"Bakit Bright?" binalikan ako ni Clara. Ngumiti ako. "I'm fine."

Nagpatuloy na kami hanggang sa marating na namin ang college registrar. Mabilis agad sila na nag-inquire at binigay nila ang papel sa in-charge.

Hindi lahat ng college na pinuntahan namin ay mabilis naming napapayag, pero kalauna'y nadala rin sa pa-kuwento ni Haze. At parang naniwala naman talaga ang mga in-charge sa pinagsasabi nitong si Haze.

Pero ang napansin ko talaga ay ang mga estudyanteng tinatawanan si Clara. Lalo na't kapag mag-uusap kami at may tao sa paligid. Clara didn't seem to care for that kasi mas focus siya sa ginagawa namin ngayon kesa pagtuunan ang sinasabi ng tao sa paligid.

"Teka, ibalik niyo po sa itaas. Taas pa. Oh, ayan." Galak na galak ang boses ni Clara.

Lumapit ako sa kanila.

Bigla akong nilingon ni Clara suot ang malawak niyang ngiti. Kapag sinabi kong sobrang lawak, sobrang lawak talaga.

Napansin ko rin na napangiti si Haze at walang kunwa'y niyakap ni Clara si Haze.

"Finally! Nahanap na natin!" sobrang sayang sambit ni Clara.

Nanlaki ang mata ko at sobra ring natuwa.

"Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Clara nodded and smiled widely. Malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa kanila. Salamat naman at nahanap din.

"Can we ask for a copy?" request ni Clara. Nakita ko pang nagdalawang isip ang in-charge pero kalaunan ay nagbigay rin pero may mga habilin pa ito kay Clara.

Nang maibigay ang kopya, agad na inagaw ni Haze ang papel at binasa ang sa tingin ko'y pangalan ko.

"Bright Kleinford Montez."

"Sa wakas talaga! Akala ko ay uuwi tayong walang dalang impormasyon. Nakakapagod pa naman pasukin ang lahat ng college pero it was all worth it."

Lumingon si Clara sa akin at ngumiti. "Malapit na Bright. Masasagot na rin ang mga katanungan mo," Clara exclaimed.

Naglalakad na kami palabas. Buti at bago pa man magdilim at magclose ang mga offices ay nakuha na namin ang hinahanap namin.

Pagkabalik sa sasakyan ay pagod silang umupo at sumandal. Nanatili silang nakasandal at nakapikit ang mga mata.

Pagod na pagod na siguro sila dahil buong araw ba naman kami nandito para lang tulungan ang isang tulad ko na patay na.

Nahihiya ako. Nahihiya ako kasi nakaperwisyo pa ako ng ibang tao. Kung tutuusin, I didn't ask for help, but seeing them wanna help me with their own will, masaya, pero at the same time, nalulungkot ako. Kasi naisip ko, ano ang ibibigay ko sa kanila? Para man lang sa pagtulong sa akin. Kaluluwa akong hindi matahimik. Ano ang pwede kong iregalo man lang bago ako lumisan sa mundo?

"Sa totoo lang, you don't really have to help me Clara, Haze. Kasi tignan niyo, napapagod lang kayo. Wala naman kayong mapapala sa akin," sabi ko.

Mabilis na lumingon si Clara sa akin.

"Anong pinagsasabi mo Bright? Desisyon namin na tulungan ka. Hindi naman ako matatahimik kung sa tingin ko ay may magagawa ako pero hindi ako tumulong. I will be haunted by my guilty feeling. No'ng pinaalis kita the last time, sobrang naguilty ako sa ginawa ko Bright. Kaya hayaan mo na kami. Hayaan mo ako. Huwag kang mag-alala. Masagot lang lahat ng katanungan mo sa buhay, okay na sa amin 'yon kasi alam naming tinulungan ka namin para maging tahimik ang kaluluwa mo."

Natutop ako at napayuko.

"It's our choice to help you, Bright. You don't need to feel sorry and worried about us." si Haze.

I sighed and nodded and smiled.

"So, tara na!"

Pinaandar na ni Haze ang sasakyan. Umayos naman ng upo si Clara at dahan-dahan na ngang nilisan ang lugar. Lumingon pa ako sa likuran para muling tignan ang paaralan. Bakit kasi wala akong maalala? Ganito ba kapag kaluluwa ka na? You don't get a hold of your memories back then when you were still alive?

"Daan muna tayo ng makakainan kasi mukhang gagabihin na tayo pagkauwi sa bahay," sabi ni Clara. Tumingin ako sa labas at nag-aagaw na ang liwanag at dilim and we're still far away from home.

Huminto si Haze sa isang nadaanang restaurant para kumain. Bumaba na kaming tatlo. Nauna silang dalawa habang ako ay nakasunod lang.

Mabilis silang humanap ng mesa at mabilis na umupo. Umupo ako sa tabi ni Haze. Nagtawag agad sila ng waiter at nagpalista ng order.

Habang naghihintay sa order, nag-uusap lang sila tungkol sa gawain nila na hindi pa nagagawa. Hanggang sa umabot sa isang usapang nagpabaling sa akin.

"The University seems familiar to me. Wala lang akong maalala. Pero pamilyar talaga siya, I can feel it," sabi ni Haze.

"Baka nakapunta kana roon?" sagot naman ni Clara.

Kunot-noo pa rin si Haze. "Hindi ako sigurado pero seeing the in-charge kanina, 'yong sa College of Arts and Sciences, alam mo 'yong mga titig niya? Parang kilala niya ako."

Clara's lip twitched bago mabaling sa akin at ulit kay Haze.

"Baka nakapag-aral ka roon?"

Haze shrugged. "I don't know. Basta pakiramdam ko, nakapunta na talaga ako roon. Hindi ko maipaliwanag."

Dumating naman ang order kaya natahimik na sila at umayos. Then they started eating habang ako ay nakatingin lang sa kanila. I replicated the food they have and eat as well..

"So, kelan natin balak na bisitahin ang bahay nina Bright?" tanong ni Haze kay Clara.

Nilunok muna ni Clara ang pagkain bago sinagot si Haze.

"This Friday na lang. Wala naman ding klase," sagot ni Clara. Tumango si Haze.

Nang matapos kumain ay umalis na kami para makauwi na. Parang wala na silang lakas at bakas sa mga mukha nila na gusto na nilang magpahinga.

Lumipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay nina Clara. Pagkapasok sa loob ay tahimik na loob ang sumalubong sa amin.

Sumampa agad si Clara sa sofa at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tumabi naman si Haze sa kanya at inangat ang ulo ni Clara para iunan sa lap niya.

Nakatitig ako sa dalawa.

Habang nakatitig ako sa dalawa, hindi ko maiwasang mapaisip. Na what if ako yong nakahiga sa lap ni Haze habang nilalaro niya ang buhok ko?

Hindi ko alam pero may kirot akong naramdaman. May kirot at pagkainggit akong naramdaman. Is this normal for such a ghost like me?

Umiling ako. Ano ba ang pinag-iisip ko. Bright, get a hold of yourself! Kung anu-ano iniisip mo!

Tumayo ako at naglakad palabas pero nahinto ako nang marinig ang sinabi ni Haze. Napalingon ako at nakangiti siyang nakatitig kay Clara.

"I love you..." he whispered.

Bumuntong ako at tuluy-tuloy sa paglalakad palabas hanggang sa mapadpad ako sa likod ng bahay sa may hardin nila.

Umupo ako sa damuhan at napaisip.

"Did I ever experience and feel love?"

***

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now