Chapter 4

135 4 0
                                    

"Nope. There's no way we're going to continue that.", I stressed out the last word.

Lumabas na ako ng condo. Hindi rin naman sumunod si Albie.

Ano bang iniisip ng lalaking yon? Tingin niya talaga sasakyan ko ang kalokohan niya?

No way.

Kahit kailan, hindi ko naisip na magpapanggap ako bilang jowa ni Albie.

Argh.

Bakit nga ba pumayag ako kanina?

Masyado akong nagpadala sa inis sa Laiza na yon.

Pero hanggang don na lang yon.

I've known Albie for years now. Dahil sa best friend kong si Xyra kaya ko siya nakilala.

Inaamin ko. Nang una kong makita si Albie, type ko talaga siya. Ang yummy kasi! Pero ng makilala at makasama ko siya, nawala lahat ng pagnanasa ko sa kanya.

Wait, what did I just said?

Argh. WTH Emi?

Well, whatever. Yun naman ang totoo.

I was turned off.

Sobrang hangin at yabang kasi ng Albie na yan. Masyadong feelingero! Akala ko nga hindi ako tatagal na kasama siya sa isang kwarto. Wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang magaway.

I can still remember the time na hinagis niya ako sa pool! And I was super dressed that time!

Argh.

My poor channel shoes.

Nang makabili ako ng mga damit ay napagpasyahan kong bumili na rin ng beer along the way. To cheer me up somehow!

Sa dami ng problema ko right now, I really need a drink.

"Is that what I think it is?", bungad ni Albie ng makapasok ako ng condo.

I grinned.

"Want a drink?",wika ko sabay taas ng plastic ng beer.

Tumawa siya.

"Sure!"

Nagpalit lang ako ng spaghetti blouse at short. Sanay ako sa apartment na cropped top lahat suot ko. Ang init kasi lalo na at summer.

And I think okay lang rin naman kay Albie. Kasi these past few days, wala naman siyang pake sa mga sinusuot ko.

He barely throws a look at me.

Hindi ko rin naman siya type kaya keber lang. What happened earlier was normal. Ganon talaga ang mga lalaki.

Sige lang Emi. Convince yourself. Kumbinsihin mo pa ang sarili mo na normal lang yon.

Argh.

Dahil sa nangyari kanina kaya naco conscious ako ngayon sa suot ko.

Well, whatever! I'm sure wala lang naman kay Albie yung nangyari kanina.

Lumabas na ako ng guest room.

"Saan ka papunta?", tanong ko kay Albie ng makasalubong ko siya.

Dala dala niya yung mga beer at may dala na rin siya finger foods.

"Sa kwarto ko."

Mukhang balak nitong maginom magisa.

Oh, well. What do I expect?

Tumango na lang ako saka naglakad papuntang sala.

"Saan ka pupunta?", tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

The Art of Seduction Where stories live. Discover now