💙Chapter 51💙

Start from the beginning
                                    

imbes na umuwi na rin si lea sa kanila mas pinili nyang samahan ako sa bahay namin dahil may pag uusapan din daw kami kaya naman si Christian na lang ang umuwing mag isa, marahil itatanong nya ang nangyare kanina, hindi ko alam kung ready ko na bang ikwento ang lahat sa kanya

Pareho na kaming nakapag bihis ng pantulog ni lea at halos pabagsak akong nahiga, tumabi sakin si lea at kinalabit ako "bakit?" Inosente kong tanong "let's talk, girl to girl talk" seryosong sabi nito at umayos ng upo

"Bukas na lang tayo mag usap pagod ako eh!" Dahilan ko para di nya ako kulitin pero mukang di ko sya matitinag dahil binuhat nya ako para makaupo

"You know athena na palabiro ako madalas diba?" Mahinahon nitong sabi "oo naman" sagot ko

"At never pa akong nagseryoso sa mga personal matter mo" sunod na sabi ulit nito, pakiramdam ko para akong nasa hot seat kung makausisa sya

"Deretsyahin mo nga ako para san ba yang mga tinatanong mo?" Curious kong sabi

"Ngayon ako magpapaka totoo sayo, alam kong marami ka nang tinatago sakin pero binabalewala ko lang yun but this time makikialam na ako, alam ko ang mga nangyayare sayo lalo na sa inyo ni kiel pero di mo gustong ikwento sakin diba?"

As in napanganga talaga ako sa mga sinabi nya, panong alam nya lahat eh ni minsan hindi ako nagpakita sa kanya ng motibo tungkol kay kiel kaya panong....

"ano bang sinasabi mo-"

"Kilala kita athena mula palang nung bata tayo kaya natural na napapansin ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi, ano ba talagang nararamdaman mo kay kiel?" Nanlamig ako bigla sa tinatanong nya

"Ahm wala yun oo wala nga-"

"Come on athena hindi mo kailangang matakot sakin, ypu can tell me anything,  bestfriend tayo eh" kumbinsi nito

Napayuko ako at nanahimik sandali "m-may...gusto sakin si kiel-"

"Alam ko yun" putol nito kaya napatingin ako sa kanya "alam mo? Kelan pa?" Inosente Kong tanong,  "nung unang beses ka nyang iniligtas"

Teka bakit ngayon ko lang nalalaman ang mga bagay na to? "Ibig sabihin alam mong si kiel ang nagligtas sakin una palang?" Tumango ito

"Oo"

"Pero ang sabi mo hindi mo kilala kung sino ang taong yun!"  Ibig sabihin nag lihim sya sakin ng matagal pero bakit

"Yup that day nagkasalubong kami ni kiel sa hospital para ibalik ang phone mo, gusto ko sanang sabihin sayo pero inunahan na nya ako, wag ko raw sasabihin na sya ang nagligtas sayo, ganon din nung pangalawang beses ka nyang iniligtas tinawagan nya rin ako at gaya nung una ayaw nya ring sabihin ko sayo"

Paliwanag nya, mas marami pala syang nalalaman kaysa sakin 

"At alam ko rin na nahuhulog na ang loob mo sa kanya kahit hindi mo sabihin, hindi sa may kinakampihan ako sa dalawa athena pareho ko silang tinutulungan sayo pero ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo kung sino sa dalawang yun ang mas gusto o mahal mo"

Sa ilang years kong kasama si lea ngayon ko lang sya nakitang ganito magsalita sakin parang ibang lea ang kaharap ko

"Ang totoo nalilito ako sa nararamdaman ko, aaminin ko gusto ko rin si kiel pero gusto ko rin si Christian at ayoko syang saktan kaya mas mabuting kalimutan ko ang feelings ko para kay kie-"

"Mukang nalilito ka nga talaga, kasi hindi mo alam ang salitang gusto lang at sa salitang mahal"

Sa mga salita nya, alam na alam nya lahat pagdating sa pag ibig nasapo ako ang noo ko "naku naman lea anong gusto,  anong mahal sinasabi mo!"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now