Chapter 7

125 5 0
                                    

-Lucky's POV-

"Tinawagan ko na yung mga kaibigan mo at sinabing nasa clinic ka.Huwag kang magtaka kung saan ko nakuha yung number nila dahil hindi na importante yun."-Wifey

Ang lamig naman,parang may sarili siyang aircon sa katawan niya.Huhuhuhu T_T

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa don ang mga tukmol.

"PREEE SINO YUNG MGA YUN HA?! SABIHIN MO!!"-Reel

Niyugyog niya pa yung mga braso ko,pota ang sakit.Nakita naman ni Wifey yung ekspresyon ko na nasasaktan kaya binatukan niya si Reel.Nagets naman nung mokong kaya bumitaw naman siya.

"BAKIT HINDI GUMANTI HA? SANA TINULUYAN MO NALANG!"-Treck


"OO NGA! KAYANG-KAYA MO YUNG MGA YUN EH!"-Henley


Tumayo naman si Wifey at napatingin kami sa kanya.Teka san ba siya pupunta? Iiwan niya ako? T_T

Tiningnan niya muna ako bago binaling sa mga tukmol yung atensyon niya.

"Bantayan niyo muna siya,may sisingilin lang ako."-Wifey

Tiningnan ko naman siya ng nagmamakaawa,pero tumalikod lang siya at napahinto din nung nasa pinto na siya.




"Hintayin mo'ko,babalikan kita."-Wifey




At tuluyan na siyang lumabas ng clinic.Hayyyy ang cold niya talaga magsalita.


-Ice's POV-

Nung makalabas na ako ng clinic eh bumalik ako dun sa field,baka bumalik don yung mga shokoy.Nilibot ko yung field at wala naman sila.

Pumunta ako ng school park at wala din.Kung saan saan ako nakarating kakahanap sa mga yun.Baka bumalik na sila sa dagat,mga shokoy eh.

Nung mapadako ako sa cafeteria eh kitang-kita ko yung mga shokoy sa glass window na maiingay at nagtatawanan,nakapwesto sila sa gitnang mesa at mukhang nadagdagan yung populasyon nila ah.

Kanina kasi tatlo lang sila,ngayon lima na.Pumasok ako don at rinig na rinig sa bawat sulok ng cafeteria ang pinag-uusapan nila.

"Wala naman palang binatbat yung Lucky na yun eh,HAHAHAHA"-Shokoy 1

"Gwapo lang siya mahina naman pala.HAHAHAHAHA"-shokoy 2

"Oo nga.lampa pa.Mukhang iiyak na nga kanina eh.HAHAHAHAHA"-shokoy 3

Nagtawanan naman silang lima.Nilibot ko yung tingin ko sa ibang estudyante at mukhang takot sila sa mga shokoy nato.Sabagay,shokoy nga.

Napakuyom ako ng kamay dahil sa pinagsasabi nila.Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at tumayo sa gilid ng kanilang mesa kaya napabaling sakin ang atensyon nung mga shokoy pati na rin nung mga estudyante.




"Hi ganda,anong maipaglilingkod namin? *whistle*"-Shokoy 1

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis at sinuntok siya sa mukha.Nahulog naman siya sa kinauupuan niya kaya tinulungan siyang makatayo nung mga alagad niyang shokoy.

"ANONG PROBLEMA MO HA?!"-shokoy 1

Kinwelyuhan ko siya at nagsalita.


"Problema ko? Ikaw.Tangina ka.Bakit mo sinaktan si bansot ha?!"



"Anong pakialam ko kung gusto ko siyang saktan? Eh sa lampa yun eh."-Shokoy 1


Hindi na ako nakapagtimpi kaya pinaulanan ko siya ng suntok.Tangina niya,wala palang paki ah.Ako din walang paki kung maospital ang gagong to.Lalapit sana yung mga alipores niya kaya tiningnan ko sila ng masama.

Napaatras naman sila.MAinit ang ulo ko kaya huwag silang makisali. Nung may lumabas na dugo sa baba nung shokoy na to,inumpog ko sa lamesa yung ulo niya.Binitawan ko siya ang bagsak siya sa sahig.

Binalingan ko naman ang dalawa na kasama sa pambubugbog kanina sa bansot,nilapitan ko sila sabay tadyak sa tiyan ng isa habang in-upper cut ko naman yung isa. Sino ngayon ang weak ha,mga shokoy.

Hindi pa ako nakuntento at binugbog ko din sila.Pati na yung bago nilang kasama.Nung bagsak na silang lahat eh,hinarap ko sila at nginisihan.


"Yan ang napapala ng mga nananakit sa bansot ko na fiance.Hindi porket hindi siya lumaban pabalik eh lampa na yun,kung hindi ko siya pinagbawalan malamang hindi siya bugbog sarado,kaya imbes na siya ang mambugbog sa inyo ako nalang*smirks*.Sa susunod na mabalitaan ko na dinampi niyo yung marurumi niyong kamay sa kanya,pasensyahan nalang tayo.Kaya huwag na huwag niyo na ulit gugulpihan yon dahil tutuluyan ko na talaga kayo.Nagkakaintindihan tayo?"

Hindi sila sumagot kaya nainis ako.

"SAGOT!"

"Opo.opo."-mga shokoy

Napangisi nalang ako ulit.Binalingan ko naman ang ibang nakasaksi sa ginawa ko ngayon lang.Tulala yung iba at mukhang nagulat sa ginawa ko sa mga shokoy nato.

Sinamaan ko naman sila ng tingin at napaiwas naman sila. Lumabas na ako ng cafeteria habang may ngiti sa labi.


-Luck's POV-

Ang tagal naman ni Wifey T_T namimiss ko na siya eh,paki niyo ba.Yung mga tukmol naman parang nasa bahay lang oh.Ako yung na clinic pero sila yung nakahiga sa kama.Tapos ako yung nakupo sa silya.

Biglang bumukas ang pinto at amoy na amoy ko yung bango ng Jollibee na chicken joy.*0*

At ang may bitbit nun eh walang iba kundi ang pinakamaganda kong Wifey. Napakunot naman ang noo niya ng makita niya akong nakaupo sa silya.Tiningnan niya naman yung mga tukmol na feel na feel ang kama at nilapitan niya yung mga yun sabay nila sa damit nila.

Kaya ayon,laglag sila sa kama.Nilapitan naman ako ni Wifey at inalalayan na makabalik sa kama. Hinarap niya naman ang mga tukmol na nasa sahig pa rin at dinadamdam ang nananakit na likod at balikawang.Yan kasi eh.Hmpp.

"Sabi ko sa inyo bantayan niyo,hindi agawan ng kama.tsk.Sige na pumasok na kayo sa klase niyo,ako na ang bahala sa bansot nato."-Wifey

Tumayo naman yung mga tukmol at napangiwi dahil sa sakit ng kanilang katawan mula sa pagkakahulog.

"Sige na nga,kahit boring ang klase papasok na kami."-Henley

"Oo nga,alam namin na gusto mo lang solohin si Lucky eh."-Treck

"Babye na nga,alagaan mo yang si baby boy ha?"-Reel


Sinamaan sila ng tingin ni Wifey at kumaripas naman sila papuntang pinto.Bago sila makalabas eh nagpasalamat naman si Wifey sa kanila.Umupo naman siya sa tabi ko at binuksan na ang dala niyang pagkain.

May fries,chicken joy at spaghetti. Sinubuan niya ako ng fries kaya ngumanga naman ako at kinain yun.Sinusubuan niya lang ako kaya enjoy na enjoy naman ako.Ako pa ba tatanggi? hehehehehe

Sunod naman eh chicken joy,tas sphagetti.Nung nabusog na ako eh,umiling ako para ipahiwatig na hindi na ako kakain kasi busog na ako.Kaya sinubo niya yung fried chicken at sphagetti.

Nanlaki naman ang mata ko dahil iisang spoon at fork lang ang ginamit namin. Tiningnan niya naman ako ng nagtataka kaya umiling nalang ako at nginitian siya.hehehehehehe

Enebe Wifey,enebe hehehehhehe kenekeleg eke eh..

Indirect kiss kasi yun! Emegedddd...

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon