27

40 2 0
                                    

"Hoy pano ka nakapunta dito??!"


Pano ba naman pag lingon ko asa likod ko na siya. Pano nakapasok ang lalaking 'to sa bahay ni Jisoo???! Eh hindi naman sila friends, ni mag usap man nga lang di ko sila nakikita eh, impossibleng nainvite siya ngayon dito


"Gulat ka 'no?" pag tawa niya


"Hoy party crasher ka! Layas!"


"Sinong nag sabing party crasher? Nainvite kaya ako dito"


"Ulul! Si Jisoo ininvite ka?"


"Si Jaehyun nag invite sakin" oh my ex, pero teka— di rin naman friends si Jisoo at Jaehyun ah? Paano??


"Ako ba niloloko mo hah?!"


"Sinama nga ako ni casper, invited kasi jowa niya kaya nag pasama"


Napatingin ako sa isang babae at lalaki na nag tatawanan. Si Jaehyun kasama ang isang babae, Mina ata ang pangalan nito, sa pag kakaalam ko kaklase ni Jisoo unnie 'to


"So pumayag ka mag pa thirdwheel?" natatawa kong sabi


"Ano naman? Libre naman foods" giit niya. pota talaga


"Is this real is this real? Johnny is dat you??" napalingon ako sa tumawag sakanya. Kaklase ulit ni Jisoo, si Taeil


"Hoy Shintaeil! Bat andito ka?"


"Aba malamang kaklase ko si Jichu, eh ikaw bat andito ka?"


"Di pa ba tayo uuwi?" pag sulpot ni Doyoung


"Anong uwi ka diyan?? Kakarating pa lang natin dito eh"


"Bat kasi sinama mo pa ko dito? Di ko naman kilala may birthday, muka pang tangang sumasayaw ng budots dun sa gitna" natawa naman ako, oo nababaliw na si jisoo, hayaan mo na birthday eh


"Hoy Nayeon kambal mo oy!" masayang sabi ni Johnny samin ni Doyoung


Hala oo nga! Madalas din kasi siyang tawaging kuneho ng tropa niya. Pero syempre mas cute ako


"Oh eto carrots para masaya kayo"


Agad kong hinampas ang kamay ni Johnny na may hawak hawak na carrots. Kainis nang aasar pa


"Ayiee kakainin na niya yan" pag kiliti niya sakin gamit yung carrots


"Tch wag mo paglaruan yan" pag kuha ko sa carrots


"Kunware ayaw, kinuha din naman" pag tawa niya, sinamaan ko naman siya ng tingin


"Diyan ka na nga" pag lakad ko paalis


"Hoy Nayeon wait!"

𝙆𝙣𝙤𝙘𝙠 || JohnnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon