sa kama ko para makapagpahinga na. Kahit nahihirapan akong matulog, pinilit ko ang sarili. Hanggang sa dalawin na rin ako ng antok.

"I love you, Bright..." I confessed.

Napatitig ako kay Haze matapos ng mga katagang binitawan niya. Mahal ako ni Haze?

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko pero sobrang saya ko matapos siyang marinig na sambitin iyon.

"H—Haze..."

"At first, hindi ko talaga alam. Hindi ko alam but as time goes by, it developed, and now, it becomes love. My feelings for you is not just a simple like. This is deep cause this is what they really call—love," pagkuwento niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, but my heart is happy. So much happy.

But at the eventually, I end up telling him, "I love you, too..."

Napabalikwas ako at agad napahawak sa noo na puno na ng pawis. Malakas din ang kabog ng puso ko. I glanced at the time and it's 4 am already in the morning.

Nilibot ko ang buong kwarto, no signs of Bright. Gumuhit ang lungkot sa labi ko at ramdam na ramdam ko ang bumibigat ko na namang pakiramdam.

"B—Bright..." tawag ko kahit alam kong hindi siya sasagot.

"Kung nasaan ka man ngayon, sana naririnig mo ako. Pwede bang bumalik ka na? P—Pwede bang..."

Yumuko ako at hinayaan ang luhang gusto ng kumawala.

"...kahit sa huling beses, makasama kita?"

Pinalis ko ang mga luha at malungkot na ngumiti.

"B—Bright, mahal kita..."

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Kde žijí příběhy. Začni objevovat