ISIHS 5

76 39 12
                                    

Threat

My eyes sparkled when Armastrus brought me in a donut shop. Humalakhak siya nang mabilis at sabik akong kumalas mula sa kaniyang hawak sa kamay ko upang tingnan isa-isa ang ibat ibang mga donut!

"Hah! Now I know where should I bring you whenever you are upset" he said from behind.

"Baka naman magka-diabetes ako niyan kung laging kakain ng matatamis."

"As if you are always upset. Hindi ba?"

Napaisip ako. Hindi naman ako laging upset. Pero mukhang mapapadalas dahil sa umaaligid kay Armastrus!

"What do you want to eat?"

"Lahat ng iyan." Biro at hamon ko saka tumawa.

I stopped laughing when he took a card out of his wallet. "Miss, bibilhin ko lahat ng 'yan."

"Huy! Amrastrus, biro lang yun. Di natin mauubos yang lahat ng donut. Ang dami dami, o!" Saway ko sa kaniya, but he ignored me!

"Ser? Di nga?" Nanlalaking mata na sabi ng tindera.

"Yes, please."

"Armastrus, I was just kidding!" I said frustratedly, hindi alam kung paano siya kukumbinsihin.

Nagpalinga-linga ang tindera. "Joke time ba 'to? Nasaan ang camera?" She asked cluelessly.

"Hind po namin bibilhin 'yan lahat! Nagbibiro lang siya!" Awat ko.

"Nasa Wow Mali ata ako, eh?" Ani ng tindera.

"Wala nang Wow Mali, ate." Singit ng katabi niya.

Napasapo na lang ako ng mukha.


"Ayaw mo?" Nilahad ko kay Armastrus and donut. Hindi siya kumain, bumili lang siya ng Frappe. Habang ako naman ay nilalantakan ang napakaraming donut sa harap. Hindi nagkasya ang mga box at supot sa mesa namin kaya kinailangan pa ng isang mesa.

"Bakit mo kasi binili lahat? Sayang 'yan o."

"Then don't challenge me next time." Ngumisi siya. "How are you feeling?" Pag iiba niya ng usapan.

"Feeling good like I should!" Muntik ko nang kantahin.

Tumawa ako. His lips protruded, stifling a smile.

"Next time, huwag mo nang bibilhin lahat. Huwag mo nang gastusin yang pera mo sa akin, I can pay for it naman." I said when I realized that he spent his money for my donuts.

"Sino nagsabing pera ko 'yun? Ibabawas 'yon sa suweldo mo." He threw back his head and let out a chuckle when he saw my reaction.

Bigla kong naluwa ang kinakain.


Hawak ako sa siko ni Armastrus. His held was gentle while guiding me to the exit of the mall. I decided na ipamigay ang mga donut sa less fortunate na tumatambay sa labas ng mall. I can remember how amused Armastrus was when I told him that.

Nang matapos mamigay ay pumasok na kami sa sasakyan niya.

"Saan kita ibaba?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"Sa bahay mo." Ngumiti ako ng nakakaloko sa kaniya

"Okay." He responded seriously.

"Armastrus! Hindi na nga kita bibiruin. Lagi mong tinototoo."

He just smirked. Napangiti ako. Now that it's already night, the street light illuminated his handsome face. Kitang kita ko kung paano sumalamin ang mga ilaw ng mga sasakyan sa kaniyang mata.  I dont think I will get tired of looking at him. May kung anong kumurot sa puso ko. Unti unting napawi ang ngiti at biglang napalitan ng pangamba.

Indelible Sight In Harriniva: SintaWhere stories live. Discover now