Chapter 26: Cloud Salvador

257 7 4
                                    

Chapter 26. Cloud Salvador

"Pstt... Athena... Athena~~~" Pantawag pansin saakin ni Cloud kinakalabit pa ako nito kaya gamit ang kanang kamay ko ay pilit kong pinipigilan habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa librong kanina ko pa binabasa.

"Shh..." saway ko rito.

Nandirito kasi kami sa library. Dumating na ang lunch pero hindi parin dumadating si Maxwell at Thunder.  Hindi ko alam pero kanina lang ay nakita ko silang dalawa na nasa parking lot pero natapos na ang buong araw ay hindi pa sila pumapasok.

"Ihh~~ Athena naman kasi~~~ Bakit ba tayo nandito? Lunch na oh! Lunch time. Oras ng tanghalian hindi oras ng pag-aaral mamaya pa yan.  Eh kaninang break time nga hindi na tayo kumain eh pati ba naman ngayon?" Mahinang bulong nito na hindi ko man lamang nililingon. "Dali na kasi magluto ka na o di kaya samahan mo nalang ako kumain sa cafeteria nagugutom na kasi talaga ako ih~~~"

    
      Pangungulit pa nito saakin hindi pa ito nakuntento dahil nagawa pa nitong tumayo at hilain ako mula sa pagkakaupo.

"Cloudeus Salvador can you please shut up?! If you wanna eat then go eat by yourself. Pwedeng wag ka nang mang-abala ng ibang tao?" Pabulong na sigaw na sigaw ni Liam-nisan na hanggang ngayon ay busy parin sa binabasa nito. 

Mayroon kasing mga schoolworks na kailangan nilang habulin since late na ang paglipat sa school kaya nagyaya sila dito sa library. Sumama narin ako sa kanila para makapagbasa. Hindi rin naman ako nagugutom since marami-rami ang nakain ko ng almusal kasama sila daddy.

"Ikaw ba inaaya ko? Bahala kayo... Ako nalang ang kakain mag-isa kung ayaw niyo."

Pipigilan ko sana siya ng akma itong aalis palabas ng tumunog ang bell ng school. Hudyat na tapos na ang lunch break.

Sa pagharap ni Cloud ay doon ko nakita ang paglukot ng mukha nito at parang batang iiyak kaya bago pa iyon ay mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at tumakbo sa pwesto niya para hilain siyang palabas ng library.

"Wahhh!!!! Athena gutom na gutom na talaga ako!!!!!" Malakas nitong reklamo na nakapagpalingon sa maraming tao dito sa hallway.

"Shhh...  Cloud oo na... Oo na sasamahan na kita kukunin ko lang yung gamit ko sa loob." Pagpayag ko dito. Papasok na sana akong muli pero nakita kong palabas na sila Onisan dala dala ang bag ko.

"Go with him... Kami nang bahala magdala ng bag mo sa room.  Just take care." Nakangiting sabi ni Liam-nisan na tinapik pa ang ulunan ko kaya tumango nalang ako.

"HMMM...  Bokit?" Puno ang bibig na tanong ni Cloud nang mapansin ang kanina pang pagtitig ko dito.

"Nothing I just find your gestures and personality so childlike" natatawa kong sabi na nagpasimangot dito.

"Am I really childish?"

"Yeah but don't be sad cause I find it cute."

"Really?" Kumikinang ang mata nitong sabi kaya tumango naman ako. "How I wish that's also what my parents think."

"Huh? Why oh wait I'm sorry but somehow are you and your--parents aren't in good terms? I mean its fine kung hindi mo sasagutin. No pressure."

"N-no...  It's not a big deal sanay naman na ako eh. Growing up my parents are too busy and don't have time for me. I eat by myself, sleep without seeing them at magigising nalang umalis na pala sila." Tumigil ito sa pagsasalita kaya nakangiting tumango ako telling him to continue. "Alam mo yun? Sa isang buwan isa o dalawang beses lang kung magkita kami. And when I asked them to spend sometime with me nagagalit sila hindi ko raw sila naiintindihan. That I am being a spoiled brat, a childish. Na ginagawa lang naman nila ang lahat so they can give all the best. Pero alam mo? Sila lang naman talaga kailangan ko eh yung atensyon nila at pagmamahal yung makakasama ko araw araw. Wala akong kapatid kaya I am always alone buti nalang naging kaibigan ko si Thunder at Maxwell pati narin yung kambal. Nawawala kasi sa isip ko na mag-isa lang ako. Kasama ko sila sa school, kumain, mag-aral, pumasok at mag hangout. Kaya alam mo?  Kaya kong gawin ang lahat huwag lang masira ang pagkakaibigan namin. Yun nga lang minsan hindi ko na sila naiintindihan." Nakayuko nitong sabi hindi ko na makita ngayon ang reaksyon niya pero sa pagkalikot ng kamay niya sa balot ng burger ay nasisiguro kong hindi siya mapakali. It was as if something was bothering him na gusto niyang sabihin saakin pero may pumipigil sa kanya.

"P-paanong hindi mo maintindihan?  N-nag-away ba kayo? Yun ba ang dahilan bakit wala si Maxwell at Thunder ngayon?" I ask leaning forward on the table that separates us just to look at his face.

"I think so...  Gaya nga ng sabi ko minsan hindi ko na talaga sila naiintindihan. Andami nilang bagay na gustong gawin gusto ko silang pigilan pero paano ko gagawin yun? Ayaw na ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil sa pagpigil na gagawin ko." Napatango-tango ako. I feel like there's some big problem going on with them na hindi nila masabi sabi saakin.

"Can I say something?" I ask at may pillit na ngiti naman itong tumango. "Hindi ko alam kung ano yung ibig mong sabihin. And I know na masyadong private yun para sainyo that's why hindi mo sinasabi saakin. Pero kung ano man yun kung sa tingin mong para sa ikabubuti nila ang pagpigil mo sa kung ano man ang gusto nilang gawin then go. Stop them hindi mo kailangan isipin yung pagkakaibigan niyo. Dahil kung totoo kanilang kaibigan then Im sure magiging okay din kayo, maiindtindihan ka nila. Ang importante ay naging okay sila. Nalayo mo sila sa kahit anong kapahamakan na dulot ng ano mang gusto nilang gawin. At kung ano man ang mangyari magka-away man kayo nandidito ako. I can be your reffery you know?" I said the last words chuckling just to cheer him up.

"Thank you Athena ahh..." Tumatawang sabi nito. "Pero sana... sana kung sakali mang hindi maging okay ang lahat. Sana nandito ka parin para sa tabi ko.  Handang samahan ako sa tuwing walang kahit sino ang gustong mag-stay sa tabi ko."

"Ano ka ba... Oo naman I will always here for you. Para saan pa naging magkaibigan tayo diba?  Handa akong makinig at pagaanin ang loob mo. Kung ano man yang problema mo at handa ka nang sabihin saakin yan makikinig ako." Nakangiti kong sabi hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Oh... Ano okay ka na? Mukhang tapos ka nang kumain eh. Tara na baka malate tayo sa class." Sabi ko saka tumayo na nang mapansing tapos na itong kumain. Tumalikod na ako at naglakad paalis pero napahinto ako ng maramdamang hindi pa ito sumusunod saakin.

"A-Athena!" Napalingon ako ng marinig ang pagtawag ni Cloud saakin. At doon ko nakitang nakatayo na ito pero hindi parin umaalis sa kinauupuan niya kanina.

"W-why? At bakit nandiyan ka parin tara na." Tanong ko rito lumapit pa ako sakanya makitang hindi man lang ito gumagalaw at nanatili itong nakayuko para akbayan siya't hilain ng bahagya.

"S-salamat!" He said. "Maraming salamat at sorry. Masyado kang mabait para maranasan ang lahat. I wish I could be as strong as you are. And Liam and Lian are so lucky dahil bestfriend ka nila sana ganun din ako kaswerte noh?" Dagdag pa nito. Hindi ko man naiintindihan ay ngumiti ako rito at bahagyang ginulo ang buhok niya gamit ang naka-akbay kong kamay sa balikat niya.

"Swerte rin naman ako sakanila eh. Mas naging swerte pa nga ako kasi sinong mag-aakalang gusto niyo akong maging kaibigan? After 6 years I finally have you, a friend of mine besides onisans. And wag kang mag-alala okay? Because if you want I can be your bestfriend." Nakangiti kong sagot.

"T-talaga?" Paninigurado nito at tumango naman ako. "Bestfriend na kita?" He asked for the 2nd time.

"Ofcourse o kung gusto mo I can be your sister. And I am willing to treat you as my younger brother."

"Maraming salamat Athena ah.  Napagaan mo ang loob ko from now on I'll be your bestfriend and like what the twins. Gagawin ko ang lahat maprotektahan kita. Kayo ng mga kaibigan ko. Gagawin ko ang lahat wag lang masira itong pagkakaibigan na nabuo natin."

END OF CHAPTER 26

HI! If you like this chapter please don't forget to VOTE, COMMENT  below your thoughts, and FOLLOW my wattpad account! See you next update😘

THE HEIRESS: Nerd Sweet Revenge Where stories live. Discover now