21

43 2 0
                                    

"New mom pala ah"


Sabi na eh, aasarin ako ni ate Irene eh


"Bakit Selos ka ate?" pag singgit ni Ten


Sinamaan ko naman ng tingin tong si chittaphon. Lakas talaga mang asar


"Oo" pabirong sabi ni ate


Siniko siko naman ako ni chittaphon na tuwang tuwa pa, parang tanga. Eh kilala ko naman totoong gusto niyan ni ate eh


"Sabay ako pauwi ah, wala si TY lalabas ata sila ni Nini"


"Buhay may jowa nga naman" aniya ni Gramps


"Pasabay din kami hyung ah!" sigaw ni Hyuck


"Oo nga hyung ako rin, ayoko mag lakad katamad" dagdag ni Jaemin


"Wag na, sakin na kayo sumabay" pag akbay ni chittapon sa dalawa


"Ayoko nga sayo step-mom" giit ni Jaemin


"Bilis na ang aarte nito, kayo na nga ipagdridrive eh"


"Pag talaga kami pinahamak mo"


"Oo hindi, tara na tara na" pag hila niya sa dalawa "Ingat kayo enjoy!" nakangising aso sabi ni chittapon, ano nanaman bang trip nun


Nag lakad na kami papuntang parking lot, madalas din naman sumasabay sakin si ate Irene kaya sanay na ko. Saka ako talaga ang close niya sa tropa namin


Pasakay na sana ako nang may nakita akong kunehong naglalakad palabas ng gate, ang cute talaga ng cheeks nito, parang katulad ni doyoung eh


"Huy kapitbahay!" Tawag ko sakanya, di naman siya lumingon. Ang sungit ah? "Nayeon huy!!" sigaw ko uli


Napahinto siya sa pag lalakad at hinanap ang boses na tumawag sakanya. Nang mag tama ang paningin namin agad ko siyang kinawayan


"Sabay ka na samin, wag ka na mag commute"


"Ayos libre pamasahe!" masayang niyang sabi, bogus talaga


Nag lakad na siya papunta sa shotgun seat, nag kagulatan pa sila ni ate Irene kasi yun ang binuksan ni Nayeon na pinto


"Ay shit sorry po" pag sara nito ng pinto saka nag lakad papunta sa may backseat


Sumakay na rin ako sa kotse


"Pwede daan muna tayo sa convenient store? May pinabibili si mama eh" sabi ni ate


"Sure basta request ni tita"


"Sipsip amp" natawa na lang ako sakanya, close kami ng mama nila ni TY di ko na kailangan mag pakasipsip hahah




——


"Thirdwheel pa ata ang datingan ko neto bwiset" inis na bulong ni Nayeon sa sarili

𝙆𝙣𝙤𝙘𝙠 || JohnnyWhere stories live. Discover now