"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila.

Si Felix ang tumingin sakin at sumagot. "Inaayos ang pag-lalagyan nang pagkain."

Tinignan ko si Yuri ng bigla nalang siyang pumitik gamit ang mga daliri.

"Oo nga pala. Umorder nga pala ng pagkain si Keifer para sa atin. Ngayon ko lang naalala." Sabi niya at napakamot ng batok.

Gusto kong pumalakpak ng sobrang lakas.

Pagkain to! Magpapakain ang luko!

Pero paano ko gagawin yon kung ang magpapakain ay ang kinaiinisan ko sa lahat. Ang kapal nalang ng muka niya kung tatakamin na naman niya ko kagaya ng ginawa niya sa chocolate kanina.

Ang kapal talaga ng muka niya! Alam niya kasing hindi ako tatanggi.

Pero mas mabuti siguro kung magpapaka-busog na ko para hindi ako malamangan ng lukong yon. Kung busog ako, malaki ang chance na tumanggi ako.

Tama! Tama! Malaki ang chance.

Kinuha ko ang wallet ko mula sa bag at tumayo. "Sa cafeteria lang ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at naglakad na palabas. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Yuri pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi ako kakain dito at hindi ko kakainin ang pahanda ng ugok na Kei—kwanan. Baka may taglay na sumpa yon. Baka magsara butas ng pwet ko kapag kinain ko yon o sasakit ang tyan ko. Pinaka-malala baka lagyan ng gayuma.

Sa cafeteria nalang ako kaka—amoy lechon.

Nanlalaki pa ang butas ng ilong ko habang pilit hinahanap kung saan galing ang amoy. Mas lumalakas yon, lalo ng maglakad ako palapit sa hagdan. Hinintay ko sandali kung tama ang direksyon ng pinang-gagalingan ng naaamoy ko.

Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita kong paakyat ang ilang grupo ng kalalakihan na may dalang pagkain. Daig pa ang may pa-fiesta sa dami ng dala nila. Sunod-sunod silang umaakyat at ng sundan ko kung saan sila pupunta, dumiretso sila sa classroom namin.

At nang dumaan ang lechon sa harap ko, halos hindi ko maramdaman ang kirot sa leeg ko ng sundan ko ang destinasyon non.

Bess, my lechon!

Nakagat ko nalang ang labi ko. Bakit pa ko pupunta ng cafeteria kung eto na ang grasya? Pinapa-abot na ng langit. Nana-nampal ang amoy.

Pero kapag kumain ako dyan, malamang kong may binabalak na naman ang Hari ng mga Ulupong. Malamang na kagaya lang yan ng ginawa niya sa chocolate. May kapalit to! May kapalit to! May kapalit—papayag kaya siya sa isang kiss palit ng ulo ng lechon?

Muntik ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa naisip ko. Kailan pa ko naging mahalay? At ang babaw ng isang halik para sa lechon. Malamang na malaki ang magiging kapalit ng mga pagkain na yan.

Nahawakan nalang ng dalawang kamay ko ang muka ko. Ibig sabihin lang nito, kailangan kong magtiis at taasan pa ang pride ko. Mas mataas pa kesa sa pagtitiis na ginawa ko kanina. Mas matayog pa sa skyscrapers.

Kakayanin ko kaya?

"What—"

"Ay ulupong!" Gulat na sabi ko.

"—are you doing here?" Pagtutuloy na tanong ni Kei—kwanan kahit natatawa sa reaksyon ko.

"Bakit ba kasi bigla-bigla ka sumu-sulpot?!" Inis na tanong ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon