This is not right.

This is a sin.

This is forbidden.

Pero sa kabilang parte ng utak ko, sinasabing ayos lang dahil pagkakaibigan lang naman. Hindi na hihigit pa.

Di ko namalayan na huminto na pala kami. "What's wrong, Sinta?" He said in a worried voice. Ang kamay nito ay nakadantay sa sandalan ng inuupuan ko. Ang katawan niya ay nakaharap na rin sa akin.

"Nandito na ba tayo?" Sabay tingin sa labas.

"Are you upset again? Hindi ko naman ibabawas 'yon sa suweldo mo."

Umaliwalas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. I find it adorable. Ang bigat sa dibdib kanina ay biglang nawala dahil lang sa salita niya. It's crazy how clueless he is about me. About my thoughts. "Nothing, pagod lang." I assured him with a smile.

Nakakunot pa rin ang noo, I know he is not buying my reason but I will never tell him about what's on my mind. "Sa building mo na ako ibaba..may...sasakyan ako doon." I lied.

He looks problematic but he did not say anything. Nagpatuloy siya sa pagmaneho.

Dahil rush hour. We are stuck in traffic. Habang nakatingin sa bintana ay nakakita ako ng isang pawn. Nag flying kiss ako sa kaniya. I giggled.

"Do you know him?" Biglang sabi ni Armastrus.

Pati ba pawn nakikita niya?

"S-sino?"

He smiled without humor. "That boy." Turo niya sa lalaking nasa shed.

"Ah!"

Nabunutan ako ng tinik nang narealize ang sinasabi niya. I sighed in relief. Buti at hindi niya nakikita ang mga pawn. Akala niya pa ay nagfa-flying kiss ako sa lalaki.

"Hindi, that was nothing."

"Then why are you sending him a flying kiss?"

"Practice lang."

He looked at me with disbelief.

"Kalma na, Armastrus. Eto na oh." I sent him lots of flying kiss. "Eto pa, catch!"

My eyes widened and my jaw dropped when he acted that he is catching my imaginary kisses. "Gotcha." He winked at me.

Hold up! I did not unexpected that!



"Let me know once the rebuilding is done." He said in a monotone. Pagkatapos ay binaba ang hawak na telepono.

Ako naman ay hawak ang feather duster at pinapasadahan ang mga ibabaw ng shelves.

Ramdam ko ang dalas ng tingin niya sa gawi ko. Nagkibit balikat lang ako at ngumisi.

Pagkatapos maglinis ay nag hugas na ng kamay at naupo sa harap niya. Busy siya sa laptop at mukhang may binabasa. He looks so handsome kahit pa ganitong seryoso siya sa trabaho. This man exudes different air and vibe, he has this intimidating aura. One of the main reasons why women are willing to kneel down for him.

Nakapangalumbaba ako at bahagyang nangingiti habang pinagmamasdan siya. Nagtagal iyon.

He sighed heavily, seems problematic and distracted. Patuloy siya sa pagbabasa ngunit di mapakali. Tingin ko'y di na naiintindihan ang binabasa. Nang mag angat siya ng tingin sa akin ay matatalim na mata ang ginawad niya.

"What?" I asked innocently. I bit my lower lip as a waited for his answer.

His head tilted. His fingers are on his mouth.

Tumaas baba ang kilay ko sa kaniya. "Ano?"

"You are distracting me, aren't you?"

"Hindi 'no! Grabe ka. Pinapanood ka lang e. Damot!"

Tumayo na ako at naisipang lumabas dahil wala akong magawa.  I heard his call but I ignored it.

Nasa cafeteria ako ng building, pipili ng bibilhin nang may narinig na bulungan.

"Siya ba?"

"Bagong girlfriend ni sir?"

"Oo, kaya siguro umiiyak na lumabas si Miss Lannie kahapon."

"I don't think seseryosohin siya ni Sir."

"Totoo. Next thing we know, luhaan na rin yang Sinta na 'yan"

Nagatawanan sila.

"Talino rin ni Sir. Ginawa niya sigurong panakip 'yan para hindi mapagbuntungan ng threats si Miss Lannie."

"Kung hindi ako, si Miss Lannie lang talaga ang bagay sa kaniya." Mayabang na sabi ng isa.

Agad na kumalat ang pait sa aking sistema. Nabagabag ako ngunit alam ko sa sarili na hindi dapat magpaapekto. Hindi naman niya ako girlfriend. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na hayaan lang sila. They will get tired of it anyway.

Tumungo lang ako at nawalan ng gana kumain.

"Where have you been?" Salubong agad sa akin ni Amrastrus pagpasok ko.

Pilit akong ngumiti. Ayaw na mabakas ang pait sa mukha ko. "Sa cafeteria lang. Pero narealize ko di pala ako gutom." Tumawa ako.

Tinitimbang ako ng kaniyang mga titig. His lips parted. Umiwas ako ng tingin.

"Tunganga ka diyan? Go back to work!" Utos ko dahil naaasiwa na. He adorably went back to his swivel chair and made his self busy with the documents infront of him.

Indelible Sight In Harriniva: SintaWhere stories live. Discover now