Prologue

35 4 0
                                        



Minsan lang sa ating buhay ang mabigyan ng pagkakatong maging matagumpay kahit sa ano mang larangan kaya kung hawak-hawak mo na ito ay huwag mong hahayaang makawala pa sayo.

"Anak kailan mo ba balak hawakan ang kumpanya natin."

Matagal na akong inaawitan ng magulang pero lagi ko silang tinatanggihan. Minsan ko na itong hinawakan pero ng mag-asawa ang bunso kong kapatid ay ito na ang inatasang mamalakad sa kagustuhan ko narin. Wala namang kaso sakin kung ito ang papalit kay Daddy dahil wala naman akong interest sa kumpanya. I might sound proud pero may nasimulan na akong negosyo na talagang gusto ko.

"Not a chance Dad kaya naman ng kapatid ko. You can see the figures. It is much higher compare to the time when I manage it."

My father sigh and didn't argue. They know me, hindi nila ako mapipilit kung talagang ayaw ko. Laking pasasalamat ko sa kapatid kong si Rizze dahil mahal nito ang kumpanya and she is very dedicated sa trabaho. Ang akala ko nga noong una ay mahihirapan ito dahil mas lumaki ang sakop ng kumpanya. Ang dating Lopez Group of companies ay naging Lopez-Samaniego Group of companies na ngayon. They start to merge the business ng mapangasawa ng kapatid ko ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Samaniego, si Vince Drake Samaniego.

"Well, kung hindi talaga kita mapipilit. Sige I will accept your decision Rixx but in one condition."

Mukhang hindi maganda ang nagiging takbo ng usapang ito pero kahit ano pang kundisyun ang gusto nila wag lang ang kumpanya because I have my own company to deal with.

Hindi nalang ako nagsalita at naghintay ng sasabihin ni Dad. Wala din naman akong magiging choice.

"Since wala ka namang assistant ngayon ako ang hahanap ng makakasama mo."

Last month lang ay nagpasa si May ng resignation. Hindi ko sana balak tanggapin pero alam ko ang pinag dadaanan nito. She's been one of the asset of my company and at the same time a good friend of mine. Kahit naman may pagka praning ng taong iyun ay nagkakasundo kami. Laking panghihinayang ko ng umalis ito but that is life nothing is permanent. So technically my father is right pero hindi ko naman kailangan ng assistant ngayon. I still have my friends who are willing to help me. Sila ang katulong ko ngayon and I can still manage.

"Pero Dad."

"Anong gusto mo ang kumpanya natin o assistant mo? Mamili ka."

Iniipit talaga ako ng ama ko. Do I really have any choice? Wala narin akong pwedeng idahilan so I will choose the later.

"Ok fine. But Dad I want someone like May or better."

"You really like her ha. Don't worry son, mabait at masipag ang kukuhanin ko. Alam kong magugustuhan mo siya."

I really hope so. Maingay at makulit man si May ay magaling naman ito sa trabaho. Sana lang hindi sakit ng ulo ang recommended ni Dad.

"Hello Kanor. Oo ako nga. May hihingin sana akong pabor sayo. Pwede mo bang pauwiin ang anak mo. Ah di mas mabuti. Kailangan kasi ng anak ko ng makakasama. Naman kumpare hindi asawa, makakasama lang sa trabaho. Ikaw talaga."

Dad look at me and from the way his eyes smile and shine like an idiot mukhang may binabalak itong hindi maganda.

"Pwede naman nating gawan ng paraan yan. Alam kong magugustuhan siya ng anak ko. May pagkasuplado ito pero habulin ng babae." Dad laugh like something really funny and what the heck is that for?

NumbStories to obsess over. Discover now