I smiled.

"How about you, Ven?"

Gulat akong tiningnan ni Venny. Her hold even loosened upon hearing it. She knew what I meant. Sinasabi niya sa'kin na dapat ko nang kalimutan lahat, pero siya sa sarili niya ay hindi pa rin naman nakakalimot. I guess the Villaverdes have a tendency of getting stuck. For years.

She let go of my arms.

"Ang daya mo!" Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata kaya bahagya akong natawa. She just rolled her eyes jokingly before getting her things off the table.

"I'm out. Ang dami ko pang dapat gawin."

If she said that honestly or was just plainly trying to avoid the topic, I don't know. Tuluyan na sana siyang aalis nang pigilan ko siya. I held her by the arm. "Ven, Teka."

She looked at me, raising her brow. I smiled awkwardly at her. "K-Kasi..."

Nagdalawang isip pa ako bago nagpatuloy. "C-Can you give me Ezzio's calling card?"

Yeah. I had the audacity to ask for that.

Her eyes widened for the second time around. Mabilis siyang lumayo sa akin, hindi inaalintana ang kuryosong tingin ng mga staffs ko. Mabuti na lang talaga at wala ring customer na narito. Kung hindi ay magmumukha kaming tanga.

"No way!" sigaw niya. Sinubukan kong lumapit pero patuloy siyang umiwas.

"Ven, please!"

"Ayoko!"

'Di naglaon ay mukha na kaming mga bata na naghahabulan sa loob ng shop. At naka-heels pa. Tinatawanan lang kami ng mga staffs.

"Ytalia Venice!" I yelled when she turned around the table. "Give me his damn calling card!"

My voice probably reached the kitchen because Marky then came out. Nanlaki ang mga mata niya sa natunghayan.

"Hoy, mga bruha ano bang nangyayari?!" Lumapit siya sa glass counter. "Nakakaloka, para kayong mga bata!"

Hindi ko inalintana ang sigaw ni Marky. Sa halip ay tumigil ako, humihingal. Ganoon din ang ginawa ni Venny. I glared at her.

"Ah, ganoon? Hindi ka talaga makikinig sa Ate mo?"

She just stuck her tongue out. Grabe! Sinong mag-aakalang 26-years-old na 'tong babaeng 'to?!

My lips protruded as I thought of an idea. Hindi ko na pinatagal pa ang tuluyang pagsabi ng pangalang nasa isipan ko.

"Tres, Tres, Tres, Tres," paulit-ulit kong sabi. Halos matawa ako sa naging reaksyon ni Venny. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa inis. I swear, this always works!

I kept going, knowing how close she was to giving in. Parang kulang na lang ay sumabog siya. Pulang-pula na rin ang mukha niya.

"Tres, Tres, Tres-"

Venny groaned in frustration. "Oo na! Ibibigay ko na!" Asar na asar niyang sabi. "Just shut up!"

I did what she said. Hindi ko mapigilang mapangisi. Hinalungkat naman ni Venny ang loob ng hand bag niya, hinahanap ang hinihingi ko. When she finally found it, she walked closer to me. Ang sama-sama ng tingin niya nang inabot sa akin ang calling card. Parang sa kahit anong oras ay pwede niya akong sakalin. Ganoon siya kainis dahil lang sa pagbigkas ko sa pangalang 'yon. Masyadong big deal!

I grinned.

"Salamat!"

"Nye nye," she said as she made a face. Matapos ay umirap siya't tinalikuran ako. "Hindi kita tunay na kapatid!"

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu