Chapter 4

178 6 0
                                    

-Lucky's POV-

Napatingin ako kay Wifey nung kinulbit niya tong lola ni Henley na nabuhay muli.Masamang tingin ang pinupukol niya sa lolang to.Lola ba talaga to ni Henley?

Nakikita ko kasi sa mga picture na nasa bahay nila eh maganda yung lola niya,bakit ito mukhang naagnas na? Ayy oo nga pala,patay na kasi.hehehehehe

"Bakit mo sinasakal yang bansot na yan? Gusto mo bang mamatay yan dahil sa hindi nakahinga?"

Doon ko lang napansin na ang higpit niya ng kapit ng pangit na to sakin.Tumingin ako kay Wifey at binigyan siya ng puppy eyes tapos nagpout pa ako para makumbinsi siyang paalisin ang lola nato.T_T

Tumayo naman siya tsaka hinila yung lola ni Henley at tinulak niya yun papunta sa mga kasama ata nung babae.

"How dare you to tulak tulak me?! Hindi mo ba knows kung sino me?!"

"Kilala kita."-Wifey

"Yun naman pala eh,then why did you tulak me away from my honey ha,bitch?!"


Dahan-dahang lumapit si Wifey sa impakta,oo impakta,tinawag niya kasing bitch si Wifey eh '3'

"Yang tinatawag mong honey,pinupuluputan mo ng nakakadiri mong mga braso at nilalandi ay.... ASAWA ko! Kaya wala kang karapatan na gawin yun sa kanya,naiintindihan moko ha?! SAGOT!!"-Wifey

Huhuhuhu nakakatakot namang galitin si Wifey,para siyang dragon..Sinakal niya yung impakta kaya yung mga kaklase namin ay nagulat,hindi dahil sa pagsakal niya kundi sa mga sinabi niya.hehehehehe


Ene be keye,teneweg neye ekeng esewe,hehehehe esewe neye dew eke..hehehehe kenekeleg eke..ehhhhh



*PAKKK*



"Aray naman pota,ano naman ang problema mo ha Treck?!"

"Muntanga lang Lucky,para kang tanga sa ginagawa mo,may pa hawak hawak kapa sa pisngi tas sabay nginig,sabihin mo lang kung dadalhin ka na namin sa Mental,willing kami."-Treck

"Ikaw kaya tawaging asawa ng fiance mo kahit di pa kayo kasal,tingnan natin kung di ka kiligin,duhhh.*irap*"

Binitiwan na ni Wifey sa pagkakasakal yung impakta,habol naman ng hininga habang nakasalampak sa sahig yung pangit na yun.


Bumalik na sa tabi ko si Wifey tsaka nangalumbaba sa kanyang desk. Sinuklay-suklay ko naman ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.

Hindi ko mapigilang magbalik tanaw kung paano ko siya nakilala,naalala ko pa nun kung paano siya umiyak kapag hindi siya nakakabili ng cotton candy na kulay asul.Kung paano siya madapa habang papunta siya sakin,ilang araw kasi kaming hindi nagkita nun dahil nagbakasyon kami.


Ewan ko bakit hindi niya na ako maalala,siguro dahil matagal na? Napaglipasan na ng panahon kumbaga.Samantalang ako,alalang-alala ko pa kung pano kami nagsimulang dalawa.


Hayyyy..sana naman maalala mo na ako,nyebe ko.





-Ice's POV-

Nung nangalumbaba ako sa desk ko,naramdaman ko na sinusuklay ni bansot yung buhok ko gamit ang mga daliri niya.Naririnig ko rin ang kanyang mga buntong hinga.


Nagpa-pout na naman to,pustahan pa tayo. Kahit kaninang umaga lang kami nagkita at kanina ko lang rin nalaman na fiance ko siya,magaan na kaagad ang loob ko sa kanya.

Siguro dahil nag-iisang anak lang ako at walang mga kapatid kaya naninibago ako sa ganito. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,kasalanan ng teacher to eh. -_-


zzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now