Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi eh. Bakit kase ang lakas paden ng epekto niya sakin kahit nasaktan niya ako? Andali kong magpatawad. Bakit ba kase hindi ako marunong magalit ng sobra? Lagi nalang yung nararamdaman nila ang iniisip ko at kahit magalit naman kase ako wala akong magawa kundi umiyak.
"Finish your food para hindi ka hussle mamaya sa oras ng trabaho." Sabi ni Sean na ikinatigil ng pagiisip ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at biglang sumulpot si Nico.
"Hello Xandra at Shaun." Bungad ni Nico.
"Hi."Tipid kong sagot.
"Hi Ninong Dad!"Sabi ni Shaun at tumakbo para yakapin si Nico.
"Ehem!" Singit ni Sean na nagpalingon kay Nico sa kanya.
I saw the sadness from his eyes. Dahil siguro hindi pa siya kilala ng anak namin.
"Andito ka pala? Dito ka natulog?"tanong ni Nico.
"Oo katabi wifey ko."Sabi ni Sean.
I'm dead. Buti hindi narinig ni Shaun.
"Kumain kana ba Nico?"tanong ko at niyaya siya.
"Hindi pa eh." Sagot niya at tumabi kay Sean.
Hinila ko si Shaun at pinaupo sa upuan at sinubuan ko ng natira niyang pagkain.
"Shaun finish your food and take a bath." Sabi ko kase malelate na kami.
"K." Cold na sabi niya.
Napatingin ako kay Sean buti hindi niya napansin kase naguusap sila ni Nico at may sarili silang mundo. Tinapos ko na agad ang pagkain ko kase tapos naden sila kumain. Akma na kukunin ko na yung plato nila ng hawakan ni Sean ang kamay ko.
"Ako na magliligpit baka malate kapa." Sabi niya.
"Sige maliligo pa ako eh." Sabi ko at pumunta na sa taas ng may napansin ako.
Napansin kong nakabukas yung pinto ng kwarto ni Shaun at sumilip ako. Nakita kong yakap-yakap niya yung first gift ni Sean sakin na teddy habang naiyak. Kaya lumapit ako at niyakap siya. Yumakap siya sakin at tumingin.
"Mommy mahal mo pa po ba si Daddy?" malungkot na tanong niya.
"Oo anak sobra." Sabi ko na ikinangiti niya.
"Talaga po mommy?" tanong niya.
"Oo kaya wag kana malungkot kase mahal na mahal ko ang daddy mo."
"Okay mommy."Sabi ko tsaka kiniss siya sa noo habang yakap siya.
Pumunta na ako sa kwarto at 10mins lang naligo at nagbihis. Pagbaba ko sa salas napansin kong naguusap yung tatlo at nagtatawanan.
"Let's go?"Aya ni Sean.
Huh? Saan kami pupunta? Papasok ako sa trabaho.
"Tara na Xandra.Ako na maghahatid kay Shaun tapos si Sean maghahatid sayo." Sabi ni Nico tapos kumindat pa sakin.
Anong trip netong dalawang to?Kakauma ah! Naiinis na ako.
"Okay."tipid na sagot ko.
Linock ko na yung pinto at gate. Bakit kase siya maghahatid sakin?Kakainis. Tahimik lang ako buong byahe panigurado.
"Ako maghahatid sayo kase sabi ni Nico masyado malayo yung school ni Shaun sa hospital baka malate kapa." sabi ni Sean habang nakatingin sakin.
"Sige salamat." tipid kong sagot.
"Hindi ka po sasabay samin mommy?" nagtatakang tanong ni Shaun habang nakatingin sakin.
"Tara na Shaun kase si Ninong Dad maghahatid sayo baka malate na si mommy mo eh." Sabi ni Nico at hinila na niya si Shaun papasok sa kotse.
"Bye mommy! Ingat po kayo ni Daddy!" sigaw ni Shaun at hindi ko narinig yung tinawag niya kay Sean.
"Bye anak! Ingat kayo ni Ninong Dad!" sigaw ko at pumasok na sa kotse ni Sean.
Pagkapasok ko nagsuot agad ako ng seatbelt para safe.
Kruu kruu...
Napakatahimik namin tapos medyo malayo pa kami sa hospital na pinagtra-trabahuhan ko tapos traffic. Huhu late na me.
"Okay ka lang ba?"tanong ni Sean tapos kinapitan ang kamay ko.
"Oo." sagot ko kase anlakas ng tibok ng puso ko.
"Sure ka?" tanong niya na parang Hindi maniniwala.
"Oo nga!Kulit mo naman eh." inis na sabi ko.
"Ayy!" Sabi niya at tinigil yung kotse.
"Problema mo?!" inis na sabi ko.
"Wala tinatanong lang eh."malungkot na sabi niya.
I felt bad. I want to hug him. I want to kiss him. Like we used to do before. Same feelings paden for him but I still can't stop my emotion to be cold to him.
☹️
Naging tahimik kami hanggang makarating sa parking lot ng hospital.15 mins akong late dahil sa traffic. Sana okay lang mga patients ko.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at tumingin kay Sean habang nagiintay bumaba ako. I really miss him.
"Sean...Uhm." tawag ko kaya tumingin siya sakin.
"Why?" tanong niya.
Kinakabahan ako.I pulled his head and kiss him but smack and then kinuha ko yung bag ko at mabilis tumakbo palabas ng kotse.Nahihiya ako pero hindi ko kase mapigilan sarili ko. Miss na miss ko siya.
YOU ARE READING
Red String That Bind Us Together
Romance5 years ago,Xandra was brokenhearted when the love of her life leave for his future.Forgiveness is the best medicine to heal the pain. When Xandra Reiko Gonzalez wishes for love,she doesn't expect too much.She knows how to wait and she believes that...
Chapter 1
Start from the beginning
