"Gusto ko 'tong lugar na 'to. Komportable!" sambit ni Gwen.

Pinalibot ko ang tingin ko at komportable nga dito sa lugar na pinili namin. Nasa lilim ng puno, malinis ang paligid at malamig ang hangin.

"Haze, higa lang ako saglit, okay?" sabi niya at laking gulat ko na lang nang umunan na siya sa akin. Natawa akong napapailing. Kinomportable niya ang kanyang paghiga. Napangiti naman ako at sinuklay-suklay ang kanyang buhok.

"Sana ol talaga kayo, Haze." Napalingon ako kay Peir na siyang nagsabi no'n. Ngumiti lang ako at bumaling sa maamong mukha ni Clara.

Buti na lang at mamayang alas tres pa ang next exam ko at ganoon din naman kay Clara. Alam ko naman na nagpuyat ito kaaaral kagabi. Syempre, kahit marami kaming ginagawa, hindi naman namin pinabayaan ang pag-aaral namin.

"Kelan kaya ako makakatagpo ng kagaya mo, Haze?" dagdag pa nitong tanong. Pasimple akong napalingon kay Luis na nakatingin kay Peir na nasa akin ang pansin. Napangisi ako. Obvious na obvious na masyado 'tong si Luis.

"Actually, minsan kailangan mo lang pansinin ang nasa paligid mo. Let your heart determine its someone. Makikita mo rin. Malay mo, baka nasa tabi mo lang," pasimple kong banat suot ang mapaglarong ngisi.

Mabilis naman siyang napalingon kay Luis sa tabi niya. Natawa ako kasi 'yong mukha ni Luis parang tense na tense masyado.

"Ito? No way!" sabi niya. Mas natawa lang ako lalo na ng ngumuso si Luis. I can sense that they will be together in no time if Peir realizes. May isang bagay lang na dapat marealize si Peir para makita niya kung sino ba talaga si Luis sa puso niya. Minsan kasi, hindi natin pinapakinggan masyado ang puso natin and we just let our brain blind what our heart is truly saying.

Muli akong tumingin kay Clara, I sighed and smiled. With us being together for nearly 2 years, masasabi kong maayos ang takbo ng relasyon naming dalawa. To where it will end, iyon ang hindi ko pa maisip sa ngayon. I can only wish for the best to happen in this world of uncertainties. I don't get a hold of the future but I know for sure that what our action today will somehow reflect to what our future will be.

Matapos ang exam ko, nauna na akong lumabas. Magseseven na. Balak ko pa naman sana na sunduin si Clara pero hindi ko alam kung nandoon pa siya sa coffee shop sa labas.

"Pre!"

Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Si Martin. "Bakit, pre?" tanong ko.

"Inom daw," sabi niya. Natawa ako. "Ano yan? Celebration?"

Tumawa rin siya. "Ganoon na nga. Alam mo naman na katatapos lang ng exam." Sabagay pero hindi ako pwede ngayon.

"Pass na muna pre. Di ako pwede ngayon, e. May gagawin pa kasi ako," pagtanggi ko. Kailangan ko pang ihatid si Clara at alam kong naghihintay na 'yon doon.

"KJ mo naman, pre. Pero sige, sabihin ko na lang kina Andrew at Ben na may gagawin ka pa," ang sabi lang niya at iniwan na ako. Nang makaalis na si Martin ay tinakbo ko na palabas ang building.

I also dialed her number at nang masagot agad ko siyang tinanong kung nasaan na siya.

"Nasa coffee shop ka pa?" tanong ko.

"Oo. Nasaan ka na?"

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko umalis na siya. "Hintayin mo ako. Papunta na ako."

Mabilis na tinungo ko ang parking lot at sumakay sa kotse ko at deretso na sa coffee shop.

Pagkapasok sa coffee shop ay agad ko siyang niyakap pagkalapit ko. Sobrang higpit na yakap. "Sorry..."

"Bakit?" tanong pa niya, naguguluhan bago yumakap sa akin pabalik. Hindi ako sumagot at nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa binitawan ko na siya.

Natawa naman din ako nang dinama niya ang leeg at ulo ko para pakiramdaman kung may lagnat ba ako.

"Wala ka namang lagnat. Anong nangyayari sa 'yo, Haze? At saka, why are you sorry?" she asked.

Ngumiti lang ako at saka siya hinila palabas. "Kasi na-late ako. Kasi pinaghintay kita."

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Basta I just felt it. Gusto ko lang siyang yakapin nang mahigpit at gusto ko lang siyang maramdaman sa mga bisig ko at gusto ko ring mag-sorry.

"Asus! Wala namang problema sa akin 'yon, e. May exam ka at naiintindihan ko 'yon," tugon naman niya.

Nakakatuwa na may girlfriend kang ganito. Iyong naiintindihan ka.

Pinagbuksan ko muna siya ng pinto bago ako pumasok sa kabila. Pagkapasok ay hindi ko muna pinaandar ang sasakyan.

I stared at her. Nagtataka siyang tumitig sa akin pabalik. I cupped her face and neared our distance until our warm lips met each other. The kiss lasted seconds at siya ang unang umatras.

Mabilis niya akong pinalo.

"Nakakainis ka. Alam mo naman na nandiyan si Bright sa likuran," sabi ni Clara. Shoot! Oo nga pala, kasama namin siya. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Sorry, Bright. Nakita mo pa 'yon," saad ko. Nawala pa sa isipan ko na kasama nga pala namin siya.

"Okay lang daw sabi ni Bright."

Napatango ako sa sinabi ni Clara. Pinaandar ko na rin ang kotse ko para makaalis at makauwi na kami. Habang nasa biyahe, naisip ko naman na tapos na ang exam tapos Sabado na rin naman bukas, why not mag-unwind kami?

"Payag ka ba, Clar, unwind tayo bukas?" tanong ko na tuwid lang sa daan ang tingin.

"Unwind? Saan naman?"

Naisip kong sa resort na lang namin. Deserve naman siguro namin ang ganito matapos ang isang linggong exam.

"Sa resort namin. Sama mo na rin mga kaibigan mo," sabi ko pa.

Naexcite agad siya kaya walang patumpik-tumpik pa ay tinawagan na ang mga kaibigan niya para ipaalam ang tungkol bukas.

"Good idea 'yan, Haze. I also want to freshen up myself and enjoy a bit lalo na ngayon na tapos na ang finals," bulalas niya.

*

"Is everything ready?" tanong ko. Nakasuot lang ako ng kulay asul na beach shorts at nakakahel na shirt na sinapawan ko lang ng puting polo shirt. Dala ko rin syempre ang sunglasses ko.

Nandito na rin ang mga kaibigan ni Clara na todo na ang selfie. Masyado silang excited. Umuna na ako sa loob at inaya ko na rin sila na sumakay na.

Nang pumasok si Clara ay ngumiti ako. Nilingon ko pa ang nasa likuran kong okay lang ba bago kami lumarga..

"May paalala pala ako." Napalingon kaming lahat kay Clara.

"Ano yon?" tanong nina Gwen sa likuran.

"Pagkarating doon, let's just enjoy there at bawal mag-isip ng ibang bagay at magpaka-stress, okay? Dapat happy lang? Okay ba?"

Nagsigawan sila at nagtawanan. Natawa na rin ako na napapailing. Surely, we'll enjoy our stay there.

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now