"Lipat ka na, pahinga muna ako." Napanguso ako sa sinabi ni Iver. 

"E hindi na nga ako kasya sa kama namin." Sabay turo ko kay Gail na mahimbing ng natutulog. Kapag talaga nakahiga na si Gail sa kama madali na siyang makatulog. 

Tiningnan ni Iver yung maliit na sofa kung nasaan ang mga gamit namin. Napabuntong hininga siya ng makitang hindi siya magkakasya roon. 

"Edi tabi nalang tayo, arte mo ah!" Sabi ko sakaniya tiyaka umusog para may space pa siya. 

Napabuntong hininga ulit siya tiyaka humiga na sa kama. Wala naman siyang magagawa dahil pare-pareho na kaming pagod. At kapag pagod ka kahit saan na may space na pwedeng tulugan, you'll grab the chance. 

"Click!!" Nagising ako sa maingay na boses ni Gail. Bahagya rin gumalaw si Iverson sa tabi ko na mukhang nagising din. "Ang sweet! Sana all!" Wika ni Gail. 

Tiyaka ko lang narealize na magkayakap pala kaming natulog ni Iverson. Pagod na umupo lang si Iverson at sinandal ang headboard sa kama. Binato ni Gail yung napicture-an niya sa instax niya sa amin. Tiningnan ko yung picture and we really look like a couple in the picture. 

"May copy rin ako sa phone, sino papa-air drop?" Nang-aasar na wika niya. Kinuha ni Iverson sa akin ang picture para tingnan. 

"Cute," inaantok na wika ni Iverson "Pwede sa wallet." dagdag pa niya tiyaka kinuha ang wallet sa bulsa niya. Hindi ko nalang siya pinakialaman nang nilagay niya ang picture sa wallet niya. 

"Tara na! Kain na tayo, couple!" Natatawang yaya sa amin ni Gail "Bukas na tayo mag beach after kumain, bago tayo matulog, mag review." may itenerary na pala siya. 

Hindi na kami nagbihis ni Iverson, ganon din naman si Gail. Naka black shorts lang ako at black long sleeve turtle neck, syempre galing kaming Baguio. Jeans at black hoodie si Iverson samantalang shorts and crop top na long sleeve si Gail. 

Tamad kaming sumunod kay Gail. Mabuti nalang gabi na kaya hindi masyadong mainit ang suot namin plus the fact na malapit kami sa dagat. 

Nang makarating kami sa restaurant, pumili na kami ng kakainin namin. Hindi masyadong marami ang in-order ni Gail sa kadahilanang diet daw siya. 

"Ang ganda ng beach no?" Wika ni Gail sa amin habang pinagmamasdan ang dagat sa gilid namin. "Magpapatayo ako ng rest house near the beach kapag doctor na ako. Gusto ko sa sariling pera ko." Sabi pa niya. 

"Dapat may kuwarto ako ron ah!" Biro ko sakaniya. Tumango siya. 

"Ikaw, Iverson? Saan mo balak tumira? Baguio pa rin?" Tanong ni Gail. Uminom muna si Iverson sa serve water bago sumagot Gail. 

"Kung saan balak tumira ng mapapangasawa ko." Deretsong sagot ni Iverson. Of course, his wife will be blessed to have Iverson in her life. 

A gentleman, understanding and purest man I met.

"Sino bang gusto mong mapangasawa?" Tanong ni Gail sakaniya. Dumating na rin ang order namin kaya inayos nanamin at hindi na nasagot ni Iver ang tanong ni Gail. 

Marami pa kaming napakuwentuhan habang kumakain kami. Hindi ko rin nga alam kung paano kami naging close tatlo, siguro dahil magkagroup kami sa tatlong magkakasunod na subject noong first year kami hanggang sa naging close na kami. Sa UB na sila nag high school samantalang sa Saint Louis School Center naman ako dahil iyon ang malapit sa amin, sina tito rin ang nagbabayad ng tuition ko. 

Nang matapos kaming kumain at nagpahinga. Nagyaya si Gail na maglakad-lakad muna kami sa dalampasigan bago kami nagreview. 

"Gusto ko yung papakasalan ko, yung mas mahal ako." Biglang wika ni Gail habang naglalakad kami. Kaming dalawa ang magkasabay, habang nasa likuran namin si Iverson. 

"Dapat naman talaga. Dapat kapag nag-asawa ka, mas mahal ka ng lalaki. For me lang ah? Para maging matibay ang relationship niyo." Sagot ko sakaniya. 

"Sino kayang makakatuluyan natin no?" Napatango ako sa tanong niya, kahit sino naman hindi alam kung sino ang makakatuluyan nila. "Balak kong ma-engage kapag nasa med school na, baka mawalan na ako ng time kapag doctor na talaga ako." dagdag niya.

Iyan din kasi ang hirap kapag magdodoctor. Ilang taon nag-aaral at ang pag residency pa. Kaya minsan o madalas ang mga med student walang love life dahil focus talaga sa pag-aaral. 

"If ever, I want to practice my profession with my maiden name," sabi ko naman "Ako kaya nagpakahirap sa med-school!" Natatawang dagdag ko to add humor on it. 

"Sabagay pero ayos lang naman sa akin kung surname ng asawa ko gagamitin ko, proud!" May pagkamaharot na wika pa nito. "Ikaw, Iver? Kunwari maging asawa mo crush mo, payag ka ba na hindi niya gamitin surname mo?" Tanong ni Gail, bahagya pa siyang tumingin sa likod para masulyapan si Iver. 

"But she still Villangca on papers right? It's fine. Kung anong gusto ng asawa ko, ayos lang." Seryosong sabi nito. 

"Wow. Husband material naman pala si Iver." Pang-aasar ni Gail. 

Habang naglalakad pa kami sa dalampasigan ay may nakasalubong kaming tatlong lalaki. Yung dalawa ay pamilyar sa akin. 

"Ano? Ngayon ka lang nakapag-LU pagkatapos ng break up niyo?" Pang-aasar ni Joaquin sa kasama nilang lalaki. Natatawa si Jonas habang nasa gitna nila ang hindi ko kilalang lalaki at naka-akbay silang pareho ni Joaquin sakaniya. 

"Huy! Good evening!" Bati ni Gail nang magkasalubong kami. Bahagya pang namilog ang mata ni Jonas. Ngumiti sa akin si Joaquin kaya ngumiti rin ako sakaniya. Kumunot naman ang noo nung nasa gitna dahil hindi niya kami kilala. 

Lakas mang-asar ng tadhana.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now