"Then, tell me. Everything that's bothering you.  Tell me, please. I want to know." Malumanay at paki-usap niyang sabi.

I tried to remove my hand pero mas hinigpitan pa niya iyun. Inilipat pa niya iyun sa lap niya. Nanlaki ang mga mata ko kung gaano kalapit iyun sa kaniya. Perv!

Mabilis kong hinampas ang braso ni Radu at pilit nilalayo ang kamay ko sakaniya. Ngumisi lamang ito at nakipag-hilahan sakin.

Natigil ako ng mapagtantong wala akong laban sa lakas niya. Hinila ako nito at isinandal sa dibdib niya. I was so shocked when I feel his heart beating so loud and fast.

"It's you who I love the most. You're the only reason why my heart is beating this fucking crazy... So please, stop overthinking, babe. It will only ruin you. It will ruin us."

Natutulala kong pinapakinggan ang tibok ng kaniyang puso.... Sobrang lakas ng kalabog nito.

Dinungaw ako ni Radu at dahan-dahang inilapit ang idinampi ang labi nito sa labi ko. Marahan at malalim ang halik nito sakin na naging dahilan ng pagtakbo ng katinuan ko. I'm still totally stunned, especially with how crazy his heart is beating for me...

The next thing I knew ay nakasunod na ako kay Egil palabas ng restaurant nila Mikee. Kanina pa naka-uwi si Radu. Kung di pa siya nakatanggap ng tawag mula sa Daddy nito para sa isang importanteng meeting ay di pa siya aalis.

"Bukas na ako babalik ng kompanya. Kaloka. Sandamakmak na pipirmahan at sunod sunod na mga meeting. Na-iistress ako te." Asik ni Egil.

"Ikagaganda mo yan, ghurl. Laban lang."

"Ai talaga. Mas ikakaganda ko pa talaga to. Ravan!."

Tumunog ang cellphone ni Egil kaya naman sinagot niya agad ito.

"Thank you for calling Jollibee. Can I get your order?!." Maligayang Bungad pa nito.

Natawa ako sa kalokohan ng bakla at tumingin nalang sa mga dumadaan sa kalsada.

Lumayo ako kay Egil at tumingin sa kabilang street. Ngunit ganoon nalang ang pagkatigil ko ng may mahagip ang mga mata kong imahe sa di kalayuan.

Nakatayo lamang ito at kahit naka shades ito ay nararamdaman kong sakin nakadirekta ang kaniyang tingin. Kumunot ang noo ko nang magtagal ang mga mata ko sakaniya.
Maya-maya lang ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.

Humakbang rin ako ngunit ganon nalang ang paghiyaw ko nang may makabangga ako.

"Sorry, miss..."

Tinignan ko ang lalaking nakabangga sakin. Agad akong kinilabutan ng makasalubong ang mga mata nito. Mapupula ang mga mata nito at malaki siyang tao. Nakasuot siya ng itim na sumbrero at Denim na jacket.

"Okay ka lang, miss?." Tanong niya sabay humawak sa braso ko.

Agad kong hinawi ang braso ko mula sakaniya at lumayo. Nagulat ang lalaki sa kilos ko at tinignan ako nang matagal.

"O-okay lang. Pasensya na rin."

I don't know, but I don't feel good after I looked at him.

VIRGO (Far-out )Where stories live. Discover now