ISIHS 3

81 48 20
                                    

Dinner

Hingal na hingal ako sa ginagawa. This is my very first time doing this. Nagsisimula nang tumulo ang pawis ko, I'm kind of struggling but I continued it. Ayoko namang magmukhang kahiya-hiya sa mata ni Armastrus. Pinag igihan ko lang dahil magagamay ko din naman ito.

"Bilisan mo pa." I heard Armastrus said. Napairap ako ngunit nagpatuloy pa din.

Hinawakan ko iyon nang mabuti gamit ang dalawang kamay upang hindi kumawala.

Nagkaroon ng excitement sa akin noong sinabi niya na hired na ako. Syempre, ikaw ba namang walang mga papeles biglang nagkaroon ng trabaho sa malaking kumpanya na ito, sinong hindi masisiyahan?

Nasasayahan naman ako sa trabaho ko dito, medyo nakakapagod nga lang. Ginawa niya lang naman akong office cleaner. His 'personal office cleaner'.

Bakit, kaibigan? Ano bang akala mo?

Ang pagiging office cleaner lang daw kasi ang magagawan niya ng paraan kung walang papeles. Kaya dapat din daw na nasa loob lang ako ng opisina niya kahit wala nang gagawin.

Grabe diba?

Binitawan ko ang hawak na mop upang mapunasan ang noo gamit ang likod ng palad. Sobrang laki ng opisina niya, sa katotohanan ay nag iisang opisina ito sa floor na ito. Ang sekretarya naman niya ay may stall sa labas.

I turned my head to Amrastrus, pinaglalaruan ang ballpeng hawak. May mga pipirmahan siyang papeles ngunit ipinagpaliban niya iyon upang panoorin ako sa paglilinis. Panay utos sa akin, hindi pa nga tapos sa paglilinis ng malalaking salaming bintana ay pinag mop na agad niya ako.

Pinaglalaruan ata ako nito, e.

Nakanguso ito, may tinatagong ngiti.
Tuwang tuwa ka sa pinagagawa mo, Armastrus?

Pansin ko ding hindi naman madumi ang opisina niya, kaya bakit nira-rush niya ako sa paglilinis.

Bumaba ang tingin ko sa suot na damit. Handang handa pa naman ako at ang ganda ganda ng suot ko tapos ay maglilinis lang pala ako ng opisina niya.

"Hindi naman madumi, e. Nalinisan na ata ito." Reklamo ko, sumusuko na at tuluyan nang iniwan ang ginagawa. Sa halip ay kumuha ng tubig sa ref niya at naupo na sa sofa. "Kapagod!"

His eyes are watching me with pure merriment and enjoyment, parang manghang manga sa kinilos ko.

He cocked his head and walked towards me. Naupo sa mahabang sofa kung nasaan ako nakaupo. Lumubog ang kutson dahil sa kaniya.

I felt a little bit of uneasiness, but a kind of uneasiness na parang okay lang at ayaw mong layuan. Hindi ko maipaliwanag.

I can smell his scent now that he is beside me, it was sexy, masculine and outrageously expensive scent. Hindi iyon sobrang matapang kaya nilanghap ko pa ang amoy.

He faked a cough. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Di ko napansin ang sarili na umaabuso na pala kaka amoy sa kaniya.

"Enjoying it so much, Sinta?" May bahid ng panunukso na sabi niya.

I forced out a smile.

"You look like you are having a difficult time here" he said cockily as he eyed the cleaning materials I left.

"Malinis na nga kasi." Ulit ko. Bahagyang lumayo dahil pawis, kahiya naman at ang bango niya. "Ano pa bang lilinisin ko diyan. Aalis na nga ako!" Tumayo na ako. May mga misyon pa kasi ako. Hindi pwedeng ipagpaliban.

"Saan ka pupunta?" Napaahon na rin siya sa pagkakaupo.

"Bakit ka nagtatanong? Mamimiss mo ako?" Ngumisi ako.

Indelible Sight In Harriniva: SintaWhere stories live. Discover now