Chapter 1

45 7 0
                                    

Chapter 

Learn


"Aiah, mag-ingat ka!" Sigaw ni Reese sa akin.

Binalewala ko ang babala niya sa akin at lumusong nalang ako sa dagat. The rays of the sun were blazing on this hot afternoon. But the wild, salty breeze made up for the sting it would give me. Tuwang tuwa ako tuwing nagugulo ng hangin ang buhok ko. Somehow, it was because it made me felt similar to him. Always so playful and carefree, not minding even the harsh caress of the wind on his face.

"Aiah, delikado! Wala ka pa ng life vest!" Sabay hablot ni Reese sa aking braso.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at nagpumilit na lumayo para makasunod kay Jae.

"Marunong akong lumangoy, Reese!" I defended myself and my little knowledge on the basics of swimming.

I appreciate his worry for me, but seriously. Ayos lang ako. Yakap yakap ko ang surf board ni Kuya Liandel na hindi niya na ginagamit. Hindi ako marunong gumamit nito pero magpapaturo ako kay Jae! Naroon siya sa malalim na atang parte ng dagat. Gusto ko siyang sundan. Kasama niya roon ang nakababatang kapatid na si Adora, habang parehong tinuturuan ng Tito nila kung paano magsurf.

"Reese, sige na..." I tried convincing him. But Reese wouldn't budge. We waded our way through the crashing waves, back to the shore. Malungkot kong ibinaon sa buhangin ang surfboard ni Kuya habang nakatingin sa akin si Reese.

I can't be mad at him. He's just worried and protective of me. Medyo dismayado nga lang ako na hindi ako makakasabay kay Jae sa pag-aaral kung paano mag-surf. Lumapit sa akin si Reese. I gave him a small smile.

"I'm sorry. Nag-aalala lang ako. Doon na lang tayo sa may lilim, bilhan kitang shake." Aya niya.

Tumango na lamang ako at sumama na. I was sad for a while but not for long. He offered to buy me a mango shake and he did. Kwinentuhan niya lang ako ng mga istorya tungkol sa lugar na pinuntahan nila ngayong summer. Nalibang naman ako sa mga kuwento niya kaya hindi ko napansin ang pagdating pa ng isa naming kaibigan.

"Arthur! Nakauwi ka na pala!" Gulat ko siyang niyakap.

Tumawa siya at niyakap ako pabalik. "Syempre naman. Ilang linggo na lang, pasukan na ulit. Mag-eenroll pa kami ni Ate."

"Sa school ka pa rin ba natin mag-aaral, Arthur?" Tanong ko.

"Oo. Si Ate rin doon pa rin, pero ibang building na siguro dahil high school na siya."

I continued chatting with my friends while I sipped on my mango shake. I know it was rude that I could not focus on our conversation. But, my eyes would always stray to the glimmering blue sea. I carefully watched how Adora tried to stand on her surfboard. Nakahawak ang kaniyang Kuya sa kaniya bilang alalay. I almost clapped on my seat when I saw Adora successfully standing up on her board. After a few seconds, she fell in the sea. Tawa siya nang tawa nang makaahon. I watched how Jae seemed so proud as he smiled while he was helping her get back to her board.

I wonder if I could also do that. I think I actually could. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon dahil nagawa nga ni Adora. And of course, Jae is also there. Even for just a short while, I felt so certain that I could do it if Jae was also there with me.

"Aiah?" Tawag sa akin ni Reese. Bumaling ako sa kanilang dalawa ni Arthur na parehong nakatingin na rin sa tinitingnan ko kanina.

"Ano 'yun, Reese?"

Nabalik ang tingin niya sa akin. "Gusto mo na rin bang maligo? Sa pool na lang tayo."

"Hindi puwede sa dagat?" Nagtatakang tanong ko.

Divagate (ICS #2)Where stories live. Discover now