Chapter 9

127 5 0
                                    

-Ice's POV-


Tatlong buwan.Sa loob ng tatlong buwan ang daming nangyari.Kagaya nalang ng panggugulo sakin nung lola ni Henley.Oo yung tumatawag na 'Honey' sa bansot kong fiance.Hinamon ba naman ako ng sabunutan.



Nakakairita pa yung bunganga niya na putak na putak.Parang manok na malapit ng mangitlog.Kaya sa inis ko,sinuntok ko nalang.



Ayun,tumba.Pinagtulungan siyang buhatin ng mga co-oldies niyang kasama. Yung bansot naman,iihi lang ako saglit,pagkalabas ko ng cr andun na sa may gilid,naghihintay.Tangina.
Daig ko pa ang may anak na kinder -_-




Minsan pag-uwian na,hahatid niya ko,tas kinabukasan siya naman ang magpapahatid.Ano yun,may schedule kami ng hatidan? tsk.Hindi ko naman siya maayawan eh.




Kyut kasi :3 hihihihihi




Pota.Hindi ako yun ah,konsensya ko yun basta,yung id ko yun,kung may ganyan kayo na lesson sa Personal Development yung id,ego at superego alam niyo na kung ano ang id,basta.-_-


Dumating na din yung parents ko dito sa bahay,at talagang atat na atat si Mommy na magpakasal ako.Feeling ko nga nagmamadali yun para wala ng uubos ng pagakain sa ref,which is ako.


Palagi ko kasing kinukuha yung mga yogurt niyang nakatago sa pinakalikod na bahagi ng ref. Isip-bata din yun eh,baka nga siya yung tunay na ina ni Lucky,pero imposible din eh,isip-bata din kasi si Tita Lyn,si Tito Greg naman medyo makulit pero matino naman mag-isip yun.



Kaya eto kami ngayon,kasama ko si Mommy at Tita Lyn na namimili ng design nung gown ko para sa kasal.Gusto ko simple lang eh.



Si Mommy naman gusto niya yung maraming diamonds at sequemce.
Si Tita Lyn naman gusto niya yung mahaba at may pattern ng flowers sa palda.Parang sila yung ikakasal eh.-_-





"Mare naman,ito oh,maganda,maraming sequence at diamons na nagsha-shine pag naiilawan."-Mommy






"Mare,gagawin mo bang disco ball itong si Ice? Ito nalang oh,ang ganda nung mga flower pattern at ang haba nung palda sa likuran,para kapag naglakad siya para siyang reyna papunta sa trono."-Tita Lyn



"Ito kasi eh maganda eh.*pout*"-Mommy




"Ehhhh ito nalang.."-Tita Lyn





At nagpatuloy pa ang mga pagpili nila.Nakatingin lang ako sa kanila at nagpapabalik-balik ang tingin.Nahihilo na ako sa ingay nila.





"Teka nga,teka nga.Ako yung ikakasal eh,dapat ako yung pipili bakit kayo yung namimili? tsk."




Napakamot naman sila ng ulo at nakasimangot na inabot sakin yung brochure na pagpipilian.Tahimik lang akong tumingin sa bawat pahina at hanggang sa makita ko ang pinakamagandang gown sa aking paningin.



Sakto lang ang haba nito,off-shoulder siya at long-sleeves.May saktong amount ng sequence sa bandang dibdib pababa sa tiyan,parang pa-V na style.Sa palda naman sa pinaka ilalim ay may vine na pattern na nakapalibot.




Simple lang ito kagaya ng gusto ko.Kaya tinawag ko na ang assistant ng magde-design.Tinuro ko na yung gusto kong design at tumango naman siya at umalis na.





"Bakit hindi mo pinakita bebe Ice? Unfair ka naman eh.*pout*"-Mommy





"Oo nga.*frown*"-Tita Lyn





"Surprise nalang yun.Sige na,pupuntahan ko muna si Lucky,magkikita kasi kami."




"Awww magde-date sila ng baby ko."-Tita Lyn






"Naalala ko na naman ang lovestory namin ni Rodrick."-Mommy




Bago ko pa marinig ang pang isang daan niyang kwento tungkol sa lovestory nila ni Daddy eh umalis na ako.Nakakaumay na at nakaka-panindig balahibo.-_-





Sumakay na ako ng kotse ko at dumiretso sa Bittersweet Cafe na pag-aari ni Ms.Marghou Xhu.Paborito ko kasi ang Black coffee nila dun.




May discount kasi kapag single ka eh,pero wala na siguro ngayon dahil ikakasal na ako.Nung marating ko na ang Cafe ay nagpark ako at pumasok na sa loob.

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon