Chapter 25 : Hormones and Heartaches

Magsimula sa umpisa
                                    

“And cut! That was perfect!” Narinig kong sigaw ni Direk at agad nagpalakpakan ang lahat.

“Sayang one take lang. hihi.” Narinig kong nagreklamo si Hiro kaya muli ko siyang hinampas ng pabiro.

Matapos makunan ang iba pang mga eksena ay lumapit ako kay Robbie dahil sa kanya ko pinahawak ang tubig ko.

“Nasaan si Curt?” Tanong ko kasi bigla itong nawala.

“’Wag mo munang kausapin, bad trip yon.” Aniya.

“Inaway mo na naman ba Robbie?” Biro ko.

“Nga pala tara sa dock, kakausapin daw tayo ni Milo, wag mong sasabihin kay Kitty.” Sabi pa ni Robbie kaya maingat at pasimple kaming nagtungo doon ni Robbie.

Nang makarating kami sa dock ay naabutan naming nauna na pala doon sina Milo at Curt, parang napakalalim ng pinag-uusapan nila.

“Andito na pala kayo.” Salubong ni Milo habang nakangiti. Napatingin ako kay Curt pero bigla siyang umiwas ng tingin. Galit na naman yata. Ano kayang nangyari?

“Anong meron bearbrand?” Tanong ko.

“Balak kong magp-propose kay Kitty habang nandito tayo sa isla. Gusto ko sanang magpatulong sa inyo para maisagawa ang plano.” Paliwanag ni Milo kaya agad akong napapalakpak sa tuwa at napayakap sa kanya.

“Omg! I’m so happy for you guys! Sinasabi ko na nga bang kayo ang definition ng forever!” I know hindi pa sila nagpapakasal but to think Milo is already set on settling down with Kitty, nakakatuwa and at the same time super nakakainggit. Sana makahanap rin ako ng matinong lalakeng mamahalin ako ng pang forever.

Habang nagp-plano ay pansin kong para talagang wala sa mood si Curt. Parang napakasama pa ng tingin sakin kaya matapos kaming makapagplano ay hinila ko siya para magpaiwan nang sa gayon makapag-usap kami.

“Curt galit ka ba sakin?” Tanong ko nang kaming dalawa nalang ang natitira sa dock.

“Galit ako sayo? Hindi Erin.” Sabi niya habang nakangiti pero mukha naman siyang sarcastic sa sinasabi niya.

“Dude seriously, you’ve been acting really weird.” Hindi ko na napigilang mapabuntong-hininga. Nakakainis, sinusubukan kong iniwas sa kanya, hindi ko magawa tapos ngayon siya na ang mailap, namimiss ko naman siyang kakulitan.

“I’m weird since birth.” He said and smiled. Aalis na sana siya pero muli kong hinigit ang kamay niya.

“Curt naman, nalilito na talaga ako sayo. Bigla-bigla ka nalang nagagalit at hindi namamansin tapos… Aish ewan!” Napakamot na lamang ako sa ulo ko.

“Erin hindi ba’t ikaw yung unang umiwas?” Agad akong napabitaw sa kanya dahil sa sinabi niya.

Humakbang ako paatras at iniyuko na lamang ang ulo ko.

“May gusto ka ba kay Paul?” Bigla niyang tanong kaya agad nakunot ang noo ko.

“Paul is like a brother to me. Gross!” Hindi ko na napigilan pang matawa.

“Wag kang tumawa, seryoso ako!” Galit si Curt pero hindi ko parin ako matigil sa kakatawa.

“Oh my God, nagseselos ka ba?” Napahalukipkip ako sa braso ko habang nakangisi.

“Si Hiro. Ba’t ka nagpahalik sa kanya?” Muli niyang tanong habang magkasalubong ang kilay.

“Dude what the hell, its called acting! Come on, its part of the script.”

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon