Pagkalabas ay sumunod ulit ako sa kanya hanggang sa pumasok siya sa banyo kaya hinintay ko na lang siya sa labas.

Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko at sinundan ko siya. Hindi rin naman ako napansin ni Clara na sumunod ako kay Haze kaya okay lang.

Naisip ko lang kasi na anong ginagawa ni Haze sa klase. Alam ko naman na nakikinig at nagrerecite kung may pagkakataon pero gusto ko lang na makita siya in person listening and reciting.

After all of his class was done, may tinawagan siya at nang marinig ko ang pangalan na binanggit, nakumpirma kong si Clara iyon.

Sumunod lang din ulit ako sa kanya pababa sa ground floor. Sunud-sunuran lang ako sa kanya hanggang sa pumunta siya sa soccer field. Ang laging tambayan namin.

"Haze!" nakangiting sigaw ni Clara at kumaway. Kumaway naman pabalik si Clara. Ako naman ay nagtago sa likuran ni Haze para hindi makita ni Clara.

"Wait. Hinto ka Haze," utos ni Clara. Mukhang nakita pa talaga niya ako. I pouted.

"Bright?" tawag niya.

I sighed at umalis sa pagtatago. Nahihiya akong napakamot.

"You were with Haze?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sumunod sa akin si Bright?" natutuwang tanong naman ni Haze, di ata in-expect na sumunod ako sa kanya.

"Tinignan ko lang naman kung paano siya sa loob ng klase," sagot ko. Napailing siya sa akin. "Next time, sabihan mo ako. Akala ko tuloy nasa bahay ka pa," sabi niya. Tumango naman ako. Okay, then. Next time, I'll tell her kung saan ako pupunta.

Dumating na rin ang mga kaibigan ni Clara na may mga dalang pagkain. Kinuha ni Clara ang sa tingin ko'y pinabili niyang lunch kay Gwen.

"Bayad." Inabot ni Gwen ang palad at naghihintay ng bayad.

Clara stared at her. "Mamaya na. Kain muna tayo."

"Okay, fine," tugon nito at umupo na. Lumipat naman si Haze sa tabi ni Clara kaya lumipat din ako. Tatlo na kasi sa kabila.

Matapos makakain ay nagkuwentuhan lang si Clara at Gwen habang si Peir at Luis ay may nilalaro. Si Haze naman ay busy sa kanyang cellphone. Dahil magkatabi kami ni Haze, dumungaw ako sa tinitignan niya at nagtititingin lang siya ng mga litrato.

Pumangalumbaba ako hanggang sa lumipas ang oras at klase na naman nila.

The whole afternoon, wala akong ginawa kundi sumunod lang kay Clara sa mga klase niya. Sobrang boring.

Nang matapos ang huli niyang klase ay dumeretso siya sa coffee shop sa labas. Maghihintay kay Haze as usual. Umupo ako sa upuan kaharap niya.

"Sa wakas at makakauwi na rin tayo. Nabobored na ako, sobra," sabi ko.

Clara sipped on her coffee. "Haze wants to finally see you, Bright."

"Oww.."

Tipid siyang ngumiti at nilapag ang hawak na kape. "He wants to see you again, Bright."

Hindi ako makasagot. The thought that he wants to finally meet me excites me most. Pero, 'di ba nakita niya naman ako? At saka nakakasama?

"Nakita naman niya na ako, ah, tapos, nakakasama pa," pagsabi ko.

She laughed. "Nakita ka na nga niya pero 'yong walang hahadlang talaga. Alam mo naman na twice 'yon nahimatay."

"Basahin mo kaya ulit ako?"

Tumayo si Clara bigla hudyat na nandito na si Haze kaya hindi na niya ako nagawang sagutin. Lumingon naman ako at napatayo na rin.

Sumunod ako sa kanila. Sa loob ng sasakyan, tahimik sila.

"Will you be okay kapag susuotin mo ulit ang kuwintas, Haze?" basag ni Clara sa katahimikan.

"I will be, Clar. I know this time, I will be okay," Haze answered firmly. Na para bang alam niyang magiging okay talaga siya once he wears the necklace. Once he sees me again.

Hindi na sumagot si Clara at tumingin lang sa labas ng bintana. After minutes of driving, nakarating na rin kami sa bahay nina Clara.

Nauna kaagad ako na bumaba at deretso sa loob. As usual, nakaupo at nanonood naman si Carl ng TV.

Umupo ako at tinignan ang pinanood niya. Thirteen Reasons Why ang nakalagay sa title. Nagkibit ako. Wala naman akong alam sa palabas na 'yan.

Pagkapasok naman ni Clara at Haze, deretso sila sa taas kaya sumunod na rin ako. Excited din ako. Hindi ko ikakaila.

Pagkapasok sa kwarto, umupo si Clara sa kama. Tumabi naman si Haze.

"I'm quite excited," Haze uttered.

Tipid na ngumiti si Clara and stood up silently. Lumapit siya sa bedside table at kinuha roon ang kuwintas.

"Siguraduhin mo lang Haze na magiging okay ka, okay?" paniniguro ni Clara. Napansin ko naman ang mukha ni Clara. She's a bit hesitant. Umiling ako at hindi na 'yon pinansin.

Haze then smiled and nodded.

Napabaling naman sa akin si Clara. She smiled halfway. "Nandito ka na pala, Bright."

Tipid akong ngumiti sa kanya. Nagtagpo naman ang mga titig naming dalawa ni Haze.

Napangiti ako at naramdaman ang kakaibang pakiramdam. Alam kong may nararamdaman na ako. Naalala ko 'yong sinubukan niya ulit ang kuwintas, doon. Doon ko nakumpirma that there's something different inside. I don't know what this exactly means. At hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ito.

"Nandiyan na siya?" Himig ko ang pagka-excite sa boses niya.

He stood up. Tumingin siya sa kuwintas nang nakangiti bago dahan-dahan iyon sinuot. Matapos ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. At may sinambit ito.

HAZE

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong napangiti nang tumambad sa akin si Bright.

I blinked my eyes thrice as possible at nandito na nga siya sa harap ko. Kaharap ko na ngayon si Bright. The person I've been wanting to see.

Naglakad ako papalapit. Wala ring sign ng pagsakit ng ulo ko kaya mas lalo akong natuwa.

"B—Bright..." I called him.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

Hindi ko alam pero grabe na ang tibok nang puso ko. Parang gusto ng kumawala sa dibdib ko. Masaya ako.

Nilahad ko ang kamay ko para sana makipagkamay.

"I'm Haze. It's my pleasure to finally meet you, this time, without a hindrance anymore," sabi ko.

Tumingin siya sa kamay kong nasa ere. Nang tanggapin niya ay biglang tumagos ang kamay niya. Natatawa kong ibinaba iyon. Oo nga pala, he can't hold me.

"Masaya rin ako na makilala ka, Haze. Masaya rin ako na nakikita mo na ako."

Tumingin ako kay Clara and I beamed.

"Look, Clar. I can see him! I can finally see him!" hindi ko maiwasang maging sobrang masaya. Finally, akala ko, mahihimatay ulit ako. But now, hindi na.

"Oo na. Nakikita mo na siya. Happy?" sarkastikong sambit ni Clara. Bahagya akong napatawa.

Lumingon naman ulit ako kay Bright. "I am more than just happy, Clar."

Ganito pala sa pakiramdam. Ang puso ko naman ay patuloy pa rin sa paghaharumentado.

Tinignan ko si Bright, ang mukha niya, and it screams familiarity. My heart tells it all. Alam kong kilala ko siya noon pa man. I am just wishing for my memory to be back para makumpirma ko na talaga.

But at least now, I'd be happy lalo na at nakikita ko na siya.

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt