"Study well, baby bro. Love you!" pahabol niya rito.

"Love you too, Ate!" sigaw nito.

Saglit na napuno nang katahimikan ang paligid nang makaalis na ang kapatid para bumalik sa kuwarto nito. Paglingon niya sa Daddy niya ay nakataas ang kilay nito sa kaniya. His arms are crossed too. Akala pa naman niya ay tapos na siyang sermunan, mukhang hindi pa pala.

"Did you cut classes, love?" tanong ng Mommy niya.

Umupo siya sa tabi nito. "Yes, Mom," nahihiyang sagot niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Do you even like your course?" tanong pa nito.

At first, she liked her course. She thought gusto niya ring mag-pulis kagaya ng Daddy niya. She enjoyed it at some point. Pero ngayon ay parang hindi na siya masaya. Parang napipilitan na lang siyang tapusin ang kurso niya kasi nahihiya siya sa parents niya.

"Love, if you're not happy, just tell us. Susuportahan namin kayo ni Carson sa pangarap n'yo," sabi ng Mommy niya.

Mabilis na yumakap siya rito. Naramdaman niya kaagad ang paghaplos nito sa buhok niya. She always felt safe kapag yakap-yakap siya ng Mommy niya. It's like she'll go through hell and back just to keep her safe. Sa kahit anong sitwasyong sa buhay niya, palagi niyang nasasandalan ang Mommy niya. Sa maliit o malaki man na bagay. Palagi itong nasa paligid kapag kailangan niya ng suporta at tulong.

Hinarap niya na rin ang Daddy niya. "I'm sorry, Dad. Hindi na ako masaya sa Criminology," nahihiyang sabi niya rito. Pakiramdam niya ay binigo na naman niya ito.

Pero nakahinga siya nang maluwag nang bigyan siya ng isang ngiti ng Daddy niya. "I just want you to be happy. Do what makes you happy. So as long as hindi mo ikakapahamak 'yon," masuyong sabi nito.

Sobrang suwerte nila ni Carson sa magulang. Idagdag pa na parang may riot sa kanila sa tuwing bumibisita ang mga Tita niya. Her Aunt Georgina and Aunt Gemmalyn is a toast. Mahal na mahal din nila ang Lolo at Lola nila. Lalo na ang Lolo Evan niya na kunsintidor rin minsan. Kapag nagsasalo-salo sila, palaging maingay sa lamesa. Palaging magkakampi silang mga babae at Lolo Evan niya. Ang Lola niya madalas ang referee at ang Daddy niya at si Carson lang ang nagkakaintindihan. The girls outnumbered them.

"Go rest, love. It's been a long day," masuyong sabi ng Mommy niya.

Tumayo siya saglit bago ito niyakap nang mahigpit. Gano'n din ang ginawa niya sa Daddy niya. She'll be forever grateful for having a very understanding parents. Na kahit minsan ay sobra na ang pagkakamali niya, hindi nagsawa ang mga ito na gabayan at alalayan siya. Nasa pagkatao na yata niya ang habulin ng gulo, pero kahit gano'n hindi siya ang nagsisimula ng gulo. At kahit ang ibang tao ay hindi maganda ang tingin sa kaniya dahil sa reputasyon niya, as long naniniwala sa kaniya ang parents niya, 'yun lang ang mahalaga.

"You guys are the best! I love you both!"








SHE went upstairs to rest. Pero bago pumasok sa kuwarto ay dinaanan niya muna ang kapatid. She knocked twice before opening the door.

Nag-angat agad ng paningin ang kapatid na busy na nakaharap sa mga libro sa study table nito. Nakangiting pumasok siya at lumapit dito.

"May kailangan ka, Ate?" tanong agad nito.

Ngumiti siya rito. "Wala naman. I just want to let you know that I finally told Mom and Dad that I'm not happy with my course anymore."

Bahagya itong ngumiti. "I'm glad you did. Ano'ng sabi nila?"

She hugged her brother. "You are right. That they will understand. That they won't judge me."

Open silang dalawang magkapatid sa isa't isa. Mga bata pa lang sila ay magkasangga na sila. Mukha mang laid back lang siya, pero ilang beses na siyang napasok sa gulo dahil sa pagtatanggol kay Carson. At papasok pa rin siya sa kahit anong gulo kung kapatid niya na ang pinag-uusapan. Kaya nu'ng mga panahong naguguluhan siya at nahihirapan, she told Carson about it. Wala siyang itinatago sa kapatid. Ganu'n din naman ito sa kaniya.

"I told you. So, ano ba talagang gusto mong i-take na course now, Ate?"

Ngumiti siya sa kapatid at ginulo ang buhok nito. "Did I tell you already that you're the best little brother in the world? And that I love you so much?"

Ngumiti ito. "Love you too, Ate Maeve. I'll go Hulk if someone hurt you!" Natawa siya ng ipakita pa nito ang biceps. Para sa edad nito, medyo developed na ang katawan ng kapatid. Medyo maganda na ang hubog ng katawan nito.

"Yeah yeah. I'll go to my room now. I'm so tired. 'Wag ka masyadong magpuyat kaka-aral. Baka lumagpas sa perfect ang score mo. Nakakahiya sa 78 ko nu'ng highschool pa ako!"

Natawa na ito. Kahit siya ay natawa na rin. Totoong nakakuha siya sa card ng 78 noon. Hindi naman siya bobo, pero madalas ay bigla siyang nawawala sa focus. Hindi niya napapansin na ang layo na nang nilakbay ng utak niya.

She ruffled his hair one more time. Bago siya makalabas nang tuluyan ay tinawag pa siya nito.

"Alam mo na ba ang gusto mong course, Ate? If not, try mo mag-search online. Maybe you'll find something. But I always thought you'll take Fine Arts eh. I wonder why you didn't."

Napaisip siya. She always has a thing for arts. She even like to draw and paint! She felt so free when she was making some arts. It's like she can be herself without people judging her. Na sa kabila ng "badgirl" reputation niya, may sensitive side pa rin siya na ilang tao lang ang nakakaalam.

Ang ibang tao sa paligid niya ay hindi itinatago ang disgusto sa mukha kapag nasasalubong siya. Na paanong nagkaroon ng troublemaker na anak ang parents niya. Na bakit si Carson ay matino at pariwara siya. Minsan natatawa na lang siya sa mga tao. They can judge her all they want, wala siyang pake. Kahit alin sa mga opinyon ng mga ito ay hindi naman totoo. At wala siyang planong depensahan ang sarili niya. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.

"Do you think it's okay to take Fine Arts?" tanong niya rito.

Tumingin ito sa pader kung saan nakasabit ang drawing na regalo niya rito nu'ng nakaraang pasko. It was a character from his favorite anime Naruto.

"I couldn't imagine you doing anything else but art. Your heart is in it, Ate."

Huminga siya nang malalim at ngumiti. It was really comforting talking to her brother. Maraming tao ang lumaking hindi kasundo ang sariling kapatid. They were lucky their parents raised them to always have each other's back. Na lumaki silang walang inggitan at lamangan. Na pinalaki silang hindi pinagkumpara ng magulang nila.

"I'll think about it."

Marahan niyang isinara ang pinto ng kuwarto ng kapatid nang makalabas na. Pagkatapos ay dumiretso sa sariling kuwarto niya.

Napangiti agad siya nang makapasok na kuwarto niya. It's her safe haven. Her little heaven. Malaya silang mag-desinyo nang sarili nilang kuwarto. Kung ano ang design o kulay ng kuwarto nila, 'yun ay ang gusto nila.

And her room was painted black. With a glowing the dark stars, planets and moon on the ceiling. She also have a lamp that was designed personally by her. Kapag binubuksan niya 'yon ay parang nagkakaroon siya nang sariling version ng planetarium sa loob ng kuwarto niya.

Her brother's room was just painted a plain blue color. May mga posters lang ng banda, marvels and animes sa dingding nito. He has a big book shelf too. Since Carson loves to read a lot. Just a typical boy room. Minus the makalat part. Kasi malinis silang magkapatid sa kuwarto. Their Mom will spit fire kapag dugyot sila.

She lay on the bed and tiredly closed her eyes. The alcohol is finally kicking in.

And before sleep consume her, she remembered the guy at the bar. The guy who helped her run dahil hinahabol siya ng bodyguards nu'ng anak ng Senator na 'yun!

She doesn't see him much dahil naka-hoodie ito. The only thing she remember is that he smelt so nice. And that he helped her even if she was just a tipsy stranger who almost beat the shit out of someone.

Huminga siya nang malalim at tinigil na ang pag-iisip.

She's fucking tired. And she will fucking sleep until afternoon.




-----

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now