Chapter 17

71 5 0
                                    

-Ice's POV-

Maghahapunan na pero hindi pa din bumababa ang bansot.Ano ba kasi yung problema nun? Hindi din siya nagtanghalian kanina,ni hindi pa nga siya bumababa eh.Dahil ba hindi ko siya tinawag na hubby kaya nagalit siya? Natawag ko naman siyang hubby noon eh,kaya lang isang beses lang yun.


Nagliligpit ako ng gamit dito sa kusina ng makarinig ako ng yapak.Nung lumingon ako ay nakita ko yung bansot na basa pa ang buhok at mukhang bagong ligo lang.Ginugulo-gulo niya pa ng towel yung buhok niya,nakaputing t-shirt lang siya at khaki shorts.


Shet.Ito ba yung dahilan kung bakit maraming patay na patay sa kanya? Para siyang model ng Calvin Klein. Hindi pwede to,hindi siya gwapo,hindi..HINDI!!!!




"--I'm asking you,are you okay?"




"Huh..?"




"tsk.Let's eat.I don't want to repeat the question for the 5th time." Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumiretso na siya sa mesa at naupo na sa silya.



Sumunod naman ako.Akmang kukuha ako ng kanin ng nauna niyang kunin yun at siya na mismo ang naglagay sa plato ko,nilagyan niya na din ng ulam.Sinalinan niya na din ako ng tubig.Nilagyan niya na din yung kanyang plato,nag-umpisa na kaming kumain.



Hindi talaga ako sanay eh,ang tahimik. Usually kasi kapag magkasama kaming kumain,kahit na puno yung bibig niya ay magkwekwento parin siya kung ano ang nangyari sa kanya buong araw. Pasimple ko siyang tinitingnan kapag susubo na ako,nakakapanibago talaga eh.haiist -_-



"Ano ba talaga ang problema mo ha,bansot?"




Tinanong ko na talaga siya dahil hindi dapat matapos ang araw na to na hindi kami bati. Hindi parin siya sumasagot.Tahimik pa rin siyang kumakain.Ano to,silent treatment?





"Hoy bansot."




"Isip-bata."




"Psssttt isip-batang bansottttt....."



Hmmmm..alam ko na.Ito nalang ang tanging alas ko sa pagkakataong ito.




"Hubby...." Nilambingan ko ang boses ko.Hindi ako nagkamali,inangat niya ang tingin niya sakin kaya kahit labag sa kalooban ko,nagbeautiful eyes ako sa kanya.




Nabitawan niya yung kutsara at tinidor niya kaya rinig na rinig ang kalansing nun sa kusina.Hindi lang kutsara at tinidor ang nahulog,pati yung nginunguya niyang kanin.





"Hubbyyy....pansinin mo ako..."





"Hubby naman ehhhh...*pout*"





"Sige na nga,mula ngayon tatawagin na kitang hubby,kung yun man ang dahilan na nagtatampo ka sakin..."





Tulala pa rin siyang nakatingin sakin,parang na-stun ni Selena eh noh.Gumalaw-galaw yung bibig niya na parang may sasabihin pero walang may lumalabas sa kanyang bibig.Para siyang gold fish.




"Ti...tina..tinawag mo...ba...akong..."



"Ano?"



"....hubby?"




"Oo bakit ayaw mo? *pout*? Yumuko naman ako na para dagdag paawa effects.




"WIFEY NAMAN EHHHHH...BAKIT KA NAMBIBIGLA HA?!"




Nagulat naman ako sa kanya nung biglang bumalik yung pagkaisip-bata niya.Bipolar ba'to?




"Ano ba kasi ang problema mo kanina? Wait,mamaya na tayo mag-usap. Tapusin muna natin ang pagkain baka mabulunan ka habang nagdadaldal."




My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon