51

37 1 0
                                    

"Hi kabet" pag bati sakin ni Ten pag kapasok niya ng bahay namin


Anong sinasabi nitong kabet? Ako kabet? San banda??


"Hoy tulungan mo naman ako dito ibaba yung mga pinamili" giit ni Johnny


"Wala sa usapan natin yun tutulong akong mag bitbit, nag pasama ka lang diba?"


"Bwiset talaga 'to" di siya pinansin ni Ten at umupo na sa sofa namin


HAHAH kawawang Johnny


"Ikaw, di mo ba ko tutulungan?" tanong niya sakin


Ang cute niya habang bitbit bitbit ang maraming pagkain. WTH sinabi ko bang cute siya?? erase erase


"Yiee thank you! Bait mo talaga kapitbahay!" masaya kong sabi at tinulungan na siya sa mga dala dala niya


"Sana nga may ganyan din kaming kapitbahay eh, diba babes?" aniya ni Ten na natatawa pa


Well sorry siya ako ang kapitbahay ni Johnny bleh, may pa babes pa siya ah


"Kuha muna ko tubig mukang napagod kayo eh"


"Oo nga please pakibilisan, yung with ice" giit ni Ten, pota talaga


"Sige Nayeon thank you, wag mo masyadong pinag papansin tong si Ten"


Tumango na lang ako at pumunta na sa kusina


Pag kabalik ko nilalandi ni Ten si Johnny, ang isang 'to tumatawa pa, sa pag kakaalam ko kasi ako ang binisita


"Oh tubig niyo" pag abot ko


"Thank you Nayeon" pag ngiti ni Johnny


"Ako ang dapat mag thank you, ang dami mong binili oh, masyado mo naman kasi sineryoso yung sinabi ko"


"Ouchh di pala seryoso eh, tara uwe" pag singgit ni Ten


"Uy baliw hindi naman sa ganon, na appreciate ko lahat swear, baka lang kasi naubos pera mo dahil dito"


"Naubos talaga, umutang pa nga sakin eh"


"Hoy manahimik ka nga diyan chittapahon!" inis na sabi ni Johnny


"Diyan na nga kayo kakain na ko ng chickenjoy hmp" nag lakad na 'to papunta sa kusina dala dala ang bucket ng chickenjoy


Umupo naman ako sa tabi ni Johnny


"Uy thank you talaga, wag mo isipin nasayang binili mo, uubusin ko yang lahat" napangiti naman siya


"Di ka na galit?"


"Oo hindi na" pag ngiti ko


Nagkatinginan lang kaming dalawa, pota bat ang cute talaga niya ngayon?? Iba yung aura niya eh


"Tunaw na tunaw na oh"


Napalingon kami pareho sa nag salita


"Etong ice cream kasi, tunaw na tunaw na kako" pagpakita ni Ten sa ice cream, nakabalik na pala siya


Ganon ba kami katagal nag katitigan?? What the hell

𝙆𝙣𝙤𝙘𝙠 || JohnnyWhere stories live. Discover now