42

38 1 0
                                    

"Nayeon halika na dito"


Grabe sobrang kabado ko, hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag dito, nabogus na rin ata ako ni Johnny


"Ano ba ang recipe mo bat ang sarap ng luto mo?" tanong ng mama ni Johnny


"Ah hehe homemade po yan tita"


"Talaga? Sino gumawa?"


"Ako po" mahinang ngiti ko


"Ang galing mo talaga iha" pagpuri ni tita, nakakataba naman sa puso na may nakakaappriciate ng talent ko "Oh tignan mo tong si Nayeon ang galing mag luto eh ikaw diyan Johnny? Puro kain lang"


"Ma naman!" reklamo nito


Nakaupo kasi siya sa may stool pinapanuod kami magluto. Natawa na lang ako, opo PG po yang anak niyo


"Mag paturo ka rin dito minsan, di puro ka sayaw diyan"


"Mama talaga" hah buti nga, pagalitan mo pa yan tita


Bigla ko naman nahulog yung sandok, pota clumsy mo Nabong


"Okay ka lang iha? Bat parang kinakabahan ka?"


"Hindi po, ganto lang po ako hehe" pag dadahilan ko kahit pawis na pawis na ang kamay ko sa kaba


Sino ba naman kasing matinong papayag mag turo mag luto sa nanay ng kapitbahay niya gayong di pa sila nagkikita nito?? what the hell talaga!


Pumunta saglit sa banyo si tita, salamat naman at makakahinga ako ng ayos


"Oh ano Nayeon buhay ka pa?" natatawa niyang sabi


Sinamaan ko na lang siya ng tingin, nang aasar pa siya ah, eh siya naman may kasalanan nito


"Yari ka talaga sakin pag katapos nito"


"Bakit anong gagawin mo?" nakangisi niyang tanong, bwiset ano nanamang iniisip ng lalaking 'to?


"Johnny kuhanin mo nga yung sinampay ko sa labas bilis" utos ni tita pag kabalik niya ng banyo


Wala nang nagawa si Johnny kundi ang sumunod. Takot lang niya kay tita 'no!


"Nayeon ano meron sainyo ng anak ko?"  biglang tanong ni tita nang makaalis si Johnny.


Luh bat ganto naman tanungan ni tita??


"Wala po friends lang po kami"


"Talaga ba? Sayang naman" napakunot naman ang noo ko


"Bat naman po?"


"Pangarap ko kasi mapangasawa niyan magaling mag luto eh, sana mag kadevelopan kayo" laglag ang panga ko sa sinabi ni tita


Gusto niya kaming mag kadevelopan ng anak niya? At gusto niya mapangawa ni Johnny magaling mag luto?? Tangina ano tong pinasok ko??

𝙆𝙣𝙤𝙘𝙠 || JohnnyWhere stories live. Discover now