Chapter 2

9 1 0
                                    

Chapter 2

Lego House


"You'll get better if you do it constantly..." Jae said to cheer me up.

I now totally get it why Adora seemed to be in awe and in frustration earlier. Matagal na oras ang iginugol nila sa pagtuturo sa akin kung paano lumangoy nang maayos. Nahihirapan pa ako sa parteng iyon pero kahit papano ay nararamdaman kong nag-improve nga ang kakayahan ko sa paglangoy. Sabi sa akin ni Jae ay sa pool kami susunod, para mas maayos nila akong maturuan.

Bago pa dumilim, may inilabas ang Tito Emman niya na isa ring board. I thought it was a surfboard too, just in a smaller size and it was finless. Nang ipakita niya sa amin kung paano iyon gamitin, napag-alaman kong skimboard pala iyon. Kahit ganoon pa man, tuwang tuwa ako nang dinemonstrate iyon ni Tito sa amin. I figured that riding it is almost similar to riding the skateboard and surfboard. Kaya siguro ang bilis matuto ni Jae ay dahil sanay na ito sa skateboard niya.

Along with the excitement came the frustration. We were just gliding by the shore and not along those wild waves from afar. Kung iisipin ay parang kay dali lang naman sana. Pero nang ako na ang sumubok, ang hirap pala!

My stance was pretty wobbly and I couldn't maintain my balance for too long. I tried hard to not to fall, but I would always end up failing epically. Still, it was so much fun! Sinubukan din nina Adora at Reese at pare pareho kaming natatawa kapag may nasusubsob sa amin sa buhangin.

Pauwi na kami ngayon sa Vasco. Sinundo kami ng van nina Jae pero nagulat ako nang makitang nandun na rin si Kuya Liandel sa loob. Panay kuwentuhan ang dalawa habang nasa biyahe kami, samantalang si Adora ay tahimik na natutulog sa tabi ko. Si Reese ay nauna nang sinundo ng mga magulang niya. Hindi na rin namin napag-usapan pa kung kailan ulit kami magkikita kita bago ang pasukan. Siguro ay huli na itong pagpunta namin sa beach ngayong summer. Magiging busy na ang lahat para sa parating na pasukan.

"Puwede pa naman kayong gumala sa parke sa VTC, Aiah." Suggestion ni Kuya nang sinabi ko sa kanila ang nasa isip.

Sumang-ayon naman si Jae sa sinabi ni Kuya. "If you want, Louie... then puwede naman natin silang sabihan ulit para makapagpaalam din sila sa mga magulang nila."

Nabuhayan naman ako roon. Last year na namin ito sa elementary kaya nalulungkot ako paminsan kapag naiisip na baka mag-iba iba na ang paaralan namin sa high school. Baka may mag-aral na sa Manila, katulad ni Reese. Andoon ang mga Kuya niya. Si Arthur naman, baka dito rin lang siya mag-high school tutal andito din nag-high school ang Ate niya. Si Jae...

"Saan ka magha-high school, Jae? Dito ka lang din ba sa Isla?"

Liningon niya ako at sandaling nag-isip.

"Saan ka magha-highschool?" Tanong niya pabalik.

I would probably go to Kuya's school. Grade 12 na si Kuya Liandel ngayong pasukan, kaya pagtungtong ko ng grdae 7 ay college na siya. May high school at college department naman ang school nila at mayroon din silang inooffer na course na gustong kunin ni Kuya.

"Baka sa CDIC din ako, katulad ni Kuya." Sagot ko.

I saw him nod at what I said. "Kung ganoon, baka sa CDIC din ako katulad mo."

Narinig ko ang mahihinang hagikhik ni Kuya sa harap, kung saan magkatabi silang nakaupo ni Jae.

"Noong grade 6 ako ay hindi naman ako nagpaplano kung saan mag-hahigh school. Pero mabuti na nga at sa CDIC ako nag-aral. Hay..." Kuya took a deep breath before relaxing on his seat with a smile. Parang may maganda siyang naaalala.

"Kaya kayong dalawa, maganda na rin 'yang pinagpaplanuhan niyo ang future niyo. Para hindi kayo napapariwara ng landas. Pero 'wag niyo ring kalilimutang i-enjoy ang pagkabata... ma-mimiss niyo 'yan." Dagdag niya pa.

Divagate (ICS #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя