"That's good!" nakangiting sambit niya.

*

After eating, nagpaalam na rin silang dalawa at nauna na agad sa palabas. At habang ako ay nakasunod, bigla akong napahinto nang mapansing unti-unting naglalaho ang mga braso ko. Nanlaki ang mga mata ko. What happened?

Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin no'n?

"Bright!"

Napaangat at nakita si Clara na tinatawag na ako. I looked back at my arms at bumalik na naman ito sa dati.  Muli akong napaisip at pinilig ang ulo.

Are those signs?

Pero signs naman ng ano?

HAZE

Tinignan ko si Bright sa rearview at pansin kong kanina pa siya wala sa mood. Hindi ko naman alam kung anong rason.

Bumuntong ako at nilipat na lang sa daan ang pansin.

Nagulat pa naman ako kanina sa kanya na nakatayo malapit sa kama at nakatingin sa amin na hindi ko alam kung bakit.

Pagkarating sa bahay nina Clara, lumabas agad siya para kuhanin 'yong bag niya kaya ang naiwan ay kami lang dalawa ni Bright.

Lumingon ako sa kanya.

"May problema ka ba, Bright?" I asked worriedly. Alam kong may problema siya pero naiintindihan ko naman na ayaw niya sabihin.

Mabilis siyang umiling. "Wala naman."

"Alam kong meron. Tell me, I'll listen," pilit ko sa kanya.

Muli siyang umiling kaya napabuntong na lang ako. "Okay, if ayaw mo talagang sabihin, fine. Pero remember na nandito lang kami ni Clara for you, okay?" I assured him.

He didn't nod and just remain silent. Dumating naman din si Clara kaya nagpatuloy na kami sa biyahe.

Muli akong napatingin kay Bright at halata na marami itong iniisip. When he noticed me looking at him, he smiled at me.

Napailing na lang ako.

"So, he's living alone in his condo?" tanong ko kay Clara. Malapit na raw kami.

"Iyon 'yong sinabi niya sa akin no'ng tinawagan ko," sagot niya.

Kung kahapon ay si Clara 'yong malungkot, ngayon naman si Bright. Hindi naman sila nagsasabi ng problema. Sapilitan pa kung magsabi man.

Hindi naman ako manghuhula para mahulaan kung ano ang problema nila.

Mga mahigit isang oras din 'yong naging biyahe namin bago nakarating sa condominium kung nasaan ang condo ng Kuya ni Bright.

Lumabas na kami sa kotse at napatingala agad ako sa building. Nagkatinginan naman kami ni Clara bago naglakad papasok.

Clara pressed the floor button since siya ang nakakaalam ng floor ng unit.

"Are you excited to know who your real parents are, Bright?" Clara suddenly asked Bright na nakatungo at naglalaro sa kanyang mga kamay.

Napadako sa akin ang tingin ni Clara and asked me about him using her eyes. Nagkibit ako.

"Bright..." she called.

Tinawag pa niya ulit at saka lang ito nag-angat. "May problema ba?" marahang tanong ni Clara.

Bright smiled. "Wala naman. Don't mind me. Iniisip ko lang ang tunay kong magulang."

"Magiging maayos din ang lahat. Makikita mo rin ang mga magulang mo. Huwag kang mag-alala. Masasagot din lahat ng mga katanungan mo."

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon