Naiinis na rin ako. Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanya. He didn't do anything to me. Nakakafrustrate.

I sighed slowly to calm myself. Nafufrustrate lang siguro ako sa sarili ko for overthinking.

Pagkapasok sa room ay agad akong naupo sa upuan sa pinakadulo. Hindi ko na binalikan ang inupuan ko kanina. The three looked at me and wondered. Hindi ko na lang sila pinansin.

BRIGHT

Kahit hindi ako kumbinsido sa mga sinabi ni Clara, I convinced myself na masakit lang talaga ang puson niya.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito kalungkot at maraming bumabagabag sa kanya just by looking at her face.

Tahimik lang ako na sumasabay sa kanya papunta sa coffee shop. She ordered a coffee shake and went to her usual spot.

I took the seat in front of her and sighed. "Sigurado kang okay ka lang?"

At ayan naman siya sa ngiti niya. "I'm really fine Bright. And huwag mo ako kausapin kasi baka may makarinig. Ano pa isipin sa akin."

I wandered around at wala namang tao sa malapit sa amin. Doon sa kabilang side lang naman mayroon. Gusto ko sanang sagutin siya sa gusto kong isagot pero mas pinili ko na lang na tumahimik.

In a while, dumating na rin si Haze. Haze made a fist. Napatingin naman ako doon at nagtaka.

But when I realized, agad kong tinaas ang kamay ko and made also a fist. Binangga niya agad sa akin ang kamao niya at natawa ako nang tumagos ito.

"Alam mo naman kung ano ako Haze, 'di ba?" paalala ko sa kanya. Nang matanto niya ay nagkamot siya habang natawa at napailing.

Bigla ko namang napansin na wala na si Clara. Napatingin din sa akin si Haze.

"Nandoon na siguro 'yon sa kotse," sabi ni Haze.

Napatingin ako sa ibang nandito sa loob. Buti at busy sila kaya hindi gaano pinansin si Haze. Mapagkamalan pa siyang baliw niyan na may kausap sa hangin.

Pagkarating sa kotse ay nandoon na nga si Clara.

"Ba't mo naman kami iniwan do'n?" tanong agad ni Haze pagkapasok. Napatingin naman ako kay Clara na tahimik lang. Tinignan ko ang mukha niya sa may rearview mirror. Hindi ito maipinta.

"Sa bahay ko tayo dederetso," anunsyo ni Haze at pinaandar na ang kotse.

"Bakit?" Clara asked.

"Doon ka na magdinner, Clara. Let's have movie marathon. Let's have some time together." Nilingon ako ni Haze at nginitian kaya ngumiti rin ako pabalik.

She just nodded and mumbled, "Okay."

The whole ride was so quiet. Ninanakawan ko ng tingin si Clara sa rearview at napansin ko ang busangot niyang mukha. Tignan mo 'tong isang 'to. Okay raw pero nakabusangot. Napailing na lang ako.

When the car stopped, mabilis na lumabas si Clara at nauna na agad sa loob. Mabilis naman siyang sinundan ni Haze.

Ako naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng kotse at napatingin sa dinaanan ng dalawa. Bago ako tumuloy ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Pagkapasok ko ay ang dalawa kaagad ang hinanap ko na natagpuan ko lang sa kusina. Clara was smiling while talking to Haze's mother. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag nang maaliwalas na ang kanyang mukha.

Sana mas maging okay pa siya. Her smile suits her really well.

Lumipas ang mga oras at kumakain na rin sila. Nakatingin naman ako kay Haze na pinagsalinan ng kanin at ulam ang plato ni Clara. Sweet.

"Eat it. Busugin mo ang sarili mo, Clar, okay?" Haze told her.

At ngayon, okay na ang kanyang ngiti. Hindi na halatang pinilit. Napangiti ako. Haze is the only person that can make her smile like that. Clara surely loves Haze so much.

"Thank you!" Clara mumbled and then started eating.

Nagpasya akong tumambay sa sala nila at hinatayin silang matapos. Nang mabored sa pag-upo ay nagtingin-tingin lang ako sa mga paintings na nakasabit at sa mga picture frames ng pamilya nila.

Hanggang sa isang picture frame sa isang gilid ang pumukaw sa akin. It's Haze wearing his uniform. A uniform that is somehow familiar to me. Na hindi ko lang maalala. Wala pa rin talaga akong maalala.

"Bright?"

Naagaw kaagad ang atensiyon ko at napagawi kay Haze.

"Tara sa taas?"

Tumango ako. Napadako naman ako kay Clara at tipid lang siyang nakangiti sa akin.

Hindi ko na lang din pinansin ang ngiting iyon na alam kong pinilit lang niya at sumunod na ako sa kanila sa taas.

Pagkapasok sa kwarto ni Haze, kombinasyon ng abo at puti ang kanyang buong kwarto. Napatingin ako sa paligid. He has a medium-large bed. A color of white and gray. Before his bed was the gray large sofa placed in front of a flat-screen TV.

Haze then set-up the TV and connected it to his netflix account. Clara seated comfortably on the sofa.

"Dito lang kayo at kukuha lang ako ng pop corn sa baba," pagpaalam ni Haze. Naiwan kaagad kaming dalawa ni Clara. Umupo ako sa tabi niya. Tahimik. Hanggang sa binasag niya ng isang tanong.

"You know that I love Haze, right?" nabigla agad ako sa sinambit ni Clara. She looked at me wearing her smile.

Tumango ako. Alam ko naman na mahal niya si Haze. Hindi naman maipagkakaila iyon. Halata naman.

"Alam mo, Bright, natatakot ako. Natatakot ako na baka iwan niya ako. Na baka isang iglap, iwan niya ako para sa iba."

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Clara sa akin 'to. To why she was telling this all to me.

"Why are you telling me this, Clar?" I wondered.

Hindi siya sumagot. Sakto namang dumating na si Haze dala ang isang bowl ng popcorn. Her question was stuck in my head. Pero isinawalang bahala ko rin kalaunan.

Nilapag ni Haze ang pop corn sa center table. Saglit pa akong napatitig kay Clara na nakatingin na ngayon kay Haze until my eyes traveled to Haze.

"Sa gitna ka, Haze," sabi ko. Mabilis naman na inukupa niya ang gitna at umupo naman ako sa tabi niya sa kabila.

"Anong gusto niyong panoorin?" Haze asked. Lumingon ako kay Clara. Siya lang mas may alam kung ano ang magandang panoorin. Wala akong matandaang mga palabas, e.

Nang masabi ni Clara ang suggestion, hinanap naman kaagad iyon ni Haze. At nang magsimula ang palabas, nakatutok lang ako sa screen.

Five Feet Apart ang title ng movie. Masyadong seryoso ang palabas. Lumingon ako kina Haze at Clara. Napansin kong nakasandal si Clara kay Haze.

Binalik ko ang titig sa TV.

"I love you, Haze," rinig kong bulong ni Clara. Lumingon ulit ako at saktong hinalikan ni Haze ang sentido ni Clara and replied, "I love you, too." to her.

Umiwas ako. Bumuntong ako at pinasyang sa TV lang ang tutok ko. But
I was so distracted after hearing them told each other "I love you's".

Then Haze looked at me and smiled and started asking question.

"First time mo mapanood yan?"

Ngumiti ako at tumango. "Oo. Pero masyado namang seryoso 'yan."

"Hindi ko pa napanood 'to pero maganda raw 'yan."

Tumango ako. Walang masabi. I was still distracted and still thinking of it. And I knew something's wrong inside. Something's heavy.

I excused myself after the movie and went outside to get some fresh air.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

Kumikirot.

Pumikit ako.

What happened to me?

Am I finally falling?

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now