Chapter 2

17 4 0
                                        

At the hospital

7 hours ago

Hays!!Kakainis!! Ano ba kase ginagawa ko?! Takte naman oh!!Naiinis ako sa sarili ko kase napakarupok ko.

"Hi Doktora San Juan." Bati ng pasyente ko tapos yung mukha ang saya saya niya.

"Hello.Kamusta? Mukhang ansaya saya mo ah. Ngayon lang kita nakitang masaya eh." Paguusisa ko kase lagi seryoso to eh.

"Okay naman po. Natutuwa po ako sainyo kanina." Sabi niya na parang hindi mapakali. Huh? Bakit sakin? Ayy nako buntis nga pala siya,baka pinagli-lilihan lang ako.

"Naglilihi kana ba?" Tanong ko.

"Hindi pa po. Pero kase nakita ko po ang ginawa niyo kanina." Sabi niya. Teka! Anong ginawa?!

"Huh?" Curious na tanong ko kase andami ko ginawa sa mga patients. Alangan naman isa isahin ko pa.

"Yung sa parking lot po. Nakita ko po kiniss niyo yung boyfriend niyo tapos tumakbo kayo." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

O.O

Seriously?! Nakita niya pa yon?Nakakahiya! Bwiset na Sean kase eh!Yung pulang labi niya lagi akong naaakit.

"Hehe. Sorry po. Hindi ko naman po sinasadya makita pero ang cute niyo pong tignan. Naalala ko po yung asawa ko sainyo nung nagliligawan palang kami." Kwento niya.

"Sana all."Sabi ko nalang.

"Bakit po?Hindi niyo po ba siya boyfriend?" Tanong niya. Napakadaldal naman neto. Dapat kapag buntis nanonood ng educational sa tv at hindi puro chismis.

"Hindi ko siya boyfriend pero siya ang ama ng anak ko." Diretso kong sagot.

"Paano po kayo nagkakilala?Bakit ayaw niyo pa po siya gawin asawa?Mukha naman po siyang in-love sayo kase yung mata niya halatang gustong gusto niya pagkatapos mo po siya halikan. Siguradong matutuwa po yung anak niyo." Sabi niya.

Shemay! Naiilang na ako pero gusto ko magkwento about samin dati.

"Nagkakilala kami nung Grade 3 kami tapos kaklase ko siya. I like him secretly. His friend and I were close. He didn't even notice that I like him." Kwento ko sakanya. Putek!Kinikilig na naman ako.

"Tapos po? Nakakakilig naman love story niyo." Aniya niya.

I was about to continue when we heard a call ringtone that interrupt our conversation.

"Excuse me."Sabi ko at tumayo.

So, I looked and an unregistered number was calling me out of curiosity I answered it.

"H-hello?"tanong ko.

"Where are you?" tanong niya. Bakit niya tinatanong? Luh! Hindi ko naman siya kilala.

"Who are you? Where did you get my number?" tanong ko.

"Of course I should know all about your details about you even your number because I'm your husband!" Inis na sabi nung nasa kabilang linya. Takte! Nasisiraan ata ng ulo kaya pinagtritripan ako.

"Sorry but I don't have husband." bwiset na sabi ko.

"Not now but soon." Sabi niya.

Not now but soon.

Not now but soon

Not now but soon

Natulala ako dahil sa paulit-ulit ng utak kong sinasabi yon na nagpa-kaba saakin. Anlakas ng tibok ng puso ko. Ang weird lang pero dapat ko lang naman kase baliwalain yon eh. Hindi ko naman kilala yon.

I heard a knock from door.I opened and I saw my fellow doctors which is my best friends Amara,Keila,Ciara at Agatha.

"Oy!Bakit Ang tagal mong buksan yung pinto?"tanong ni Amara at umupo sa desk ko.

"Ahh k-kase may inaayos ako." nauutal kong sabi.

"Weh?"Sabi ni Keila

"Siguro, may bago kana LOVELIFE."Sabi ni Ciara.

"Sana nga para hindi na ako nasasaktan." Sabi ko na ikinatawa nila.

Grabe tong mga to!! Kakainis!!

"Free kaba? Date naman tayo ng buo."Sabi ni Agatha.

"Oo nga naman Xandra." sabi ni Ciara

"Lagi ka nalang busy. Siguro may jowa ka."Singit ni Keila.

"Paano magkakajowa yan?Hindi nga makapagmove-on kay Sean." Sabi ni Amara. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang epal mo talaga kahit kailan."Sabi ko kay Amara na ikinatawa nilang lahat.

Tumahimik na ako at nag-ayos na ng gamit since iba na pinaguusapan nila. Nakakainis ako nalang lagi pinagtritripan nila! Palibhasa mga walang lovelife HAHAHA

"Una na kami Xandra.May schedule pa kami" Sabi ni Keila.

"Sige. Ingat kayo pauwi mamaya." Sabi ko.

"Bye" sabay nilang sabi at nagwave ako hanggang sa makalabas silang apat.

Kinuha ko na yung bag ko at ni-lock ang pinto ng room ko. Naglakad ako papuntang elevator at may nakasabay akong isang lalaking naka-cap at naka black mask kaya bigla akong kinabahan.

"Hi Miss."sabi nung misteryosong lalaki.

"Kuya, wag ako pagtripan mo." sabi ko kahit medyo kinakabahan ako kase kami lang dalawa dito.

"Gift for you." sabi niya at kinuha ang kamay ko.

Natulala ako sa maliit na pulang kahon tapos hindi ko namalayan na meron mga nurse at pasyente na pumasok sa elevator.Hinintay ko mag ground floor at dumiretso sa parking lot.Hinanap ko yung kotse ko kaso hindi ko makita.Ansakit na ng paa ko kakaikot.

"Fck!!" sigaw ko sa parking lot ng may maalala ako.🤦🏻‍♀️

Umupo muna ako sa tabi kase nga naalala kong hindi ko nga pala nadala yung kotse ko kase hinatid lang ako ni Sean. Napakamalas ko naman! Hays. Paano ko masusundo anak ko? I-text ko na nga lang si Nico para sunduin si Shaun.

Habang nagty-type ako,napansin kong may nakatayo sa harap ko at kinabahan na naman ako. Dahan dahan akong tuminghala at nakita ko si Sean na mukhang galit.

"Let's go?" aya niya sakin at kinuha ang bag ko.

"Akin na bag ko! Saan tayo pupunta?Susunduin ko pa si Shaun." sabi ko at hindi na siya magsalita bagkus ay hinila niya nalang ako papunta sa kotse niya.

"Sakay na at susunduin natin si Shaun."Sabi niya na ikina-timang ko.

"H-huh? B-bakit?" gulo kong tanong.

"Bakit? Sino ba dapat sumusundo sa sarili niyang anak?" tanong niya na alam ko nang sinasadya niya.

"Parents niya"Sabi ko nalang napapagod kase ako ngayon tapos makikipagsagutan pa ako.

"Mukhang pagod na pagod ka ah. Gusto mo bang kumain kapag nasundo na natin si Shaun?" sabi niya at napatingin ako sakanya.

"Ok lang naman. I-iglip muna ako"sabi ko.

Hindi na siya nagsalita baka napansin niyang sobrang pagod na pagod ako. Isinandal ko ang ulo ko sa windshield ng kotse tsaka pumikit.

ZzZzZz

Nakaramdam ako ng haplos sa braso ko kaya dahan dahan akong nagmulat ng mga mata tapos nakita ko si Sean.

Red String That Bind Us TogetherWhere stories live. Discover now