ISIHS 1

118 68 38
                                    

Come back

"Ano nangyari, Sinta? Bakit palakad lakad ka diyan sa kuwarto mo?" I heard Ligaya's voice.

I paused in pacing when the screen showed Ligaya. May nginguya itong chicharon. Kanina pa ako hindi mapakali, hindi ko pa sinasabi kay Madame Ohana ang nangyari, siya ang pinakamataas at namumuno sa amin. Siya rin ang gumawa at bumuo sa amin. In other words, makapangyarihan siya.

So I decided to consult them first before anything else. Isa isang sumulpot sa screen ang tatlo pa.

Si Dalisayan.

Si Bahandi.

At si Luksa.

Lahat kami ay bahagi ng Silidabaluk. Kinatawan namin ang mga kulay na may ibat ibang sabihin. Ang mga kulay na ito ang nagdidikta sa kung anong uri ng misyon ang tutuparin namin.

Si Dalisayan ay mukhang bagong gising pa. Sabog pa ang buhok nito at halatang galing sa pagkakahiga. Si Bahandi ay kasalukuyang nag iis-skin care dahil may suot pang sheet mask. At si Luksa, maang na nakatingin sa screen, nakikinig at nag iintay ng sasabihin.

Huminga ako ng malalim at kinakalma ang sarili. Dahan-dahang umupo sa tapat ng screen, "Nangyari na bang may nakakitang tao sa inyo?"

"Oo, syempre? Kapag naka activate ang visibility." Sumagot si Bahandi.

"That's not what I mean."

"Ang ibig mo bang sabihin ay kahit deactivated? Pero imposible 'yon!" Singit ni Dalisayan.

"It's possible if..." Lahat kami ay nakatutok na ngayon sa nagsalitang si Luksa. Kung madalas ay naka french twist ang itim buhok nito, ngayon ay bagsak at nakaladlad. "...if you violated a rule."

"Oo nga, possible na humina ang proteksyon mo." Ani Ligaya.

"Wala akong binabaling rule, sigurado ako."

Matagal kaming nag usap, ngunit natapos ang tawag na iyon na walang nakaka alam kung ano ang dahilan bakit ako nakikita ni Armastrus.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin iyon sa akin. Binisita ko ang bawat pahina kung saan nakasulat ang mga patakaran, binasa ko muli lahat at nasigurong wala akong hindi nasunod.

Pumasok sa isip ang misyon na naudlot kanina. Iuutos ko na lang iyon sa isa sa pawn ko, ayokong magpabalik-balik sa kumpanyang iyon!

Ang mga pawn na iyon ay mga katulong ko sa misyon. Kalat sila sa ibat ibang panig ng mundo. Syempre, imposibleng ako lang magisa ang gumawa non.

Sa sumunod na araw, pumunta ako sa isang restaurant. May nakita pa akong pawn ko. Hugis puso siya at obviously, kulay pula. Binati ko ito at kinawayan. It wiggled.

Ngayong nasa mundo ako ng mortal, napag isipan ko na iactivate ang visibility ko. Baka katulad ng kay Armastrus ay may iba pang makakita sakin. Mahirap na at baka mawindang sila kung makita akong tumatagos-tagos sa pader. Mas ligtas kung magpapaka-tao muna ako.

Pumasok ako sa mamahaling restaurant. Buti na lang at maganda ang mga damit na nasa cabinet ko, bagay na bagay sa mamahaling lugar na to. Ngayon ay suot ko ang pulang long sleeve dress, at pinaresan ng pulang strappy high heels. Ang buhok ay nakalugay at tila sumsayaw sa bawat lakad ko.

Hindi ako kakain dito. May misyon ako at agad na nakita ang dalawang waiter na umiilaw. Gotcha!

Kinuha ko ang dart sa hand bag. Visible ako sa mga tao dahilan iyon upang hindi ko makita ang dart. Kinapa ko na lang iyon, nang makuha at pasimpleng hinagis sa dalawang waiter.

Indelible Sight In Harriniva: SintaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang