Hindi siya nakasagot. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para halikan siya. Marahan iyon at punong puno ng emosyon, umaasang sa pamamagitan nuon ay maramdaman ni Piero na totoo ang aking mga sinasabi. Mahal ko siya at kaya ko lamang ito nagawa dahil ayokong mawala siya.

Wala ako sa sarili habang naglalakad papasok sa karinderya. Parang pinipiga ang puso ko habang tinatanaw ko ang paglayo ng sasakyan ni Piero paalis sa aming bahay. Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal habang naglalakad habang unti unting bumalik sa akin ang lahat.

(Flashback)

"Sinabihan na kita na dapat nagfocus ka sa finals mo" malungkot na sabi sa akin ni Sachi ng malaman niyang hindi ako ang Valedictorian sa aming batch.

Napakamot na lamang ako sa aking batok. "Hahanap na lang ako ng ibang scholarship program" nahihiyang sabi ko pa.

Napanguso na lamang ito habang patuloy sa pagtipa sa kanyang mamahaling cellphone. Tahimik ko siyang tiningnan, pinagmasdan kong mabuti ang aking kapatid. Kampante na ako na maayos ang buhay niya, kahit pa ilang beses sumagi sa aking isipan na ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon. Hindi kailanman ako magsisisi na nagpaubaya ako para sa kanya. Mas importante siya para sa akin, kesa sa aking sarili.

"Pumunta kami ni Kuya Piero sa Enchanted kingdom" pagbibida niya sa akin habang ipinapakita ang mga litrato nila mula sa kanyang cellphone. Napangiti ako habang nakatanaw duon.

Bigla niya itong itinago. "Kaso napagalitan siya ni Mommy dahil nabinat ako" malungkot na kwento pa niya sa akin.

Kaagad kong sinalat ang leeg ni Sachi dahil sa pagaalala. "Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos na, inalaagan ako ni Kuya Piero habang wala sila Mommy" nakangiting kwento pa niya. Hindi man tama ay para akong nakaramdam ng kaunting inggit.

Naging abala ako sa mga sumunod na araw para maghanap ng ibang scholarship program na pwede kong applyan para makatulong ako kay Papa. Nang malaman niyang hindi ako makakakuha ng full scholarship ay nakita kong nalungkot siya, pero kahit ganuon hindi niya ako sinisi o sinumbatan.

"Bakit hindi mo subukan ang inalok na scholarship ng mga Herrer, maganda din iyon anak. Makakasama mo pa ang kapatid mo" kwento ni Papa sa akin kaya naman kaagad na nagliwanag ang aking mukha. Para akong nanalo sa lotto sa sayang nararamdaman.

Dahil interisado ako sa scholarship na sinasabi ni Papa ay inimbitahan ako ni Ma'm Maria na kumain sa labas para makausap ako tungkol dito.

Parang akong nanliit at napayakap na lamang sa aking sarili habang pumapasok sa isang mamahaling restaurant. Hindi mawala ang pagkamangha ko sa ganda ng loob nuon, parang hotel parang hindi kainan. Nahihiya akong napatingin sa suot kong mint green na tshirt at maong pants, ipinares ko lamang iyon sa white na converse at tsaka itim na backpack.

"Amaryllis" nakangiting tawag sa akin ni Ma'm Maria ng makita niya ako.

Kaagad akong lumapit sa kanyang lamesa. "Magandang umaga po" magalang na pagbati ko sa kanya.

Ngiting ngiti siya sa akin, mabait si Ma'm Maria kung pakitunguhan ako nito ay para na din niya akong anak. Maswerte talaga ang kapatid ko dahil naging legal na Mommy niya ito.

Bago kami nagsimula ay umorder pa siya ng pagkain. Puro masasarap na pagkain iyon kaya naman tuwang tuwa ako.

"Kumain ka ng madami, para sayo lahat iyan" sabi pa niya sa akin. Halos manlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa dami nuon.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now