Chapter 14: Story to tell

Magsimula sa umpisa
                                    

He let out a sigh bago sinunod ang sinabi ko. Itinabi nya muna ang sasakyan dahilan para tumigil rin si Sergeant Bennett na ngayo'y nasa unahan na namin. Lumabas si Dome pero ako ay lumusot lang sa pagitan ng dalawang upuan sa harap.

Nang isinara na ni Dome ang pinto ay inayos ko ang salamin sa harap para makita ko ng maayos ang likod. I saw him glaring at me pero binalewala ko iyon.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at may paninibago akong nararamdaman dahil pagkatapos ng ilang buwan ay ngayon lang ako nakapagmaneho ulit. Pinauna muna kami ni Sergeant Bennett bago sya sumunod.

"Wow. Ang galing mo, Xandre!"

Nilingon ko ang namamanghang mukha ni El. Hawak nya na ngayon si Pipo.

"This is easy, El. Lalo na't automatic ito."

I think the bandits stole this truck. It's an old model of Ford pickup truck pero maayos pa rin naman.

"Mom never let me learn. Sabi nya 'pag twenty ko nalang daw o kung may liligawan na ako." Natatawa si El sa sarili nyang kwento.

"May niligawan ka ba?" Nakangisi kong tanong at sinulyapan siya bago ako sumulyap kay Dome.

His eyes are closed now. I hope he can sleep.

"Wala. I'm too focused with academics and sports. Kahit may nagpapansin ay hindi ko man lang nabigyan ng pansin. Kung alam ko lang sana, niligawan ko na mga 'yon!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong humalakhak sa sinabi ni El. Wala lang. I just find it funny.

Kung alam ko lang rin na may gusto si Cleo sa akin noon ay siguro, binigyan ko sya ng pagkakataon. Nakakatawang isipin. Kung alam lang namin na mangyayari ang lahat ng 'to ngayon.

"So, what's your story, El?" I asked in a low voice.

Hindi agad nakasagot si El pero may ngiti pa rin sa kanyang labi. Yumuko sya at hinaplos si Pipo.

"Dad is a prosecutor, while mom works in a bank. They got bitten pero nakapagpaalam naman kami sa isa't isa ng maayos. Ipinasama nila ako kay Dominic nang makitang wala na silang tyansang samahan ako. It was heartbreaking but I followed what they said. Buong buhay ko naman ay sinunod rin nila ang gusto ko e. Maliban lang doon sa tingin nila'y delikado para sa akin. Even though it's too painful for me, sumama ako kay Dominic dahil iyon ang makakapagpanatag ng kalooban nila." Mahabang litanya ni El.

Sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng nagbabadyang luha. I glance at El and he has a sad smile on his face. He looked at me and pat my back.

"Wag kang maawa sa akin, Xandre! Everything happens for a reason kaya kahit sobrang sakit nun, I'm helping myself to move on. Dahil alam kong iyon ang kailangan kong gawin. Para na rin sa kanila." He said in a low voice.

Just wow. His parents got the best son. Athletic, handsome, kind and optimistic.

It's very rare to find a man like El. Kaya napakaswerte lang ng magiging nobya nya in the future.

"Ikaw, Xandre?" El asked.

This time, I'm willing to share my story to him.

"I was at school with my friends when it happened. My girl best friend got bitten so we have no choice. My boy best friend killed her. Pero ang hindi ko alam, nakagat rin pala si Cleo. Nangako syang ihahatid nya ako sa bahay. Naabutan namin ang Mama at Papa ko. Pero si Mama... Wala ng buhay. She got bitten as well and my father has to kill her." Nanginig ang boses ko pero pinilit ko pa ring dugtungan ito.

"My father was bitten, too. Lahat sila..." Pagak akong tumawa. "Nagpaalam kami sa isa't isa bago... bago tinapos ni Papa ang buhay nya sa tabi ni Mama. Then I was left with Cleo and the promise to him that I'll kill him before he turns. Ang gulo diba? Ang hirap noong araw na 'yon! Akala ko mababaliw ako nun. I killed Cleo. Pagkatapos nun, I met other survivors. The first two decided to end themselves, then the other one got bitten, the other one sacrificed herself to save me. 'Yon lang!"

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon